Chapter LXXIV

8.6K 965 81
                                    

Chapter LXXIV: Beastman King’s Problem

Matapos makabawi mula sa matinding gulat, nagdilim ang ekspresyon ni Zigar. Para bang nabaligtad ang kanyang katauhan pagkatapos tanungin ito ni Finn Doria sa kanya. Bigla nalamang may kapangi-pangilabot na awra siyang inilabas at dahan-dahan siyang humarap kay Finn Doria. Nakamamatay ang kanyang mga tingin nang tiningnan niya ang binata na kasalukuyan namang gulat at nakatingin din sa kanya.

“Finn Doria,” mariing banggit ni Zigar sa pangalan ng binata. “Maging maingat ka sa iyong mga sinasabi. Walang karamdaman ang kamahalan, malusog siya at malakas; at kaya ka niyang paslangin kung sasabihin mo iyan sa kanya ng harapan.”

“Kahit pa kaibigan ka ng aking anak na si Crypt, hindi ka ma-a-absuwelto sa iyong pagsisinungaling.”

Ramdam ni Finn Doria na galit si Zigar. Nanibago siya’t nagulat dahil sa pagbabagong nangyari kay Zigar. Kalmado lang ito mula kanina, at hindi siya nagpapakita ng gaanong ekspresyon at emosyon noong sila ay nag-uusap.

Gayunpaman, nang banggitin niya ang tungkol sa karamdaman ng hari ng mga beastmen, bigla nawala ang malumanay at kalmado nitong ekspresyon.

‘Ang kanyang awra… mas malakas si Ginoong Zigar kaysa kay Ginoong Gin. Sigurado akong 9th Level Heaven Rank si Ginoong Zigar,’ sa isip ni Finn Doria habang pinakikiramdaman niya ang kapangi-pangilabot na awra ni Zigar.

Pero, kahit nararamdaman ni Finn Doria ang galit at mabigat na awra ni Zigar, nanatili siyang kalmado. Hindi siya natakot. Huminga lang siya ng malalim at nagsimulang magpaliwanag.

“Unang-una, hindi ko kaibigan si Crypt. Nagkasama lang kaming dalawa sa iisang barko pero hindi kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap,” panimula ni Finn Doria. Sumeryoso ang kanyang ekspresyon at marahang nagpatuloy, “Pangalawa, hindi ako nagsisinungaling, at kahit pa ikulong o patayin ninyo ako, hindi ako natatakot. Ang pagtatanong ko sa ‘yo, Ginoong Zigar ay may magandang intensyon.”

“Wala akong ibang ibig sabihin at nais ko lang ipaalam sa inyo na may mali sa inyong hari. Mayroon siyang karamdaman at sigurado ako roon.”

Mas lalong bumigat ang awra ni Zigar. Ikinuyom nito ang kanyang kamao at nagngitngit ang kanyang mga ngipin. Pero, ilang sandali pa, binawi niya rin ang kanyang mabigat na awra at pilit na huminahon.

“Walang karamdaman ang kamahalan. H’wag mo na ulit babanggitin ang tungkol dito, lalong-lalo na kapag iba ang kausap mo,” taimtim na sabi ni Zigar.

Hindi matanggap ni Finn Doria ang sinabi ni Zigar. Hindi niya gustong kalimutan ang tungkol dito dahil unang-una, isa siyang alchemist—isang manggagamot.

At bilang manggagamot, hindi mapigilan ni Finn Doria ang kanyang sarili sa tuwing may nakikita siyang mali. Isa pa, mayroon din siyang dahilan kung bakit gusto niyang pagalingin ang hari ng mga beastmen kung may karamdaman man ito.

“Gusto kong tumulong, Ginoong Zigar. Hayaan ninyo ako na tulungan ang inyong hari,” seryosong hayag ni Finn Doria.

“Ano’ng magagawa mo—”

“Isa akong alchemist, at walang pangkaraniwang karamdaman sa kontinenteng ito ang hindi ko kayang gamutin. At kahit pa hindi iyon karamdaman, kaya ko pa ring gumawa ng paraan,” seryosong putol ni Finn Doria kay Zigar.

Bahagyang tumawa si Zigar. Pinagtatawanan niya ang sinabi ng binata, at halatang-halata naman na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ni Finn Doria.

“Isa kang alchemist, pero marami ring magagaling na alchemist sa kahariang ito. Hindi nagpapahuli ang aming mga alchemists sa mga alchemists ng Imperyo ng Rowan. Isa pa, ilang taon kana ba? Ang iyong edad ang makapagsasabi kung eksperto ka o hindi,” pagmamatigas ni Zigar. “At ikaw na ang nagsabi. Pangkaraniwan karamdaman lang ang kaya mong gamutin habang wala namang karamdaman ang kamahalan kaya hindi niya kailangan ng manggagamot.”

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon