Ako si Ali. Sabi ng lahat, ako'y hindi matalino at walang maaabot. Pero,dahil sa MATA, ako'y nakakatulong sa ibang tao.
Pero, kahit anong gawin ko,palagi akong napapagalitan. Ang dami kong ginawa para sa kanila. Tapos, iiwanan nalang nila ako.
Lahat ng kaibigan ko,ang tito ko,pati na rin ang aking tatay. Iniwanan at nagalit sa akin.
Palagi nilang sinasabi ako'y mahalaga. Pero bakit nila ako sinasaktan? Mama,bakit mo ako iniwan? Ayaw mo ba sa akin? Kaya mo ba kami iniwanan dahil sa akin?
Gusto ko lang may magmahal ulit sa akin. Kahit isang araw lang. Kahit sino. Basta totoo ang kanilang pagmamahal saakin.
"Ali,umalis ka na dyan sa kwarto mo. May naghahanap saiyo" ang sabi ni tatay saakin habang kumakatok sa pinto. Hindi ako nagsalita. Wala akong sinabi hanggang umalis na siya. "Anak,please,huwag mo na i lock ang sarili mo. Kausapin mo naman kami" sabi niya bago bumaba
Ako'y huminga at binuksan and drawer at kinuha ang isang maliit na metal na bilog.
"Hindi ko dapat ikaw kinuha. Pero ikaw lang ang makakapagpapasaya saakin iris" sabi ko bago ko pinindot ang gitna at naging asul na salamin.
"Meow?" Ang sabi nang pusa ko habang nag iimpake nang mga damit.
At... Ang picture ni mama...
May luha na lumabas sa aking mata pero pinunasan ko ito agad.
Inanlock ko ang pinto bago pumunta sa harap ng bintana at binuksan ang bintana.
"Comot?" Tinanong ko ang pusa ko kung gusto nyang sumama. Pero ayaw niya "sige,mag enjoy ka kasama nila comot. Ikaw lang ang kinonsedara kong kapamilya" sinabi ko bago lumusot sa bintana at nagpaalam sa aking kaibigan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta,pero kahit saan ay pwede na.
Ako'y naglalakad sa daan at hindi ko namalayan kung anong oras na. "Alas-dose na pala" sinabi ko habang tinitingnan ang selpon. May tatlumpung miss calls na ako kay papa at limampu't pito naman kay tito. Pero hindi ko sila pinansin.
HONK
HONK
Tumingin ako kung saan yung tunog at nakita kong may parating na truck.
Hindi ako makagalaw. Naninigas ako. Alam ko na ako'y mamamatay,at pinabayaan ko nalang akong masagasaan.
CRASH
wala akong makita kung hindi kadiliman. May naririnig akong mga tao. Pero.. hindi ko sila masyadong marinig ang sinasabi nila.
Mama,masakit. Puntahan mo na ako at magsama na tayo sa kabilang buhay. Para hindi na nila ako saktan ulit.
Ayaw ko na mama. Ayaw ko na mabuhay kasama sila. Wala silang ginawa kundi saktan ako.
Ayaw ko nang mawala na piling mo
"Ali,halika na. Sumama ka na saakin. Sa kabilang buhay. Pro protektahan kita" ang boses na yon,pamilyar. Baka ito si- hinde. Imposible ito.
"Narito na si mama" siya nga iyon. Ang aking inay.
BP:ano,Jella. Nakakaiyak?
