Naglalakad ako sa kawalan na tila ba wala ng patutunguhan. Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay ang pagbuhos ng ulan na para bang nakikiramay ang kalangitan sa aking nararamdaman ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo dito sa gilid ng tulay halos hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan na ang dumaan.
Tumila na ang ulan ngunit ang pagpatak ng aking mga luha ay patuloy pa rin na tila ba wala ng katapusan pa. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumayo pabalik at harapin ang mga taong nanakit sa akin. Gusto ko na lang mamatay para matapos na ang paghihirap ko na ito.
Mahirap pero kailangan kong maging matatag dahil hindi na lang ito tungkol sa akin. Ito ay tungkol din sa batang nasa sinapupunan ko ngayon. Kailangan kong maging malakas para sa aming dalawa.
Yes I am pregnant
And I am a rape victim.

BINABASA MO ANG
THE DOWNFALL OF MARIA CLARA
Cerita PendekLahat ng nasa kanya noon ay nawala... ...mga taong inaasahan niyang magiging karamay niya ay tinalikuran din siya. Isang pangyayari na kahit siya ay... ...hindi ninais na mangyari. Paano niya haharapin ngayon ang mundo... ...kung...