Velle
"Patingin nga ng notes mo, Velle"
I handed Psyche my notes in Rizal. Nasa bahay sila ngayon para mag-aral sa long quiz namin sa susunod na araw. Kagagaling lang nila sa school, samantalang wala naman akong pasok ngayon, at bukas ay holiday. Our prof expects us to pass the exam. She is like that every time yet we do pass. We are already been feed by her, we should be chewing and not spitting the lessons she feed. May hints pa sa exams niya at pattern na puro ABCD lang ang answer sa tuwing mag-eexam kami.
"Kami pa niloloko mo Psyche, eh ikaw kaya ang unang natatapos. Sumulat ka lang ng pangalan mo tas shade na lahat ng ABCD, tas ABCD na naman. Hindi mo na binabasa ang tanong" biro ko sa kanya
"Huwag kang maingay, nasa gilid lang si Iloy"
Napatingin ako sa gilid at nakita si Iloy na bitbit ang car shampoo. May car wash naman malapit sa'min pero mas gusto niya ang mano-mano. I heard him and daddy talking, the former worked once at a car washing business prior to being a driver.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. I still feel his arms around me. Weird. Nalipat na niya sa'kin ang pagkaweirdo niya.
As if he heard us, he turned his head to our way and smile. Kinurot nila akong dalawa bago binati uli si Iloy na ilang beses na nilang ginawa ngayong araw.
"Nagpapapansin ba kayo sa kanya? Pansin ko kanina ko pa nakikita s-" naputol ang sasabihin ko nang tawagin ako ni daddy na kakapasok lang sa gate.
Pawisan siya galing sa jogging, may threadmill naman sa loob.
"Pasok ka." Aya niya sa taong nasa labas pa rin
A middle age man, entered and said his hello to us. My friends greeted him too.
"Darling, he is the new member of our family. Driver natin" napakunot ang noo ko sa sinabi ni daddy at napatingin kay Iloy na nagsimulang paliguan ang SUV.
"Family driver natin siya, pero personal driver mo si Iloy. Don't worry about him. Simula pa lang, alam na niya trabaho niya." Paninigurado ni daddy sa'kin bago sinamahan sa tutuluyan niya ang bagong driver namin
"Velle, narinig mo 'yun? We can ride your car anytime. Masosolo pa natin si Iloy" napangiwi ako sa binulong nina Mayumi
"Hoy, anong natin? Namin lang, hindi ako kasali"
"Palibhasa kasi, may Kuya Avion na" iiling-iling na sabi ni Mayumi
Hindi ko na lang sila pinansin kahit na kilig na kilig ako, pangalan niya pa lang. We acted like were studying for a good two hours. We pretended to opened our notes and read something in our tabs when the truth is they're chatting me and took a photo of Iloy while washing the car. Napagod rin kami sa ginagawa namin na pagpapanggap at pumasok na sa kwarto ko.
Wala kaming magawa sa kwarto kundi manood ng mga movies atsaka nagpatirintas kay Mayumi to matched our hair. She did a well braid (French braid) on us. Nakaidlip din kami saglit and woke up to ate our dinner.
Evening means study time for Iloy. He didn't want us to wait, hindi siya Filipino time. If he did study, he will be a good businessman or car racing driver. Ang dami niyang alam sa mga sasakyan and he loves car. Grabe siya kung alagaan ang sasakyan namin. Kahit na ibang sasakyan namin ay nililinisan niya, pati motorbike ni daddy.
"Maayong gabii mga madam" bati niya sa kaibigan kong sumunod sa'kin
"Magandang gabi rin sa'yo, langga" He flashed his smile at me, and I smiled back
BINABASA MO ANG
Her Patient
Fiction généraleHe never thought that stepping in the known island which he only knew a few words can change his life. He is a probinsiyano driver who bravely walked into the hustle city. He's gentle and caring until he became wrath, looking for his beauty to ruin...