waló

47 3 0
                                    

Velle

          Weeks and a months had passed, Iloy and I are getting closer each day. Palagi siyang nandiyan sa tabi ko. I can always call him if I wanna go anywhere. He treated me like his own sister, and thankfully dad didn't notice the hugs and hold that Iloy gave without a word. Palagi niya akong niyayakap na lang bigla kung gusto niya, sinasabing nanggigigil daw siya sa'kin

          "Thank you, sir" I smiled at him as I get my paid bill

            I am currently enrolling for third year, ipapapirma ko na lang 'to sa different department at ibibigay pabalik sa department ko and I am good to go. My friends are not with me, balak sana namin na sabay but they can't, kasi naextend ang bakasyon nila nang ibalita sa school na extended pa ng one month ang klase. Sa mismong first day of class pa sila magpapaenroll and knowing Psyche, I doubt she can make it. Papalipasan niya pa ang isang linggo ng klase bago siya papasok, wala naman din kasing ginagawa, mostly inaarrange pa ang schedules at profs.

            Nag-taxi na lang ako pabalik sa bahay dahil nasa Casa ang dalawa namin na sasakyan. The tires are already old and flat, binibilhan pa at para na rin ma-general check-up.

            "Hi, Lolo" bati ko kay Lolo Larry na nagdidilig ng halaman namin malapit sa may gate gamit ang water sprinkler

            "Enrolled ka na, apo?" Tumango ako sa kanya habang nakangiti

            "Nandiyan na po ba sina Iloy?" Ini-off niya ang hose sabay tingin sa'kin

            "Talaga namang close na close na kayo no? Dati daddy at mommy mo hinahanap mo, o di kaya si Lala Rona mo. Ngayon ay iba na ang hinahanap mo, talaga namang ikaw ay lumalaki na at dalaga na"

             Napanguso ako sa sinabi ni Lolo at niyakap siya sa gilid

            "Lolo, hindi naman sa ganun. Siya na lang kasi ang nakakausap kong malapit sa edad ko" marahang tinapik ni Lolo ang kamay ko at niyugyog ang balikat ko

             "Baka naman hindi mo sinasabing may nagpapatibok na pala sa puso mo, ano?" Biro niya pa

             "Lolo naman. Kaibigan ko nga lang si Iloy" paninigurado ko sa kanya

             "Alam mo apo, papunta ka palang pabalik na ako. Alam kong kahit may nobya 'yang si Iloy, iba pa rin ang tinginan niyo. Aba ay hindi niyo lang napapansin, sigurado akong kayo rin sa huli" napalabi na lang ako sa sinabi niya bago nagpaalam kay Lolo na papasok na ako sa bahay.

             Hihiga na sana ako sa kama nang makita ang bracelet na regalo ko dapat kay Kuya Avion, nasa vanity mirror ko pa siya. Palagi kong nakakalimutan na ibigay kay Kuya Avion hanggang sa magbakasyon na lang sila. May isang buwan pa sila para sulitin ang bakasyon.

            I took a quick nap before I fed myself with our dinner our kasambahay made. Sina daddy at mommy ay hindi na naman makakauwi, and I understand them. Bumalik na lang ako sa kwarto pagkatapos at naupo sa ottoman na nasa balcony ko. Tanaw-tanaw ko mula rito ang ibang bahay sa subdivision. Maswerte kami dahil medyo malayo sa polusyon ang bahay namin, hindi pa traffic.

            Pumasok uli ako sa kwarto at isinara ang sliding door sa balcony. Sinuot ko ang hoodie at lumabas ng bahay para magpahangin sa may patio. Hindi na 'ko nagulat nang makita si Iloy. Nakaupo siya sa marbled floor ng patio, nakatingala sa langit. Dahan-dahan akong naglakad sa may likuran niya para gulatin siya, pero ako pa ang nagulat nang bigla siyang lumingon

          "Langga, gasa na ko nimo, sorry hindi ko nabigay sa'yo" sabay abot niya sa'kin ng paper bag

           The first time I heard him say gasa, I asked him with a confuse look. He said it's pasalubong in Bisaya. I get the bag and murmured my thank you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her PatientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon