Unbreakable Splash

49 1 0
                                    





Art Series # 1 - Unbreakable Splash


"Congratulations, Manuel S. Enverga University Foundation, Candelaria for ranking the first place in swimming."

Maririnig mo ang palakpakan ng mga tao sa Villa Leandro. Makikita mo kung gaano karami ang mga Envergistas na naririto. Proud na proud sila sa mga atleta nila.

Kinuhunan ko ng litrato ang bawat atleta na tumanggap ng kanilang medalya dahil sa pagkapanalo. Hindi mo maipagkakaila na maganda ang katawan ng nakakuha ng first place. Agad kong kinuha ang camera ko at kinuhanan siya.

Agad na nagtilian ang mga kababaihan dahil sa pagngiti ng nanalo. Kahit ako'y napatitig sa kanya, ang ganda ng mga ngiti niya, kung ikaw ay marupok mahuhulog ka sa kanya.

"Hoy, Amara." Sigaw sa akin ni Alas.

Iritadong lumingon naman ako sa kanya nang tawagin niya ako.

"Tara na, uy. Sino pa pipicturan diyan? Eh, kanina pang naawardan si Iñigo at Elyssa." Pagtatanong niya.

Muli kong binalik ang tingin ko sa stage kung nasaan ang lalaking nakangiti ng napakaganda dahil sa kaniyang pagkapanalo.

"Crush mo 'yan?" Tanong sa akin ni Alas.

"Hindi ah." Agad kong pagtanggi sa kanya.

"Malabo na mapansin ka niyan, Amara. Oo, maganda ka. Kaso tingin ko di ka tipo niyan, Grade 11 na 'yan. Eh, ikaw Grade 9 pa lang. Masyado kang bata para sa kaniya." Pagbibigay impormasyon ni Alas.

Mukha ngang malabo na magtagpo ang aming mga mata. Sa dami nang nakatingin at humahanga sa kaniya, malabong makilala niya ako mas malabo pa sa mata ko.

Tiningnan ko ang kuha niya sa camera ko. Sobrang lapad ng ngiti niya habang kagat kagat ang medalya. Hindi mo alam kung saan nakatingin ang mga matang niyang nangigislap sa tuwa. Sa loob loob ko ng makitang banda rito sa pwesto ko siya nakatingin, umaasa ako, umaasang ako ang tinitingnan niya pero malabo.

Napangiti ako ng mapait. Magiging isa na rin yata ako sa mga tumitingin sayo mula sa malayo. Aasang magtatagpo ang mga mata nating dalawa. At hindi na lilingon pa sa iba.

Congrats, lalaking envergista. Ako'y napahanga mo.


•••


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.   

This story is not affiliated with any of the schools, enterprises, and products mentioned.

All rights reserved

Unbreakable Splash (ART OF LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now