Chapter 21: Ego

420 58 41
                                    

Sid (Reyden)

I really don't like what's happening. My split seemed to be colder and colder by the second. His eyes are full of hate and jealousy. His feeling of guilt was gone. Nagtitimpi lang siya pero pakiramdam ko masasaktan na niya si Nina. Inalalayan ako ni Ethan at Nina paupo sa kama. Dumiretso kami rito sa mansyon right after the incident at the hospital. Reyden wants to stay here for everyone's safety.

"Nina, come with me!" Seryosong utos ni Reyden. Gumihit ang pag-aalala sa aking mukha. I don't want Nina to get hurt because of myself!

"She's staying with me!" Matapang kong sabi.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ng aking split, ang mukha ko- ang mukha ni Reyden. Bahagya akong ngumisi. He may be inside our body, but that doesn't mean he can do whatever he wants lalong-lalo na pagdating sa asawa namin.

I cannot just sit back knowing that Nina cried herself out nang dahil sa kanya. I completely understand that he just wants Nina to be safe, but that is not the right way to deal with her. Pinilit kong tumayo kahit kumikirot talaga ang aking tagiliran. Lumakad ako at inabot ang kamay ni Nina. I intertwined my fingers between hers.

"Let her stay with me." Kalmado kong sabi.

Lalong nagdilim ang mukha ni Reyden. Ganyan pala ang itsura ko kapag nagagalit, nakakatakot. Kakaiba talaga ang sitwasyong ito. Napa-awkward na nakikita ko ang aking sarili habang nasa loob ako ng katawan ng ibang tao.

"No!" Matigas na sagot ni Reyden. Malakas niyang hinawi ang kamay kong nakahawak kay Nina. Bahagya akong napaatras dahil hindi ko agad nabalanse ang aking katawan.

"What are you doing!" Sigaw ni Nina kay Reyden. Agad siyang lumapit sa akin para alalayan ako at hindi tuluyang matumba.

"I'm just asking you to come with me! Ano bang mahirap doon? I am your husband, so you need to stay with me!" Nanggagalaiting singhal ni Reyden

"I am also her husband!" Matigas kong sabat.

"Yes you are, but I cannot let you touch her! Why are you making such a fuss right now? All this time you have been with her while I was all alone doing what I needed to do. Why can't you just let her be with me!" Mapait niyang sagot.

Nagtama ang mga ngipin ko. Nabanaagan ko sa kanyang mata ang hinanakit. Napakunot ang noo ko. Am I seeing this right? Am I misunderstanding the situation?

"Because you are making her upset!" Diretso kong sagot.

"I am just trying to protect her and keep her safe!" Patuloy niya.

"No, you're not. You're hurting her and you're making her cry!" Inis kong sagot.

Natahimik siya sabay tingin kay Nina na para bang gusto niyang sabihin ni Nina na hindi totoo ang mga sinasabi ko. Imbes na kampihan siya ay umiwas ng tingin si Nina at humawak sa akin.

"See, she doesn't want to be with you!" Pagpapamukha ko sa kanya. Wala akong balak na makipag-away sa aking split, wala rin naman akong balak na makipag-kumpitensiya sa kanya. I just want him to be more considerate with Nina's feelings.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Kung wala lang ibang tao, sigurado akong kanina niya pa ako nasuntok.

"Nina, come with me kung ayaw mong magkagulo rito at madagdagan ang mga sugat sa katawan ni Sid!" Pagbabanta niya.

Napahinga ako nang malalim. Yumuko ako at nakita ang matigas na emosyon sa mukha ni Nina. She will not also back down. Magkasingtigas na sila ng ulo ngayon!

"Woah, woah, woah, hindi tayo ang magkakalaban dito!" Singit ni Ethan habang pumapagitna sa amin. "Calm down, both of you are being irrational! This isn't a good time para pag-awayan niyo si Nina. We have bigger problems, remember?" Patuloy niya.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon