Chapter 50: Her Tears

291 51 16
                                    

Bel

"Mukhang effective naman, bakla!" bulong ni Greg; or should I call him Regina, Reg in short!

Natawa ako sabay tingin sa kanya. Ngumuso siya. Napatingin ako sa itinuturo ng kanyang nguso at nakitang paalis na si Ethan at Rebecca. Napangisi ako!

"Anong effective, wala lang kaya, tingnan mo- walang pakialam!" dismayado kong sagot sa kanya.

Napahagikgik siya. "Baklang 'to, kitang-kita ko kaya! Nagseselos si papa Ethan!" pabakla niyang sabi sabay itsa sa akin paalis sa kanyang kandungan.

"Ayyyy!" tili ko nang muntik na akong malaglag sa sofa. Bwisit na baklang 'to!

"Kadiri, bes, ngayon lang ako nangilabot nang ganito! Kung hindi lang kita kaibigan, hindi ako magpapakalalaki ngayong gabi!" maarte niyang sabi sabay pagpag sa kanyang kandungan.

Natawa ako. Hindi pa rin nagbabago ang baklang ito! Malapit ko siyang kaibigan noong college kami. Gwapo siyang lalaki pero bakla habang ako naman ay mataba kaya kami naging magkaibigan. When he passed the licensure exam ay agad siyang nag-apply sa abroad. Ngayon lang siya nakauwi rito sa Maynila at ako talaga ang una niyang hinanap at tinawagan.

Malas niya lang at nadamay siya sa problema ko kay Ethan! Nakiusap ako sa kanya na maging date ko para pagselosin si Ethan. Pero parang balewala ang lahat dahil ang nakikita lang ni Ethan ay si Rebecca!

Narinig kong umubo si Reg. Itiniklop niya ang kanyang mga binti na parang babae. Malandi siyang sumandal sabay hilamos sa kanyang mukha. "Ano ba kasing trip mo, bes, kung ayaw na sa'yo- let go!" kakamot-kamot niyang sabi.

Napangiwi lang ako. Maayos akong umupo sa kanyang tabi sabay laklak ng alak na nasa aking harapan. Gumihit ang mainit, mapakla, at matapang na lasa sa aking lalamunan. I just want to get drunk! I just want to forget everything kahit isang gabi lang!

"Sabagay, di kita masisisi- ka-gwapo naman kasi ng ex mo, girl! Ang sarap niyang landiin. Feeling ko nga type niya ako, kung makatingin parang gusto niya akong kainin, ummmm," patuloy niyang sabi sabay malanding kagat ng kanyang labi.

Napahalakhak na naman ako. "Alam mo ikaw, kung hindi ka lang talaga bakla pinatulan na kita!"

Nandidiri siyang tumawa. "Eeeww, apologies Bel, pero kahit sexy ka na hindi pa rin kita type! Yung may matigas ang type ko, okay!" biro niya. Muli kaming napahagikgik.

Nagsalin akong muli ng alak sa aking baso at tinungga ito. Kanina pa kami umiinom at nararamdaman ko na na parang umiinog ang paligid. Naramdaman ko ang paghagod ni Reg sa aking likuran.

"O sige na bes, tama na 'yan! Move on, move on din pag may time! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, marami pa riyan. Sa ganda mong 'yan sigurado akong may magmamahal sa'yo ng totoo," sabi niya sabay agaw sa basong hawak ko.

Mahilo-hilo ko binawi ang baso sa kanyang kamay sabay lagok muli ng laman nito. I can't move on from Ethan dahil hindi naman talaga kami nag-break! All of this is because of that Fallen who is claiming to be my father. Namuo ang luha sa aking mga mata, gustong-gusto kong umiyak pero hindi ko magawa!

Pagkababa ko ng baso sa mesa ay hinila ako ni Reg pasandal sa couch. Inakbayan niya ako at inihilig niya ang aking ulo sa kanyang balikat. Nilaro niya ang magulo at kulot kong buhok. Hinalikan niya ako sa aking noo.

"Alam mo, bes, wala talaga akong talent sa pag-a-advice kaya gawin mo na lang akong unan. Iiyak mo na lang, okay," malambing niyang sabi sabay hagod sa aking buhok.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero alam kong hindi siya maniniwala. Paano ko ba sasabihing isa akong kalahating tao at kalahating anghel? Paano ko ba sasabihing may gustong pumatay sa mga kaibigan ko? Paano ko ba sasabihin na hinahayaan kong maging pain ang lalaking pinakamamahal ko?

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon