Chapter 72: Guardian's Seal

279 45 19
                                    

Nina

Hinila ni Reyden at Ethan ang renolyum hanggang sa matanggal ito nang tuluyan. Agad kong winalis ang sahig na punong-puno ng alikabok at dumi. The floor is obviously not cleaned for a very long time! Ate Bel squatted and started checking the floor. Mayroong parisukat na linya sa mismong tapat ng ilaw.

"Looks like that's it!" nabuhayang sabi ni Ethan.

Si Reyden ang sunod na umupo at sumipat sa sahig. Kinatok niya ang lumang kahoy at hinanap kung nasaan ang bukasan. "I guess we need to break it, it's sealed!" sabi niya makaraan ang ilang sandali.

"I'll get some tools," sabi ni Ate Bel. Agad siyang lumabas na sinundan ni Ethan.

"What do you think is under here?" nagbabakasakali kong tanong sabay lapat ng aking kamay sa sahig. Tinitigan ako ni Reyden. Tumingin ako sa malalim at nangungusap niyang mga mata.

"Something that will take him away from us," malungkot at pabulong niyang sagot.

Napalunok ako nang malalim. Ipinikit ko ang aking mga mata sabay hinga na para bang ngayon lang ako nakasagap ng hangin. Ikinubli ko ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Why do these things need to happen? Why do we need to choose? Why can't we just have both of them?

"Nina," usal ni Reyden. Naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang palad sa aking nakataob na kamay. "We can do this, he said to trust him!" pampalubag loob niya.

"Here we go!" excited na sabi ni Ethan na papasok na sa kwarto. Agad naming itinago ni Reyden ang malungkot na emosyon sa aming mga mukha.

Tumayo si Reyden at inabot ang kabra. Buong pwersa niyang itinukod ito sa awang sa sahig at malakas na binaklas ang lumang kahoy. Nabiyak ang malutong na kahoy at agad na kumalat sa sahig, lumang-luma at inaanay na nga talaga ito. Binakbak pa ni Reyden ang sahig hanggang sa lumuwang ang butas. Tumigil siya nang mabaklas na niya ang malaking bahagi ng sahig. Tuyong-tuyong lupa ang bumungad sa amin.

"Let me," sabi ni Ethan na nagsimulang magbungkal.

"Do you neeed help?" magiliw na tanong ni Ate Bel sabay pahid sa pawis na namumuo sa noo ni Ethan.

Gumihit ang malapad na ngiti sa mukha ni Ethan. "Just stay there, I don't want you to get tired," maamo at pa-gentleman niyang sagot sabay kindat kay Ate Bel.

Inikutan ko siya ng mata, sweetness overload!

"Do you want my help?" ako naman ang nagtanong.

Tumingin siya sa akin sabay ngiti. Inabot niya sa akin ang pala. "Magpala ka," utos niya.

Napabusangot ako sabay taas ng aking kilay. Inabot ko ang pala sabay sipa sa kanyang paa. Napa-aray siya. "Do you want my help?" sarkastik kong ulit sa aking tanong na may halong biro.

Natatawa siyang umiling habang hinihimas ang paa niyang sinipa ko. Narinig kong natawa na lang si Ate Bel at Reyden. Nagpatuloy ang asaran namin hanggang sa may matamaan siyang matigas na bagay ilang dipa lang ang lalim mula sa ibabaw. Nagkatinginan kaming apat.

Mabilis na yumuko si Reyden at agad na hinawi ang lupa. Mariin kaming nakatuon sa kanyang ginagawa hanggang sa tuluyang magpakita ang isang kahoy na kahon na may nakaukit na pakpak ng anghel. Kwadrado ang kahon na parang kasing laki lang ng isang rubrics cube.

Tumayo si Reyden hawak ang kakaibang kahon. Sinipat niya ito at ginalaw-galaw. "Do you think this is the seal? It doesn't really have an opening," kunot-noo niyang sabi.

Kinuha ni Ate Bel ang kahon sa kamay ni Reyden. Siya ang sumunod na tumingin sa rito. Pinilit niyang hatakin at ikutin ito pero walang nangyari. "Do you really think this is it?" siya naman ang nag-aalangang nagtanong.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon