Chapter 38: Honeymoon

486 58 51
                                    

Reyden

Hindi ko alam kung bakit sinasakyan ko ang kalokohan ni Ethan! All I really want to do right now is tell my wife that I did it. Napangiti ako, I can't wait to see her; I can't wait to hug and kiss her!

Ilang sandali pa ang dumaan at narinig ko na ang mga yabag na papalapit sa kwarto. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang pinaggagagawa ni Ethan pero bigla ko na lang narinig na isinigaw ni Ate Bel ang pangalan ni Nina.

Bigla akong kinabahan. Hinawi ko ang kumot at tumakbo palabas. Nadatnan kong walang malay na kalong-kalong ni Ate Bel si Nina. My God!

"Nina!" Nag-aalala kong tawag sa kanya sabay upo para kunin siya kay Ate Bel.

"You're alive?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Ate Bel.

Hindi ako nakasagot dahil abala ako sa pagbuhat kay Nina.

"Whose idea is this?" Galit na tanong ni Ate Bel.

Napatingin ako sa kanya. Kinabahan akong bigla nang makita ko ang mata niyang nanlilisik. Bigla kong tinuro si Ethan. "His idea!" Panlalaglag ko sa kanya.

Lumapit si Ate Bel sa namumutlang si Ethan. Isang malakas na batok ang huli kong narinig bago ako mabilis na naglakad palabas ng hospital bitbit si Nina sa aking mga braso. Napatingin ako sa malungkot at namumutlang mukha ni Nina, she fainted because she thought I am dead!

Napangiwi ako. Ayokong mabatukan kapag nalaman niyang binibiro lang namin siya ni Ethan.

--------------------------------------------------

Ethan

Napalunok ako nang makita ang nakakatakot na mata ni Bel. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa mukha nang titigan niya ako nang matalim. Gumaganti lang naman ako, nagbibiro lang ako, malay ko bang hihimatayin si Nina!

"Whose idea is this?" Galit na tanong ni Bel.

Hindi ako sumagot. Gusto kong magdahilan pero bigla akong nilaglag ni Reyden. "His idea." Agad niyang sagot na talagang iniwan ako sa ere. Napaka-dependable na kaibigan! Hindi niya ba alam na ako ang nagbantay sa kanya this whole time, tapos ito ang igaganti niya!

Napaatras ako nang lumapit si Bel. Itinaas ko ang kamay ko pero dumapo pa rin ang kamao niya sa ulo ko. Napa-aray ako sa sakit. Damn it! Bakit ba ang bigat ng kamay ng babaeng ito!

"Bel, have mercy! It was not just my idea, Reyden agreed to it!" Pagdadahilan ko sabay tingin sa kinaroroonan ni Reyden.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala na sila ni Nina. Grrr, that guy! Tumakbo na!

"Where are they?" Agad kong pag-iiba ng usapan. Napatingin din si Ate Bel sabay linga sa paligid.

"Nina got kidnapped!" Sabi niya na alam kong biro lang. Mabilis siyang tumakbo palabas ng hospital.

Naabutan namin si Reyden na nakatayo na sa tapat ng suv. Really that guy, ang galing mang-iwan! Agad akong lumapit at binuksan ang sasakyan.

"Let's go home." Masaya niyang yaya sa amin.

"You really are alive!" Usal na Bel na sa pakiwari ko ay nahimasmasan na. Life is so unfair, bakit ako lang ang nabatukan!

Nakangiting tumango si Reyden. "I finished the deal, Ate Bel." Balita niya.

Ngumiti si Bel. "I actually had that idea. I saw Lana saying goodbye." Sabi niya.

"Now we can go home!" Muling yaya ni Reyden sabay bukas ng pinto para maipasok niya si Nina sa loob.

"Anong go home? What about the hospital? They really thought namatay ka! What will happen if they found out na wala na ang katawan mo sa kama!" Nababahala kong sabi.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon