Chapter 31: Bite

358 54 32
                                    

Sid (Reyden)

"He doesn't deserve to be saved! I don't want to save this kind of man! Maybe it was his fault kaya nawawala si Lana. Maybe Lana found out that Sid is fucking her sister!" Tuloy-tuloy kong sumbong habang nakasubsob pa rin ang ulo ko sa leeg ni Nina.

Buong pagmamahal niyang hinagod ang buhok ko at inalo ang aking likod. Nilanghap ko ang mabango niyang samyo. Can I just hug her forever? Pwede bang hindi na lang ako isang split? Pwede bang bumalik na lang kami sa panahong okay ang lahat?

"Reyden, we don't know the real reason behind Sid's problem. You transferred in that body to help Sid. You're mission is to save him. Let us not judge his character without even trying to understand. Alam kong mahirap para sa'yo na maranasan ang mga bagay na hindi mo ginagawa bilang ikaw, but you need to endure everything para matapos mo ang misyon." Buong puso niyang paliwanag.

Hindi ako kumibo. I still feel lost!

"You are placed in that body to help him, maybe your mission is to change him! You and Sid are connected, as long as you are inside his body, you can feel him! He will let you feel him. He will eventually show you everything. Haven't you dream about him ever since?" Tanong niya.

Umalis siya sa pagkakayakap ko at humarap sa akin. Mariin siyang nakatitig sa akin hoping to find answers on my face. Napaisip ako. I haven't seen Sid in my dreams!

"Listen, when I was a split, I kept on dreaming about the girls I possessed. It should be the same for you. The dreams should be there." Giit niya.

Umiling ako. "There is none, Nina." Desperado kong tugon. Wala talaga akong napapanaginipan.

Huminga siya nang malalim. "Maybe because your mind and your heart are not focused on helping Sid. You have been trying to take short-cuts, always getting ahead of yourself and just doing things that make you think na matatapos mo agad ang misyon. Your mind is so occupied with the thought of returning to your body. Maybe it's now time for you to shift your mindset." Seryoso niyang paalala.

Napalunok ako sabay yuko ng aking ulo. Ayokong makita niya ang pag-aalinlangan sa aking mga mata. Alam kong magaling siyang magbasa ng emosyon ng isang tao.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at inangat ito paharap sa kanya. Napatitig ako sa bilugan niyang mga mata. "Reyden, let's focus on Sid! Tutulungan kita, tutulungan ka namin ni Ate Bel. Ethan will take care of your body while we do what we need to do! All I want you to do is accept Sid for who he is, do not let him feel na wala na siyang pag-asa! Hindi mo siya pwedeng sukuan dahil kapag sumuko ka, para mo na ring sinabing sinukuan mo ako!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. No, kahit kailan hindi ko siya susukuan! Siya lang ang dahilan kung bakit gusto kong mabuhay! Si Nina lang ang dahilan kaya hanggang ngayon tinitiis ko ang lahat ng nangyayari. Gusto kong sumuko pero alam kong hindi pwede. Paano na lang kapag nawala ako at maiwan siyang mag-isa?

"Nina, I will not quit!" Sabi ko sabay hawak sa kanyang mga kamay. "I just feel so down, but I promise you, I will never quit!" Buong determinasyon kong usal. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko pero isa lang ang naiisip ko ngayon- hindi ko pwedeng biguin si Nina, hindi ko pwedeng sukuan ang asawa ko!

-------------------------------------------------------

Nina

"We need to find answers inside his dream, that's the easiest way I can think of right now." Sabi ko sa kanilang lahat habang nakaupo kami paikot sa kama ni Reyden.

Hindi na kami pwedeng manghula na lang nang manghula. Hindi rin namin pwedeng hintayin na managinip mismo si Sid dahil mukhang hindi iyon mangyayari. Kung talagang gusto ni Sid na malaman namin ang problema niya ay nagparamdam na dapat siya sa panaginip.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon