Chapter 64: Who is She?

290 51 30
                                    

Ethan

I tried to open my eyes. I feel so weak. Ramdam ko ang lamig sa aking likuran, ang tigas ng aking hinihigaan. Where the hell am I?

Bahagya kong naibukas ang aking mga mata. Napakalabo ng paligid, muli akong pumikit.

"Ethan, Ethan!" parang may tumatawag sa akin.

Muli kong pinilit na imulat ang aking mga mata. Napasinghap ako nang makita ang matingkad na pulang dugo na nagkalat sa paligid. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nasaan ako? Iginalaw ko ang aking mga daliri na nakapatong sa aking tiyan. Naramdaman ko ang malapot at basang dugo na umaagos mula sa aking katawan.

Lalo akong kinabahan. Am I injured? Am I gonna die? How the hell did this happen? Did Rebecca succeed in getting my life? Why would she get my life? My life is mine, only mine!

Parang tambol na ang tunog ng aking dibdib dahil sa aking nakikita, naliligo ako sa sarili kong dugo!

"Ethan, Ethan!" naririnig ko na naman ang boses na tumatawag sa akin.

Nagitla ako nang maramdaman ang mainit na kamay sa aking pisngi. May pumatak sa aking noo. What's happening? Naaninag ko ang isang anyo sa aking harapan na agad na nawala. Napakunot noo ako. Lumunok ako nang malalim, I can taste blood in my mouth.

"Ethan! Tulong! Tulong, Tita Lucille!" sigaw ng boses ng isang babae. Naririnig ko ang boses niya pero hindi ko siya nakikita. Who is she?

Narinig ko ang takot na takot na sigaw ng isa pang babae. Bigla siyang napaluhod sa aking tabi. Tinitigan ko ang kanyang mukha, si Tita Lucille! What is she doing here? What am I doing here?

May pumatak muli na tubig sa aking pisngi. Where the hell did that come from? Hindi naman umaambon? Gusto kong igalaw ang aking kamay para maramdaman kung may tao ba na nasa aking harapan pero hindi ito sumusunod sa akin.

Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Nanghihina na ako. Bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata. Gusto kong manatiling gising pero hindi ko mapigilang pumikit.

Tuluyan kong isinara ang aking mga mata. Rinig na rinig ko ang iyak ni Tita at ng babaeng hindi ko makita. Binalot ako ng lamig at kadiliman, mamamatay na ba ako?

-----------------------------------------------------

Bigla akong nagising! Bumalikwas ako sa kama sabay linga sa paligid. Tinitigan ko ang buo kong katawan. Nakahubad ako pero wala akong kahit na anong sugat. What the hell?

Humihingal akong napasandal sa headboard ng kama. Fuck! It was just a dream! It felt so real! It felt so damn real! Muli kong sinipat ang aking kabuuan, wala talaga akong sugat at wala rin talaga akong saplot.

Where am I again? Sa sobrang nerbiyos ay hindi na ako makapag-isip ng husto. Hinatak ko ang kumot at tinakpan ang aking katawan. What was that dream? Si Tita Lucille, why is she there? Ipinikit ko ang aking mga mata, that scene is familiar. When did that happen?

Huminga ako nang malalim para pabagalin ang mabilis na pintig ng aking pulso. Bigla kong naalala na nasa kagubatan nga pala kami. Litong-lito akong napailing, ilang beses ko na bang tinanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang nangyari? Bumuntong-hininga ako. Hinawakan ko ang aking dibdib, the blue light was gone, the pain was gone, thank god!

Akala ko talaga mamatay na ako. Pakiramdam ko hinuhugot ang kaluluwa ko palabas sa aking katawan. Kinalma ko ang aking sarili. I need to relax and think.

Napukaw ang aking atensyon nang marinig kong may bumukas na pinto. Agad kong binuksan ang aking paningin at nakita si Bel na kalalabas lang ng banyo. Nakaladlad ang kanyang mahabang buhok na basa pa at nakatapis lang siya ng tuwalya mula sa kanyang dibdib hanggang sa itaas ng kanyang tuhod.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon