Chapter 45: Old Feeling

319 50 11
                                    

Ethan

Naglalaro ako sa labas ng cafe' ni Tita. Hapon na at hinihintay kong dumating si Rebecca. Isa siyang batang nakatira sa bandang dulo ng eskinita. Bakit ko siya naging kaibigan? Dahil siya lang ang batang pumapansin sa akin. Karamihan sa mga batang nag-aaral sa malapit na eskwelahan ay umiiwas sa akin dahil mayaman ako, hindi raw ako bagay maglaro ng dumi at lupa.

Tanging si Rebecca lamang ang nangahas na kausapin ako kahit minsan ay hindi kami nagkakaintindihan. Sa tuwing pauwi siya galing eskwelahan ay dumadaan siya sa café' ni Tita para makipaglaro.

Ang hapong ito ay hindi iba sa araw-araw naming pagkikita. Inaabangan ko siya sa labas ng café para makipaglaro sa kanya. Napatayo ako nang makita ko siyang nakayuko at umiiyak habang patawid ng kalsada.

Napabusangot ako dahil sa kanyang itsura. May umaway ba sa kanya? Bakit siya umiiyak? Humihikbi siyang humakbang. Napalingon ako at nakitang may paparating na sasakyan, mabilis itong umaandar at mukhang walang balak na prumeno.

NIlingon kong muli si Rebecca na wala ring balak huminto sa kanyang pagtawid. Mabubunggo siya! Kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo para puntahan si Rebecca.

Naabutan ko siya at itinulak pabalik sa gilid ng kalsada. Nailigtas ko siya pero ako ang nabangga!

-------------------------------------------------------

Nagmulat ako ng mata. Kumurap ako nang kumurap hanggang sa luminaw ang aking paningin. What happened? Tinitigan ko ang aking kamay sabay sapo sa aking ulo. I feel so blue! Para akong bumalik sa nakaraan, ramdam na ramdam ko ang emosyong naramdaman ko noong bata pa ako.

I want to see her! I want to see Rebecca! Anong nangyari sa kanya pagkatapos kong mabangga? Nasaan na siya ngayon? Naaalala niya pa kaya ako?

Marahan akong bumangon sa kama at sumandal sa headboard. Nasaan ako? Napapalibutan ako ng puting dingding at kisame. Bumukas ang pinto, pumasok si Nina.

Lumiwanag ang kanyang mukha nang makita niya ako. Tumakbo siya palapit sa akin. Agad niya akong niyakap nang mahigpit.

"What happened? Where am I?" magkasunod kong tanong.

Humiwalay siya sa akin sabay sapo sa aking magkabilang pisngi. Maaliwalas siyang ngumiti.

"Akala naming kung napano ka na," banayad niyang sabi. Namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I don't understand," usal ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari. Parang napakatagal nang panahon ang lumipas, para akong lumulutang.

"I'm with Bel, right? How is she?" tanong ko nang maalala na siya ang huli kong kasama. "How about Lorena?" sunod kong tanong.

Ngumiti si Nina. "They're fine. Ate Bel is outside and Lorena is back to her normal self. Ate Bel told us everything, why did you suddenly collapse? Are you sure you're okay? Did Lorena do anything weird?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Tinitigan ko siya nang matagal. That fallen didn't do anything bad to me. "That fallen made me remember my past," pabulong kong usal.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Nina. "What past?" taka niyang tanong.

"Nina, the girl I saved, I can now remember her! She is my best friend, we were so close when we were kids. Her name is Rebecca!" excited at masaya kong balita sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti. Halatang hindi rin siya makapaniwala.

"I need to find her, Nina. Help me find her, please!" pakiusap ko sabay hawak sa magkabila niyang kamay.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon