Chapter 48: Another

329 51 24
                                    

             Thank you Ms. JaiJai for the 'Ms. A' background! I really appreciate the love! Love you!

____________________________________________________________________________


Bel

Pigil ang hininga kong humarap sa kanya. Siya ba ang Fallen na nanggugulo sa amin? Hindi ko siya kilala! Ano ba ang gusto niya? Wala akong alam na kasalanan ko sa kanya?

Ano ang pakay niya? Kung isa siyang Fallen, bakit niya pa ako gustong makuha? Sigurado akong kaya niyang gawin ang mga bagay na kaya kong gawin!

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Diretso ang tingin niya sa akin. Hindi ko maaninag ang galit sa kanyang mga mata. Ibang-iba ang kanyang awra.

"Hindi mo ba talaga ako kilala?" malumanay pero buong-buo niyang tanong.

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ako sumagot.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Bel, matagal na kitang gustong makita, matagal na kitang gustong makasama. I miss you, anak ko!" usal niya.

Nagimbal ako sa aking narinig. What the hell is he talking about! Anak? Anak niya ako?

Bigla akong hiningal at kinabahan sa kanyang sinabi. Bumalik sa ala-ala ko ang lahat ng pinaggagagawa niya sa akin, kay Ethan, kay Reyden, at kay Nina. Naalala ko si Sky at Jodie na walang awa niyang pinatay!

This man is not my father! Never will I have a father who is evil! Ayoko! Or is he- is he trying to trick me!

"NO, you're lying!" matigas kong usal.

Ngumiti siya. "Mahirap bang tanggapin ang isang katulad ko? Pati ba naman ikaw, itatakwil mo ako? I was forgotten by everyone, Bel! Ikaw na lang ang pag-asa ko. Matagal na panahon na kitang hinahanap, itinatago ka nila sa akin! Anak kita pero ipinagkait ka nila sa akin! Ang gusto ko lang naman ay ang makasama ka!" tuloy-tuloy niyang sambit habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

Napaatras ako. Bakit mukha siyang nagsasabi ng totoo? Maniniwala ba ako sa kanya? No, I should not. Bakit ba ako nagdadalawang-isip? Isang akong ulila, wala akong mga magulang! I don't need a father, not now, now ever!

"Bel, nakikiusap ako. Sumama ka sa akin. Tulungan mo ako! Ikaw na lang ang pamilya ko rito at ako na lang ang pamilya mo. Kaya kong ibalik ang lahat ng iyong ala-ala!" pagsusumamo niya sabay lahad ng kanyang kamay.

Humakbang siya. Humakbang ako paatras. Muli siyang humakbang at muli rin akong umatras. Hindi ko pa rin lubusang nauunawaan ang mga sinasabi niya. He can give my memories back? Ibig sabihin he knows the way to bring back people's memories. If I help him, then I will know how to bring back Ethan's memories!

Hindi ako umatras nang muli siyang humakbang. Napatingin ako sa mga kamay niya. Napakunot ang noo ko. How old is this guy?

"Are you really my father?" nahihiwagaan kong tanong. He's too young to be my father!

Napansin kong bahagya siyang natigilan. "Wala ka talagang naaalala?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.

Lalo akong nagtaka. If he is my father, he should be more than 50 years old by now. Naalala ko ang file ni Laparan sa kulungan. Laparan is just 35 years old! Mukha lang siyang matanda dahil sa mahaba niyang buhok at balbas!

Bigla kong tinaboy ang kamay niyang palapit na sa akin. Umatras akong muli ng ilang metro para lumayo sa kanya.

"Liar!" sigaw ko.

Halatang nabigla siya sa aking inasal. Tumayo siya nang tuwid at ngumisi, biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. "Talagang hindi ka tinatantanan ng mga kaibigan mo! Talaga bang gusto mo silang mamatay ng dahil sa'yo? Sinabi ko nang layuan mo sila!" malakas at matinis niyang sigaw.

I AM NINA: FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon