Minor
Sivan POV
Patapos na ang opening ceremony para sa school year nato. Dapat kanina pa tapos e ang hahaba kase ng speech ng mga faculty at school staff.
"Ano ba to erp ang tagal naman nakakabagot na!" Naiinip kong bulong sa dalawa.
Bumaling si Jerax "Saya saya ng opening erp daming magagandang nahahagip ng dalawa kong mata.... Go go go! Business!" Sigaw ni tukmol harap ko.
Bumuntong hininga no choice ako at kailangan ko pa mag-tiis. Samantalang tong dalawa tuwang tuwa.
nakiki-wagayway pa ng lobo at nag-hahampasan pa nga! Tuwang tuwa amp. Kanina pa kame tinitignan dito panay sulyap ng mga batchmate at seniors. Tapos na i-annnounce departamento namen.
Kumalma na lahat ng matapos tawagin lahat ng kurso. Muling pwumesto ang school president sa stage at binigay ang hudyat para hanapin nanamen ang schedule.
"Inuulit ko sa inyo lahat! Have fun and focus on your study. You may now go to your perspective classroom. Thankyou!" Nag-palakpakan kasabay ng onti onting pag-labas ng mga estudyante.
Sa wakas! Makakapag-aral den, de joke first day lang naman. Nakakatamad lang talaga yung opening parang highschool kase ampots.
Naglalakad na papunta sa right wing para tignan ang sched. Balita ko 4 days lang ang school days dito napaka-swerte namen pag ganun at di pa wholeday!
"Taena erp daming chikas kanina. Pero faithful tayo marriage before jugjugan dapat" Biro ni Jerax
Sumingkit ang mata ni Leo at tumatawa nako. Kahit kelan talaga puro kalokohan lang ang alam neto. Lord bat ba may siraulo akong kaibigan!
"Ulul mo tukmol dami dami mong pinaasang babae nung senior high naten. Bat ba wala kang sinagot miski isa? Siguro hindi babae type mo" Pang aasar ni Leo.
Mamatay nako kakatawa dahil sa dalawang to. Simangot na tumingin saken si Jerax akala mo mananapak.
Nakataas ang isang kilay at mapang asar akong ngumiti "Siguro Leo isa sa aten ang gusto ni Jerax kaya puro laro HAHAHAHAHA" Bulyaw ko
"Gago ba kayo? Conservative ako! At kung papa-piliin ako sa inyong dalawa... Wala akong pipiliin!" Banat ni Jerax.
Asaran lang kame ng asaran. Hanggang sa mahanap namen yung schedule. Halos lahat ng madaanan namen napapalingon dahil sa malalakas na tawa namen.
Papanik na kame ng thirdfloor. Social Studies ang first subject namen at tatlong oras mahigit! Dinaig pa yung major namen sa tagal. Bakit ba may minor na feeling major?
"304,305 eto na erp 306" Turo ni Leo sa first subject namen.
Pinihit ko na yung hawakan ng pinto at nung bumukas napatulala pa ako ng konti. Starstruck napalaki ng classroom nato! Ampots parang tatlong classroom.
Isang malaking whiteboard sa harap at flatscreen tv, pitong row ng mga upuan na gawa sa bakal na meron foam at led lights sa kisame. White at may lining na black kabuuan ng kwarto.
"Erp ano bayan pumasok kana! Mangha na mangha baka panawan ka ng kaluluwa nyan!" Singhal ni Jerax sabay tulak
Meron na kameng mga kaklase na nauna na. Sinuyod ang kwarto at nanlaki ang mata ko kung sino yung nasa bandang bintana!
Kung mina-malas ka nga naman oh si Brats! Lumingon siya at nagtama ang tingin namen. Unti-unting naglaglag ang panga at naningkit ang mata.
Potek bakit huhu bakit!? Nanatiling nakatayo ng bumukas ang pintuan. Nandito na teacher namen at kanina pa nakaupo yung dalawa! Di manlang ako tinawag!