Kabanata 1

8 0 0
                                        

Nanaman

Sivan POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag enrol kame. At tulad ng dati ganun paden balik nanaman ako sa gawain at trabaho ko sa buhay.

"Troy sabihin mo sa aken kung kelan ka bibili ng mga gamit mo sa eskwela" Tinatamad kong sambit.

Nanunuod lang naman kame ngayon pero di mapakali tong bubwit nato at kanina pa sulyap ng sulyap sa kanyang cellphone.

"Bubwit naririnig mo ba ako? Kanina kapa sulyap ng sulyap jan sino ba yan ka chat mo?" Pang aalaska ko sa kapatid ko

Napabaling saken si Troy gulat na napansin ko mga ginagawa nya. Mukang dumidiskarte tong kapatid ko. Pero bakit parang kabado tong bubwit nato.

"Ah K-Kuya sabay mo nalang ako kung kelan ka bibili! A-Ano inaantay ko lang dumating yung load ko" Natataranta at kabadong balik ni Troy.

Achuchu nahihiya patong kapatid ko umamin. Sino? kaya ka-chat nya nag bibinata na aba naman. Tutal e goodmood ako ngayon hindi ko na ho-hotseat to ng makahinga baka panawan ng kaluluwa e.

Pa-pikit na mata ko ng bigla nalang nag ring ang cellphone ko. Dahil sa pag kaka-bigla e nahulog ko pa sa lapag. Takte nayan! Hindi mona mag text ampots.

"Hello erp ano nanaman bang kailangan mo!? Patulog nayung tao e"

"Erp papasabay lang sana ako ng mga gamit para sa pasukan. Baka naman pede abonohan mo muna" Marahan sabi ni jerax

Bumabait lang talaga to pag may hihinging pabor. Kala mo dragon na bigla biglang nagiging tuta. Tyaka bakit ba magpapasabay to!

"Bakit hindi ka nalang sumama boi! Papagodin mo pako e!" Nakasimangot na ako.

"Ampots syempre erp nasa iloilo ako ngayon. Alam mo naman hunting season na ngayon e. Di nakita sinama para ikaw na talaga bibili ng gamit!"

Aba ogag! Tignan mo nga naman si kups kaya pala lakas mang-utos. Palakbay-lakbay lang tas hindi pako sinama. Bigla bigla nalang manhuhunting!

"Si-ge na tol nawawalan na ng sig-nal dito! Psh psh psssssh!" Putol putol na sabi nya sabay baba ng cellphone.

Aba loko nagkunyare pa si kups. Sasakalin ko talaga yun pag-balik nun dito. Dagdag gawain nanaman taena ma-itext nga si Leo ng ma-isama kailangan ko ng alaalay.

To Leo:

Erp 6pm mamaya sa mall of asia. Asap!

Hindi kona inintay na mag-reply maliligo muna ako at ng makalarga na maya maya. Pero hahabilinan ko muna si troy mamaya bigla nanaman mawala!

"Troy! Wag kana muna umalis ngayon dito ka muna sa bahay. Ibibili na kita ng gamit! Abangan mo naden tawag ni mama" Sigaw ko habang papanik ng hagdan

"Osige kuya! Ibili moko ng jollibee ah!"

Bakit napaka-demanding ng mga tao? Wala naman pina-tago. Charing! Tapos ng maligo nagbihis na. Para ngayon sabado black tshirt at brown cargo pants syempre di na mawawala si J's.

Nag-aantay na sa kanto ng masasakyan. Dun ko lang naisipan tignan cellphone ko. Oo nga pala si Leo naknang baka di sumama!

Fr. Leo:

Kanina pako nandito. Ano oras kaba makakadating?

Fr. Leo:

Reply naman pota! Uuwi na nga ako napakatagal mong tsups ka!

Talaga nga naman o kung minamalas ka. Early person pala tong taong gubat na to! Ako lang mag isa mamimili di ako sanay hirap pa naman pag magba-bayad na!

To Leo:

Bat kase ang aga mo! May ka date ka siguro ano?

Panigurado tatawag to haha. At tama nga ako wala pang isang minuto nag ring na cellphone ko at nilagay ko na sa tenga.

"Gago! Sapakin kita e" Sigaw ni Leo sa kabilang linya sabay baba.

Potek ansakit sa tenga nun ah. Siguro guilty yun may kadate bat ba napaka mahiyain ng mga tutoy na to parang mga pututoy e.

No choice men didigmaan ko mag isa mall of asia. Inabot den ng dalawang oras dahil sa lintik na traffic nayan. Oh mahal kong pinas ano na.

Nakapasok na at hinahanap ang national bookstore o kahit ano payan bilihan ng mga gamit na yan. Ng tumunog ang cellphone ko

"Pre may nakalimutan akong bilhin baka pedeng isabay? Dalawang ballpen tyaka envelope" Bulong ni Leo

Nakalagay sa pagitan ng tenga at balikat ang  cellphone ko habang kumukuha ng  notebook at bag.

"Tangina naman pare-" Di ko na tapos yung sermon ko ng mabunggo ako sa nakasalabuong ko

Nalaglag nanaman cellphone ko! Bakit ba lageng nalaglag cellphone ko ngayon? Ang malas. Payuko nako ng bigla may boses na matining

"Pede ba! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Maarteng sabi ng babae nasa tapat ko.

Kung swineswerte ka naman at the same time minamalas kaden. Etong babae nanaman nato! Gaano ba kaliit ang mundo pucha.

"Teka ikaw nanaman!" Angil ko

Nanliit ang mga mata nya para bang may naalala siyang nakakadiring pangyayare. Wow naman siya pa talaga!

"Idioto! Kung tumitingin ka sana sa dinadaanan mo kesa mag cellphone dimoko mababangga! Nung sa school kapa nanadya kaba" Mataray nyang bigkas na may pag ikot ng mata.

Bakit ba kailangan netong mag taray tyaka required ba talaga na lageng tataasan yung boses? Spoiled siguro tong babaita nato.

"Teka teka bakit kasalanan kopa? Ikaw nga hindi nag cecellphone bumangga saken e" Marahan kong sabi

Potek nakatingin nanaman ang mga tao! Hindi ako sanay na nagiging center of attention. Ano bang nagawa kong kasalanan huhu.

"Excuse me! Hindi ako ang bumangga sayo! Nakatayo lang ako dito tapos bigla ka nalang tumama saken! Idioto!"

Napaka-taray naman netong babaita nato. Pero para di na humaba ako na ang magpapakumbaba sa mahal na reyna!

"Pasensya na ho! Hindi ko naman po sinasadya tumatawag po kase saken yung tropa ko" Sarcastic kong baling sa kanya

Ano bang mapapala ko dito buti pa umalis nalang ako. Biglang talikod mag mamartsa na sana ako para pumunta sa mga ballpen ng bigla may tumama saken libro!

"Napaka walang modo talaga! Nakakainis ka! Nanadya kaba! Idioto!" Sigaw nya

"Hindi ho idioto pangalan ko! Pogi po as in Pogi" Pang aasar ko sa kanya bago naglakad palayo.

Narinig ko pa na parang frustrated siya. Akala nya tatalab saken mga pa taray taray nya. No no no my pwends malakas mang alaska to. Tumatawa habang iniisip yung muka nya. Brats ampots.

Napaka spoiled bakit ba kailangan mag eskandalo. Dumiretso nako sa counter sa ibang araw ko nalang bibilhin yung iba at baka mauwi sa balagtasan ang sagutan namen.

"Sir girlfriend nyo po ba yun?" Pang uusisa ng kahero.

Potek muka bang girlfriend ko yun! Napaka taray kaya.

"Taray taray nun sunget pa" Pag-abot ng bayad. Pag bigay ng resibo umalis na agad ako baka ano pang kababalghan tanong saken netong kahero.

Atyaka anong sa school! Siya kaya may kasalanan nun tapos ako pa sinisisi. Hindi ba siya marunong tumanggap ng pagka-kamali nya napaka brats.

Pag-tapos magbayad hinanap ko na yung jollibee para maibili si Troy. Nagtitipa sa sa cellphone pinaalalahanan na wag i lock yung pintuan namen! Nakaka-traumang pangyayare.

Halos kalahating oras den bago ko nakuha order ko dumiretso na ako sa tapat ng mall of asia. Habang naglalakad papunta sa sakayan. Napatalon sa ako sa gulat dahil sa bosina napalingon ako. Nanlaki ang mata sa narinig.

"Idiotong siraulo!" Sigaw ng babaitang spoiled brat saken bago ako lagpasan ng kotse nya.

Colliding WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon