Preface

179 16 15
                                    

Hindi ako makapaniwala. Everthing seems to change, specifically the lives of people. Hawak ko ngayon ang cellphone ko habang binabasa ang isang news online article tungkol sa isang hamak na virus na tinatawag nilang "Novel Coronavirus". Another 4 new deaths and 2 recoveries ang naitala sa article.

"Kung hindi ka namin nakita kanina siguro sa prisinto ang bagsak mo".

Tiningnan ko ang taong nagsasalita ngayon. Nakahilig ito sa pintuan habang may dalang isang tray na may pagkain. Schoolmate kami sa unibersidad na pinapasukan ko, isa siyang med student at hindi ko inakala na magkikita kami ulit at sa ganitong sitwasyon pa.

"Ano, salamat pala ka-kanina at pakisabi din sa a-ano sa papa mo",

Nilapag niya ang tray sa mesa at saka tiningnan ako. Ang mga mata nito ay nakatitig sa akin na para bang nagtatanong pero pinipipigilan nitong magsalita.

"Kumain kana, at pagkatapos magpahinga",  turan niya sa akin at naglakad patungo sa cabinet na para bang may tinitingnan.

"If you wanna take a shower, may extra clothes ang ate ko dito",  humarap ulit ito sa akin at binigay ang mga damit na nahanap niya.

I nod at saka umalis na siya. Alam na alam ko na may sasabihin pa ito, siguro hindi na niya inaabalang magtanong sapagkat pagod na din ako. Ilang buwan ang lumipas at ngayon ko lang siyang nasilayan. May nagbago sa kanya, ang buhok nito ay hindi na katulad ng dati, medyo tumaas na ito at mas pumuti pa siya dulot narin siguro ng lockdown. Madami ang nangyari simula ng lumaganap ang virus, natigil ang klase, nagbago ang takbo ng mga industriya at madaming batas ang pinapatupad. Sa isang iglap, nawala ang normal na buhay na ilang taong kinasanayan ng mga tao. At hindi ko akalain na trahedya ang dulot nito sa akin. Hindi ko mawari ang lahat ng ito, at sa pagkakataong ito hindi ko inakalang sa ganitong sitwasyon kami pinagtagpo ulit. Seems like we are destined, there are always strings attached.

Strings Attached
By: pmkizanyen

Thanks for reading :)

Strings Attached (Cebu Séries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon