02

157 9 43
                                    

I feel so exhausted and pleasantly drowsy. Kulang ako sa tulog dahil tinapos ko kagabi 'yong plates na ipapasa ngayon. Today is the deadline though. Kahit pagod na pagod ako kagabi, I still had the urge to finish the plates.

"Patingin nga, arte nito", busangot niyang sabi sa akin.

Napanguso ako sa kanya, "Ayaw",

"Patingin nga sabi, ang unfair mo", reklamo niya sa akin na tila naiinis na.

I sighed deeply as I gave my plates to her. I don't have a choice dahil iba pa naman ito magalit. Last time I checked, hindi ako pinansin nito for 2 weeks dahil hindi ko daw siya sinama sa concert ni Ruel. And I swear, never mess with Lianne again.

"Kaya pala ayaw mong ipakita sa akin",

Napakunot noo ako. "Bakit?", Tanong ko sa kanya.

"Seriously, paano maging ikaw?", pabalik niyang tanong sa akin.

"Simple lang, magparetoke ka", biro kong sabi sa kanya.

Napaismid ito sa akin. "Ang unfair, pinaghirapan ko naman ang akin ha and I've done it so good at mas nauna pa akong natapos. Pero bakit sa'yo, ang ganda ng pagkakagawa", mahaba niyang reklamo.

"That's the essence of masterpiece", natatawa kong turan sa kanya.

"Ang ganda talaga, pero mas maganda pa din ang akin", she said while showing her plates at me.

Napailing nalang ako, "Sige, pagbigyan na".

"Hoy, feeler ka", singhal niya sa akin.

Natawa ako ng bahagya sa kanyang sinabi. Actually, Lianne's work is great. Maganda naman ang pagkakagawa niya, I don't know what she's whinin' about. Minsan talaga napaka competitive talaga ng babaeng ito.

"Tingnan lang natin sa susunod, ma who you ka sa akin". pagmamaktol niya ulit habang umaalis.

Napasinghap nalang ako at napasandal sa upuan ko. Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon. All of our classmates are on the verge of breaking down. Lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa na tila ba wala ng bukas. Mostly, students will make their projects on the deadline, and I'm one of those.

"Ashiel, pahiram ng pilot pen",

Napatingala ako sa kaklase kong manghihiram. "Ito oh", sabay abot sa kanya at kinuha ito.

"Ashiel, pahiram ulit ng mechanical pencil at ruler",

I smiled wryly at him, "Sige kunin mo nalang lahat, pati bag ko kunin mo na",

"Ito naman, parang hindi tayo classmate", pagmamakaawa niya sa akin.

Inabot ko sa kanya ang mga ito, "Ibalik mo yan Trevor ha, mahal yan",

"Grabe siya, para naman akong magnanakaw nito", sabi niya sa akin habang napakamot sa ulo.

I chuckled delightedly, "Mukha mo kasi parang wanted".

"Hoy, ang sama mo", he said as he went back to his chair.

Napatigil at nagsilagay sa tahimik ang lahat nang pumasok si Mrs.Villanueva sa classroom. She's our professor in STS. Most of the time madami itong binibigay na tagubilin and that includes our plates. Definitely, she hates how students do their own works in the middle of the class dahil kapag homework daw sa bahay ginagawa, not in the school.

"All of the plates, pass it in front now", she madly said to us.

Everyone stilled and speechless on what she said. Madami kasi sa mga kaklase ko ang hindi pa natapos sa kanilang mga plates kaya wala silang nagawa kundi ipasa ang mga ito. Typical for a student though, they'll just submit it parang lang maka score. Literally, that's the life of being a student. Hindi ka matatawag na estudyante kung hindi mo naranasan ito.

Strings Attached (Cebu Séries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon