01

194 14 26
                                    

Ilang minuto na akong nakaupo at naghihintay dito sa waiting shed. Malapit na mag seven o'clock pero wala parin ang kaibigan ko. Male-late na naman kami nito at sa mismong araw pa na may OJT attendance kami. Thursday kasi ngayon, may OJT kami at 'yong instructor namin ayaw na ayaw niya sa mga late students. At kapag late ka minus ten agad sa attendance sheet na tiyak na maapektuhan 'yong grades mo.

"Hoy, sa'n kana ba? Kanina pa ako dito.  Male-late na tayo Lianne", sabi ko sa kabilang linya habang hawak ang phone.

"Malapit na kami, chill lang",

"Ang tagal mo kaya, ilang minuto na ako dito. 6:30 palang nandito na ako".

Ganitong-ganito siya kapag late kami, minsan nakakainis dahil palagi akong nadadamay sa mga kalokohan nito. Ilang taon na din kaming magkasama ni Lianne, since elementary hanggang senior highschool. Siguro nga soulmates kami dahil hanggang college stay strong parin. We both end up in the same school and course. We took up BSCE, dahil simula pagkabata pangarap na namin maging isang sikat na engineer at makapagtayo ng mga gusali. We wanna see our works in the future and how we end up like professionals.

"Oo na, nandito na kami. Maglakad kana". sabi niya at saka binabaan ako ng tawag.

Naglakad na ako hanggang sa na tanaw ko ang kulay pink na trycicle sa may kanto malapit sa poste. Kitang-kita ko ang pagkaway ni Lianne sa akin habang nakangiti. Binilisan ko ang paglalakad patungo sa kanya. Hinahatid kasi kami palagi ng tatay ni Lianne patungo sa terminal kaya nakakatipid kami ng pamasahe.

"Magandang umaga tito", turan ko sa ama ni Lianne at saka nagmano.

"Magandang umaga din ashiel, pasensya kana natagalan kami. Ito kasing si Lianne ang tagal gumising kahit pinapalo na ni Maria hindi natitinag",

"Tay, nilaglag mo naman ako", reklamo niya sa kanyang ama at saka tumingin sa akin habang nakangiti.

Sinimangutan ko ito, "Kaya pala ang aga mo noh?". sarcastic kong sabi sa kanya, saka tuluyan ng pumasok at umupo sa loob ng trycicle.

"Sorry na ash, promise next time maaga na talaga ako", she said while pouting her lips na tila ba nagpapacute sa akin.

"Talaga lang ha", angal ko naman.

"Kaya i-ready mo na 'yong attendance sheet mo dahil panibagong marathon na naman ang gagawin natin".

This is what I thought when you're running out of time. We never came to halt in every moment. Hingal na hingal na ako dahil sa pagtakbo. Pagpasok palang sa gate naka marathon na kami. We run like horses in the field na tila bang may karerang nagaganap habang inaakyat ang hagdan patungo sa room 1004. We both fuck up for this day, minalas kami ngayon dahil mataas ang pila ng elevator kaya't naghagdan kami.

"Lianne, hindi ko na kaya", reklamo ko sa kanya na tila kakapusin na ng hangin.

"Come on, you can do this ash. Isang floor nalang, bilisan mo na dyan", singhal nito sa akin.

Mas nauna si Lianne sa akin habang ako naman nasa likod niya. Hindi ko akalain na mauulit ito. I dont have a choice but to run as fast as I could dahil 2 minutes nalang at malapit na si sir. Nasa 10th floor kasi 'yong room kaya't mauubusan talaga ako ng lakas. Pagdating namin sa pinto agad dumaretso kami sa instructors table at inilagay ang aming attendance sheet. Pumunta agad ako sa upuan ko sa dulo na may nakalagay na cabinet sa likod.

"Good morning class", bati ni Mr. Remedio na kapapasok lamang. He's our OJT instructor and the prefect of discipline in our school. Actually, nag-aaral pa ito katulad namin. He's doing this for part time only, I don't know kung bakit pa niya kailangan ito since mayaman naman siya. Maybe he really loves to share his ideas. Balita ko pa naman matalino talaga siya and he's really good in architectural designing since it's his forte.

Strings Attached (Cebu Séries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon