VIVIEN'S POV
Naka-hinga ako ng malalim ng mahatid ako ng ligtas ng pinsan ko sa McQuine University. Para kasi itong Race car driver kung makapag-patakbo ng sasakyan niya. "See? Hindi ka late" Masayang turan niya at binuksan ang pintuan sa gilid ko. Umirap ako sa kanya at sinukbit ang bag ko.
"Sa susunod Kuya Dave hindi na ako sasabay sayo" saad ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Tinawanan niya lang ako at pinapasok na ako.
Unang araw palang ng pasukan ngayon kaya naka civilian ako ngayon pati narin ang ibang estudyante. McQuine University is an Elite School at exclusive lang ito sa mayayamang tao. Dito ako gustong ipasok ng mga magulang ko dahil dito rin daw kasi sila nakapag-tapos katulad nalang ng iba kong mga tita at tito pati narin ang iba kong mga pinsan. Noong una pa nga ay nagrereklamo pa ako pero napapayag parin nila ako kasi dito rin papasok ang mga kaibigan ko
'Speaking of the devils' Nakita ko si Ericka at Michelle na kumakaway sakin kaya agad akong lumapit sa pwesto nila. "Vien!!" Sigaw nila at niyakap ako. "Buti nalang at magkakasama tayo" Sambit ni Michelle at kumapit sa balikat ko. "Sinabi mo pa. This university is just for elite kids at buti nalang kasama tayo doon" Natatawang saad ni Ericka at hinila kami papunta sa Office ng SSG.
Habang naglalakad kami papunta sa office ay nagmasid-masid kami sa paligid. "Damn mas malaki pala ito kaysa sa Heathon" Bulong sakin ni Ericka at agad naman akong sumang-ayon.
Nang makarating kami sa SSG office ay agad akong kumatok at binuksan ng bahagya ang pinto para sumilip sa loob. "Excuse me" Pagtatawag pansin ko sa isang lalaki na busy sa lamesa. Lumingon siya sakin at ngumiti. "Yes miss?" Tanong niya at lumapit sa gawi namin. "We're here to take our schedules" Sagot ko sakanya.
Binuksan na niya ng tuluyan ang pinto at pinapasok kami sa loob. "Kung kukunin ninyo yung schedules ninyo. Nasa loob yoon ng SSGP Office at isa lang ang pwedeng pumasok doon" Sabi niya habang nakatayo sa harap namin.
Kinalabit ako ni Michelle kaya napalingon ako sa kanya. "Go on, ikaw na kumuha" Saad niya at umagree naman si Ericka. Bumuntong-hininga ako at naglakad palapit sa SSGP Office. Kumatok muna ako at hinintay namany sumagot mula sa loob. "You may enter" Turan ng isang baritonong boses. Napa-igta ako pero agad ko iyong nabawi at binuksan ang pinto.
Pumasok na ako sa loob at sinara ang pinto sa likod ko. "President, i'm here to take our schedules" Saad ko sakanya dahilan para mapabaling ang pansin niya sakin. Napatitig ako sakanya dahil sa taglay nitong kakisigan.
May magaganda itong amber na pares ng mga mata, matangos na ilong, makapal ang kilay at mapupulang labi. Tila nyebe ang kulay ng kanyang balat na dinaig pa ako sa kaputian. Maganda ang pagkakaayos ng buhok niya maging ang damit nito ay neat. Napabalik ako sa wisyo ko ng tumikhim siya.
"Names?" Malamig na tanong niya at bago tumingin muli sa laptop niya. 'Hindi lang ata sa aircon ako manlalamig pati narin at sa paraan niya ng pagsasalita' Saad ko sa isip ko at tumikhim. "Vivien Thorne, Ericka Lee, and Michelle Takashima" Sagot ko sakanya.
May hinalungkat muna siya sa drawer ng lamesa niya bago ilahad sakin ang tatlong papel. "Schedules and welcome" Maikling saad niya at inabot sakin ang mga papel. Agad ko itong kinuha at lumabas sa office niya.
I immediately went to my friends then handed them their schedules. "Finally, legit na students na tayo ng MU" Ericka said while kissing the paper. Natawa nalang ako sakanya at hinanap ang first class namin.
Iisang course lang naman ang kinuha namin kaya magkakaklase kami halos lahat sa subjects namin pero kumuha ako ng Art and Music class since ayon naman ang hobbies ko. Nang makarating na kami ay agad kaming naghanap ng mauupuan at hinintay ang Prof namin sa aming first class.
Sunod-sunod ang schedule namin ngayon kaya nakakapagod ding magpalipat-lipat ng room and good thing namay elevator at escalator dito.
"Saan tayo maglulunch?" Tanong ni michelle habang nakaupo kami sa isang bench. "Since tapos narin naman ang mga klase natin, let's go to the mall" Pagaaya naman ni Ericka.
Sumang ayon naman kami at agad na sumakay sa kotsye ni Michelle. "So girl kamusta naman ang fez ni prez? Yummy ba?" Maharot na tanong ni Ericka sakin. "Gwapo siya pero natatakot ako sakanya" Sagot ko sakanya. "Whizz.. Why?" Tanong naman ni Michelle habang nag dadrive. "May kakaiba sa kanya" Saad ko at sumandal sa kinauupuan ko.
When we reached at the Mall. Agad nila akong hinila sa loob at naghanap ng resto na pwede naming kainan. Nang may nahanap sila ay agad kaming nag-order at kumain.
After naming kumain ay nagkaayayaan pa kaming magshopping. Pumasok kami sa iba't-ibang botiques at paglabas namin ay may mga bitbit na kaming mga paper bags.
Hinatid ako ni Michelle sa bahay ng maihatid namin si Ericka. Sinalubong ako ng mga kasambahay namin at kinuha sakin ang mga paper bags.
I went to my room then i change my clothes. Pag katapos kong magbihis ay agad akong nahiga sa kama ko para maka-pagpahinga.
YOU ARE READING
THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSION
RomanceAng storyang ito ay laman lang ng kathang isip ko..