CHAPTER 4

610 23 4
                                    


VIVIEN'S POV

Pagkahatid sakin ni Kuya Clark sa MU ay agad akong dumiretsyo sa First class ko dahil andoon narin daw sila Mich at Ericka. Habang naglalakad ako papunta sa building namin ay may biglang tumawag sa pangalan ko. "Vivien!" Pagtawag pansin nito sakin kaya agad akong lumingon sa kanya. Laking gulat ko nalang ng makita ko ang isa sa mga pinsan kong lalaki. "Kuya Drake!".

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Nakabalik kana pala Kuya" Naka-ngiting saad ko sakanya. "Yep, noong monday lang din lumapag ang eroplano. Kaya kahapon lang ako nakapag enroll. Hindi ko alam na magka schoolmate pala tayo" Masayang usal ni Kuya at Inakbayan ako.

Masayang nagkwento sakin si Kuya sa nangyari sa kanya habang nasa England siya hanggang sa makarating na ako sa room namin. "Sabay kana sakin mamaya?" Tanong ni Kuya Drake. "Sure po kuya" Sagot ko sakanya. Pinapasok na niya ako sa loob bago naglakad paalis.

Hinanap ko sila Mich at agad kong nakita sila na nasa dulo. Lumapit ako sa kanila at na-upo sa may tabi ng glass window. "Si kuya drake ba yung kasama mo?" Tanong ni Ericka at binaba ang phone niya. "Yes, kakauwi pa lang daw niya noong Monday" Sagot ko sakanya at inayos ang gamit ko. "If i know, bantay sarado ka na naman. Kaya wala kang nagiging jowabells eh" Mataray na sambit ni Ericka dahilan para matawa kami ni Michelle. "Kahit walang bantay yang si Vivien hindi parin mag boboyfriend yan" Saad naman ni Michelle. "Ghourl tatanda kang dalaga niyan pag wala kapang ginagawa" Sabat naman ni Ericka habang tinatapik ang balikat ko.

Inirapan ko nalang sila at hinintay si Prof. Nang dumating nasi prof ay agad na nagsimula ang klase namin. Abala ako sa pakikinig kay Prof ng biglang may kumatok sa pintuan ng Room namin. Lumapit doon si Prof at binuksan ang pinto. "Ohhh.. Mr. Lawrence may kailangan kaba?" Tanong ni Prof sa taong kumatok. 'Lawrence?'

Pumasok si President kasama ang iba pang officers. "We're here to announce, may gaganaping Contest sa Campus natin next week since malapit narin naman ang Anniversary ng MU" Anunsyo ng isang officer. "It's a singing contest at bawat blocks ay dapat may representative. Only one can represent your block" Sabad naman noong babaeng officer. "If you want to join, just go to the SSG Office for more info" Sabi pa ng isa.

Agad na nagbulung-bulungan ang mga kablock mates ko sa narinig nila. Napalingon ako sa gawi ni Ericka ng kalabitin niya ako. "You can join, Vien" Nakangiting saad nito sakin. "Oo nga ipakita mo ang talent mo sa iba" Sang-ayon naman ni Michelle. "No, nakakahiya kaya" Pagtanggi ko sakanila. "Ganda ka ghourl? Wag ka ng kj diyan at sumali kana" Saad ni Ericka at sinabunutan pa ako ng mahina.

Napa-nguso nalang ako at tumingin sa harap. Laking gulat ko nalang na nakatingin si President sa gawi namin. Umiwas ako ng tingin at yumuko sa lamesa ko. "Ang yummybells talaga ni pres" Malanding usal ni Ericka. "True" Sangayon naman ni Michelle. Nang mawala na sila ay agad na nagdiscusd ulit si Prof.

Matapos ang class namin ay agad kong inaya sila Ericka at Michelle na pumunta sa building ni Kuya Drake since sasabay daw siya saming mag lunch break. We waited fo him until matapos ang klase niya. "Let's go girls" Pagaaya niya at inakbayan ako.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad papunta sa Cafeterian at tawa naman ng tawa sila Michelle ng may part sa kwento ni Kuya Drake ang nakakatawa. Inakay niya kami papasok sa Cafeteria at siya narin daw ang oorder ng foods namin. Naghanap kami ng bakanteng upuan at doon kami naghintay.

Habang nagchichikahan ang dalawa ay biglang tumahimik sa loob ng Cafeteria dahilan para kumunot ang noo ko. "O my god.." Usal ni Ericka habang nakatingin sa bandang likuran ko. "Anong meroon?" Tanong ko sakanya. "Ghourl, look at your back" Sagot naman nito kaya agad ko siyang sinunod.

Nakita ko ang pagpasok ng mga SSG Officers at kasaluluyang itong naglalakad palapit sa pwesto namin. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan silang maglakad at tumigil sa katabing table namin. "They didn't usually eat here pero ngayon nandito sila" Saad noong isa sa kasama niya. "You're right pero good opportunity narin ito para makita sila President" Sangayon naman isa.

Napa-irap nalang ako at hinayaang mamangha ang mga kaibigan ko. Lumapit si Kuya Drake sa pwesto namin at agad na umupo sa tabi ko pagkalapag palang ng tray. "Ohhhhh man" Sambit ng isang officer dahilan para mapalingon kami sa gawi nila. "King ina mukhang may magwawala na dito hahahaha" Natatawang sabad naman noong isa. "Stop it guys, umorder nalang kaya kesa sa galitin niyo pa si Pres" Saway naman ng babaeng officer sa kanila.

Inabot na samin ni Kuya Drake ang mga pagkain namin at nagsimulang kumain. "So, vien kamusta ka naman habang wala ako?" Tanong ni kuya habang naka-akbay nag braso nya sa sinasandalan kong upuan. "I'm fine nandito naman sila Mich kaya di kita gaanong namiss" Biro ka sakanya. Napa-hawak siya sa dibdib niya na para ba siyang nasaktan sa sinabi ko. "That's hurts. Hindi mo na pala ako love" Malokong saad ni Kuya Drake dahilan para tawanan namin siya. "Ofcourse, i still love you" Saad ko naman sakanya.

Laking gulat nalang namin ng biglang nagingay ang table nila President. Hinawi niya pala ang mga plates na nasa misa at tinadyakan ang upuan niya. Imbes na matakot ang mga lalaking officers ay tinawanan lang nila ito. "Chill President baka manakit kana niyan" Malokong saad ng isa. "Shut up Dymon" Pagsaway naman ni President at agad itong umalis.

Tumayo ang babaeng officer at lumingon sa paligid. "Enjoy your meal, guys" She said before leaving the cafeteria. 'Weird' Usal ko sa isipan ko at muling kumain.

THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSIONWhere stories live. Discover now