CHAPTER 9

566 23 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Binalita agad ni Kreimond sa kanyang ina kung anong nangyari kay Vivien kaya nag-alala ng husto ang ginang sa dalaga. Tinawagan ni Mrs. Lawrence ang kanyang matalik na kaibigan nasi Mrs. Thorne at sinabi na dadalawin niya daw ang dalaga. Sumangayon naman ang Ina ni Vivien at sinabing sabay na silang pumunta sa bahay nila.

Nagpahatid si Mrs. Thorne sa kanilang Company Driver papunta sa kabahayan nila Mrs. Lawrence upang sunduin ang ginang. Nang masundo na nila ang Ina ni Kreimond ay dumiretsyo naman sila sa Mansyon ng mga Thorne.

"Where is she?" Bungad na tanong ni Mrs. Thorne sa mga kasambahay. "Nasa garden po si Lady Vivien" Sagot naman ng isa sa mga kasambahay. Agad na nagtungo ang dalawang ginang sa Garden habang nakasunod sa kanila ang dalawang kasambahay na bitbit ang dalawang basket ng prutas.

"Baby, mommy is here" Anunsyo ni Mrs. Thorne para makuha ang atensyon ng kanyang anak. Lumingon kaagad si Vivien sa pinanggalingan ng boses ng kanyang ina at nakita niya ang dalawang ginang na papalapit sa kanyang gawi. Tumayo siya at nakipag beso-beso sa dalawang ginang bago sila batiin at paupuin.

"Napa-uwi at napabisita po kayo?" Saad ni Vivien at pinaki-usapan ang mga kasambahay na maghanda ng tsaa. "Nalaman ko kasing may sakit ka, ijah kaya dinalaw kita" Usal ni Mrs. Lawrence. "Nagaalala kasi ako sa baby kaya umuwi ako" Sabad naman ng ina niya. Ngumiti siya sa dalawang ginang at nagpasalamat dito.

The maids serves their tea then they immediately left them. Nagkwento ang mga ginang tungkol sa College life nila habang si Vivien naman ay atentibong nakikinig sa mga ito, paminsan-minsan naman ay natatawa siya kapag may nakakatawang parte ng kwento ang nakwekwento ng dalawang ginang. Hindi sinabi ni Mrs. Lawrence kay Vivien kung saan niya nalaman na masama pala ang pakiramdam ng dalaga kasi pinakiusapan siya ng anak na wag itong sasabihin dito.

Sumapit ang hapon ay kailangan ng umuwi ni Mrs. Lawrence dahil magahahanda pa daw ito ng hapunan nito kaya hinatid siya ng Mag-ina sa kotsye na maghahatid sa kanya. Nagpaalam na ito sa kanila at sumakay sa sasakyan. "Bumisita ka ulit, besty" Saad ni Mrs. Thorne sa ginang. "Sure, besty" Sambit ni Mrs. Lawrence habang naka-ngiti.

Umalis na ang sasakyang sinasakyan nito kaya pumasok na ang mag-ina sa loob ng kabahayan nila. Pina-akyat na ng ginang ang kanyang anak sa silid nito upang makapag-ayos. Agad namang tumalima si Vivien at tumungo sa kanyang silid.

Pagkatapos na magayos ni Vivien ay tumungo siya sa Kitchen kung nasan ang Mommy niya at tinulungan itong maghanda ng hapunan nila. Natuwa naman ang ina niya at hinayaan ang dalaga na tulungan siya.

Saktong papatapos na silang magluto ay dumating naman sila Mr. Thorne at Clark. Naabutan nila ang mag-ina na masayang naghahanda ng hapunan kaya napangiti ang mga ito. "Honey, we're home" Anunsyo ni Mr. Thorne at lumapit sa kaniyang mag-ina. Sumunod naman si Clark sa ama at humalik sa dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay niya. "Are you okay now, Vien?" He asked to her sister.

"Yes, Kuya" Sagot naman ng dalaga sakanya. Hinanda na ng mga Kasambahay ang mga nalutong putahe ng mag-ina kaya agad na Inaya ni Mrs. Thorne ang kanyang pamilya upang maghapunan kaya agad silang nagtungo sa Dinning Area at nagsi-upuan sa mga kanilang pwesto at masaya silang naghapunan.




VIVIEN'S POV

After naming mag-dinner ay agad akong pina-inom ng gamot ni Mommy at pina-akyat sa kwarto ko. Nang maka-pasok na ako sa kwarto ko, humiga ako sa kama ko at chinat sila Michelle na papasok na ako bukas dahil okay na ang pakiramdam ko. Tuwang-tuwa naman si Ericka dahil nakahanda na daw ang minus-one ng auditio piece.

Naligay ko sa side-table ang phone ko ng makapag-paalam na ako sa kanila na magpapahinga na ako. Agad kong pikit ang mga mata ko at natulog na.

*Kinabukasan*

Sinundo ako nila Ericka sa bahay para daw sabay-sabay na kaming pumasok. Dali-dali akong pinapasok ni Ericka sa back-seat dahil sobrang excited niya daw kasi magaaudition na ako para sa Contest. "What's my Audition piece?" I asked to her while she's driving towards the MU. In-on niya ang radio at cinonnect niya dito ang phone niya. Nag-play ang kanta dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Are you serious!?" Gulat na tanong ko sakanya. "Ofcourse my dear. Panigurado makukuha ka agad niyan" Sagot naman niya sakin. Naangal pa ako sakanya na ibahin ang kanta pero hindi siya nagpatinag sakin dahil final na daw iyon. Wala na akong nagawa at napa-buntong hininga nalang.

Nang makarating kami sa MU ay agad na nag-park si Ericka at lumabas na kami sa sasakyan niya. Hinila nila akong dalawa papunta sa Auditorium at nakita ko ang pagkarami-raming estudyante na nasa loob nito. Aatras na sana ako pero agad akong napigilan nila Ericka at inabutan ako ng organizer ng Number. "Good Luck, Vivien" Pagpapalakas loob ng dalawa. Bumuntong hininga ako at pumunta sa pwesto ng mga magaaudition.

'Wish me luck self' Usal ko sa sarili ko at pumikit.








A/N: So ayon ilang chapters din yung na-update ko ngayon. Mukhang sinisipag na talaga ako sa pag-uupdate ah? Hahahahahahahaha..

Ps. Mga dzai as i said, i'll try my best to update this baby until the end para maumpisahan ko narin gawin yung iba at gagawa pa ng mga istoryang matagal ng tumatakbo sa isip ko.

Support me always mga dzai
Lovelot💋

THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSIONWhere stories live. Discover now