VIVIEN'S POV
Makalipas ang ilang araw ay patuloy din ang panliligaw ni Kreimond sakin at nag simula narin ang araw ng Foundation day namin. Kasama ko ngayon sila Ericka at Michelle dahil hinahanda nila ako kasi semi-finals na ngayon. Sampu kaming maglalaban ngayon araw at balita ko ay sila Tito Czyden at Tita Kreina ang mga magiging judge ngayon.
"Ghourl kabado kalang? kumalma ka nga" Saad ni Ericka habang inaayusan ako. "Kinakabahan ako!" Usal ko sa kanila. "Vien nandito lang kami pati ang parents mo" Pampakalma ni Michelle sakin. Bumuntong-hininga ako para kumalma ang kalooban ko. "O my gosh si President nandito" Bulong-bulungan ng ibang kasama namin dito sa back-stage.
Napalingon ako sa gawi ni Kreimond ng makita ko itong papalapit sa pwesto namin. Ngumiti siya ng magtama ang mga paningin namin at yumukod para hangkan ako sa noo ko. "Inumin mo ito para kumalma ka" Aniya sabay abot sakin ang chocolate drink. "Thank you" Pagpapasalamat ko sa kanya. "Good luck, mi amore" Bulong niya sakin bago kami iwan at sumama sa organizer.
Namula ang mga pisngi ko at binaling nalang ang atensyon ko sa pagsimsim sa chocolate drink na hawak ko. "Yieeeee kaloka ghourl" Saad ni Ericka ng matapos ang pagaayos niya sakin. "Sana all" Lantaya ni Michelle dahilan para mapairap ako.
Dahil sa pang-huli pa naman ako ay nanatili muna kaming tatlo dito sa back-stage, paminsan-minsan naman ay natawag si Mommy sakin at tinatanong kung ayos lang daw ba ako. Natatawa nalang ako sa pagiging taranta ni Mommy kaya medyo na bawasan ang kaba ko.
Nagaabang lang ako ng turn ko habang nagkwekwentuhan kaming tatlo. Medyo okay narin ako at hindi na gaanong kabado dahil sinamahan ako nila Ericka at Michelle. Magagaling din ang mga kalaban ko sa contest na ito pero may mga hindi rin nagustuhan ang mga Judge at nagkokomento pa sila.
"I heard na magaling daw yung HM student pero mas magaling ka parin, Ghourl" Saad ni Ericka dahilan para kabahan ulit ako. "Ericka naman pinapakaba mo lalo si Vivien eh!" Suway naman ni Michelle sa kanya at hinaplos ang likod ko. Napa-kagat ako sa labi ko ng marinig ko ng turn na ng HM student na sinasabi ni Ericka.
Maraming naghiyawan at nagche-cheer sa kanya kaya napapikit ako at pilit na pinakalma ulit ang sarili ko.
[Now Playing: Someday by Nina]
Pagka-awit niya palang sa lirika na aawitin niya ay nadama ko na agad ang mensahe na nais niyang iparating. Hindi lamang ako ang napatulala sa galing niya pati narim siguro ang mga kasamahan ko dito sa Back-stage ay ganoon na din. Imbes na kumalma ako ay lalong tumindi ang kaba ko. 'Hindi na ata ako makakapasok sa Finals' Saad ko sa isipan ko habang nakayuko.
Alam ko na marami ang namangha sa taglay na ganda ng boses niya maging ang magulang ko ata ay namamangha narin. "Ghourl nandito lang kami" Pampakalma ni Ericka sakin. Tumango naman si Michelle at niyakap niya ako ng mahigpit.
Nang matapos na siya ay marami ang nagpalakpakan at naghiyaw. Maging ang mga judges ay na impress din sa galing niya sa pag-awit. Alam ko na ako ang susunod kaya mas lalo akong kinakabahan at gusto nalang tumakbo paalis pero ayaw kong madissapoint sila Mommy at Daddy.
"Thank you for that wonderful performance, Ms. Bea and now let's welcome our last contestant, Ms. Vivien Thorne" Usal ng host dahilan para mapatayo ako at naglakad. Lumingon muna ako sa mga kaibigan ko at nag goodluck sign sila sakin. Ngumiti ako ng matamis sa kanila at tuluyan humarap sa madla.
Bumuntong-hininga ako at hinanap ng paningin ko sila Mommy. Nakita ko sila sa pinaka-unang row habang hawak ang mga banners namay picture ko. Napatawa ako ng mahina bago ibaling ang atensyon ko sa mga judge. Naka-ngiti sakin ang pamilyang Lawrence at tumango naman sakin si Kreimond.
I take a deep sigh before placing my hands on the microphone stand. Tumango ako sa dj bago ipikit ang mga mata ko.
[Now Playing: All i ask by Adele]
"I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before you know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what's coming next or scared of having leftLook, don't get me wrong
I know there is no tomorrowAll i ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory i can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this end
Coz what if i never love again.~~"Nakapikit lang ako gaya noong audition kung saan iniisip ko na ako, ang pamilya at mga kaibigan ko lang ang nasa loob ng gym.
"I don't your honesty
Cause it's already in your eyes
And i'm sure my eyes, they speak for me
No one knows me like you do
And since you're the only onw that matters
Tell me who do i run to?Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrowAll i ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory i can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this end
Coz what if i never love again.~~"Dinilat ko ang mga mata ko at saktong tumama ang mga paningin namin ni Kreimond sa isa't-isa. Ngumiti ako ng bahagya bago ipikit muli ang mga mata ko.
"Let this be our lesson in love
Let this be the way we remember us
I don't want to bw cruel or vicious
And ain't i ask for forgivenessAll i ask
All i ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory i can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this end
Coz what if i never love again.~~"Huminga ako ng malalim bago muling dumilat. Ngumiti ako sa kanila bago yumukod. Nanatiling tahimik ang mga tao sa loob ng gym hanggang sa pumalakpak si Kreimond at lahat na sila ay ganoon din ang ginawa. Lahat sila ay nagsi-tayuan habang pumapalakpak pa din and iba naman ay naghihiyawan kasama ang mga magulang ko.
Lumingon ako sa gawi ng nila Kreimond na nakatayo parin silang tatlo. Malawak parin ang pagkaka-ngiti ni Tita Kreina habang si Tito Czyden ay tumango sakin. Nang kumalma na ang madla ay nagsi-upuan na sila para marinig ang kumento sila Tito.
"What can i expect? Nasa lahi ninyo na ang talented ijah" Tita Kreina said while smiling. "From your mom and dad then ikaw naman. Wala na akong masasabi pa sa ganda ng boses mo, Vien" Dagdag pa niya dahilan para lumawak ang ngiti ko. "You have great voice, Vivien" Tito Czydene commented. "I agree with my parents, Ms. Thorne. You're like a story teller while singing and It's a good decision that you've join" Saad naman Kreimond.
Nagpasalamat ako sa kanila bago humilera sa ibang contestant. Kumaway ang mga pinsan kong mga lalaki sakin ng nagawi ang paningin ko sa kanila at sinuklian ko naman sila ng isang matamis na ngiti. May ilang sinabi pa ang host bago i-announce ang 5 contestant na maglalaban sa Finals. Naka-tingin lang ako kila mommy hanggang sa ako ang unang tinawag.
Dahil sa tuwa ni mommy ay umakyat siya sa stage at dali-dali akong niyakap. "Congrats baby!!" Mommy said while kissing my cheeks. Inaya na ako ni Mommy palapit kila Daddy para daw mag celebrate kami kaya sumama narin samin ang mga pinsan ko pati sila Ericka.
YOU ARE READING
THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSION
RomanceAng storyang ito ay laman lang ng kathang isip ko..