VIVIEN'S POV
After that day maraming estudyante na ang nakakakilala sakin. Habang naglalakad kami nila Ericka o kaya nasa cafeteria kami ay halos lahat sila lumalapit sakin para batiin ako. "Naks, instant celeb kana ghourl" Panunukso ni Ericka habang inaayos buhok ko. "Oo nga" Sang-ayon naman ni Michelle. Simimangot nalang ako at tumingin sa kawalan.
Nasa field kami ngayon at naka-upo sa ilalim ng puno. Wala pa namang klase kaya napag-pasyahan nalang namin dito tumambay. "Kinilig pa ako noong nag-congrats sayo si President" Malanding usal ni Ericka at tinali na ang dulo ng buhok ko. "I think he likes you, Vien" Sabad ni Michelle dahilan para uminit ang pisngi ko. "Oyyyy.. Nag blush siya" Pantutuya ni Ericka sabay sundot sa gilid ko.
Umiwas nalang at ngumuso. Habang nakatingin lang ako sa malayo ay nakita ko ang isang bulto ng lalaki papalapit sa pwesto namin. Nanlaki ang mga mata ko ng mapag-sino ko ito. "Si president!" Tili nilang dalawa habang inaalog ako. Tulala parin ako sakanya hanggang sa makatayo siya sa harapan ko. "Can i talk to Vivien alone?" Tanong ni Kreimond sa mga kaibigan ko. Agad na sumang-ayon ang dalawa at iniwan kami ni Kreimond.
Umupo siya sa tabi ko at inabot sakin ang hawak niyang coke in can. Agad ko itong inabot at nagpasalamat sa kanya. "A-anong paguusapam natim?" Tanong ko sakanya habang naka-yuko. Ramdam ko na lumapit pa siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Umakyat ang mga dugo ko sa aking mukha ng gawin niya ito. "Vivien i know you didn't remember how we first met pero sa unang pagkikita palang natin gusto na agad kita no scratch it I love you" Aniya dahilan para mapalingon ako sakanya.
"W-w-what?" Gulat na tanong ko sa kanya. "I love you" Ulit niya sa huling linyang sinambit niya kanina lang. Lalong uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. 'He loves me!!!' Tili ko sa isipan ko at sumimsim sa coke na hawak ko. "So that's why, I will court you but ofcourse i need your approval" Usal niya habang hinahaplos ang kamay ko.
Hindi parin nagpro-process ang pag-confess niya sakin. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko at para bang maririnig na niya ito. Napa-inom agad ako sa coke na hawak ko para kumalma ang puso ko pero walang kwenta ito. "Hey, are you okay?" He asked while lifting my face using his slender fingers. Tumango ako sakanya at agad na nagiwas ng tingin para hanapin sila Ericka pero nakita ko sila sa malayo namay ngisi sa mga labi.
"What's your answer?" Tanong ni Kreimond ng tumama ang paningin ko sa kanya. "Ummn.. I-i d-dunno" Nauutal na sagot ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at hinalikan ako sa noo ko. "My love please don't reject me" Saad niya ng may pangungusap sa kanyang tono. Niyakap niya ako ng mahigpit at muling hinagkan ako sa aking noo.
'Ano ba dapat isasagot ko?!' Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Bumaling ako kila Ericka para humingi ng saklolo. Tumango silang dalawa sakin na para bang ayon dapat ang isagot ko kay Kreimond. Tumunghay ako sa kanya at nakita ko siyang naka-tingin sakin. Ngumiti siya ng bahagya at hinawi ang buhok ko. Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya.
Ilang segundo pang naka-kunot ang noo niya pero agad itong nawala ng makuha niya ang gusto kong iparating. Ngumiti siya ng malaki at muli akong niyakap. "Yes!!! Thank you! thank you!!!" Usal niya at hinagkan ako sa pisngi ko. Niyakap ko siya pabalik at tumingin sa gawi ng mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa ang dalawa at nagtatatalon pa sila. Napa iling nalang ako at bumitiw sa pagkakayakap kay Kreimond.
"Tomorrow susunduin kita sa inyo at para narin maka-pagpaalam kila Tita Sabrina at Tito Vincent" Aniya habang hinahaplos ang chin ko. "Okay" Sagot ko sa kanya. Naka-ngiti lang siya buong minuto na magkasama kami pero kailangan pa daw niyang bumalik sa Office nila kasi may tatapusin pa siyang trabaho. Nagpaalam na siya sakin at naglakad paalis dahilan para magsi-lapitan sila Ericka at Michelle sakin.
"Yieeeeeee... Terey me nemen ghourl!" Tili ni Ericka. "Oh my gosh.. Vien dalaga kana!" sabad naman ni Michelle habang pinipisil ang pisngi ko. Hinayaan ko nalang silang dalawa sa pagpipisil at pagiirit sakin hanggang sa makarating kami sa next class namin. Patuloy parin ang panunukso nila sakin pero agad din iyong natigil ng dumating nasi Prof.
Buong klase ay na kay prof lang ang atensyon ko habang si Ericka naman at tinutukso parin ako. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsulat sa notebook ko ganoon din si Michelle pero ng matapos ang klase namin ay bumalik na naman ang dalawa sa panunukso sakin.
Nakita ko ang sasakyan ni Kuya Drake at agad na nagpaalam sa dalawa. Pumasok ako sa passenger seat at sinuot ang seatbelt ko. "Let's go?" Kuya Drake. Tumango ako sakanya at agad na pinaandar ang sasakyan niya. Habang nasa byahe kami ay nagkwento sakin si Kuya Drake about sa araw niya. Ang kinuhang course kasi ni Kuya Drake is Engineering since ganoon din naman kasi sila Tito at Tita.
Pagkahatid sakin ni Kuya Drake sa bahay ay agad din siyang nagpaalam dahil may date pa daw siya. Napa-irap nalang ako at pumasok sa bahay. Pumanhik ako sa kwarto ko para makapag palit at tumulong sa paghahanda ng hapunan. Dali-dali akong naglakad papunta sa Kusina at tinulungan sila Nanay saling sa pagluluto.
When my parents and brother arrive agad na naghain ang mga kasambahay at pinagsilbihan kami. Kada maghahapunan kami ay hindi mawawala ang kamustahan at kung anong naganap sa buong araw namin. Sinanay kasi kami nila Mommy ng ganyan isang way narin ito sa bonding namin as a Family. After we had our Dinner nagpaalam na kami ni Kuya kila mommy para umakyat. Hinatid ako ni kuya sa tapat ng room ko at hinalikan ako sa noo ko.
"Good Night, baby sis" Saad ni kuya clark sakin. "Good night kuya" I greeted back to him before entering my room. Humiga na ako sa kama ko at nagpahinga.
YOU ARE READING
THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSION
RomanceAng storyang ito ay laman lang ng kathang isip ko..