VIVIEN'S POV
This is the night na makakasama namin sila tita Kreina sa dinner. Kasalukuyan kaming nagbabyahe papunta sa bahay nila habang si Daddy ang magdadrive. Magkatabi kami ngayon ni mommy at panay ang kwento niya kung paano sila naging magkaibigan ni Tita Kreina.
"Sana magkamabutihan este maging close kayo ng anak nila" Masayang saad ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. "Honey" Pagsusuway ni Daddy kay mommy. Napanguso nalang si Mommy at niyakap ako.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa Mansion ng mga Lawrence. Pinagbuksan kami ng pinto nila Daddy at Kuya at inaya kami papunta sa Main door ng Mansion. Naka-akbay lang sakin si Kuya Clark habang ginagayak kami ng mga kasambahay papuntsa sa Sala.
"Sabrina!!!" Pagtawag pansin ni Tita Kreina kay Mommy at agad na lumapit sa gawi natin habang nakasunod sa kanya ang kanyang mag-ama. "Good Evening, bro" Bati ni Daddy kay Tito Czyden at naki-pag man hug ito.
Bumaling sa gawi namin si Tita Kreina at nakipagbeso-beso samin ni Kuya Clark. "Welcome Vivien and Clark" Tita Kreina greeted to us. "Thank you for having us, Tita Kreina" Ani ni Kuya habang naka-ngiti.
Niyakap kami ni Tito Czyden at binati rin kami. "Kreimond" Pagtawag pansin ni Tita Kreina sa anak niya at agad na pinalapit samin. "Son, they are your Ninang Sabrina at Ninong Vicent. Sila naman ang mga anak nilang sila Vivien at Clark" Pagpapakilala ni Tita sa amin. Bumaling si Kreond sa mga magulang ko at nagmano.
"Good Evening, Tito and Tita. I hope you'll enjoy our dinner this night" Magalang na bati niya sa mga magulang ko dahilan para makita ang tuwa sa kanilang mga mata. "Good Evening din ijoh" Sabay na usal ng mga magulang ko.
Humarap naman ito sa kuya ko at nakipag-kamay. "Welcome bro" Saad niya at tinanggap naman ni kuya ang pakikipagkamay. Nang bumaling siya sakin ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko.
Yumukod siya at hinagkan ako sa aking pisngi. Dama ko ang malambot niyang labi dito pero agad din itong nawala ng umayos siya ng tayo. "And welcome to our mansion, Lady Vivien" Saad niya habang naka-ngiti.
Agad akong napahawak ng mahigpit sa braso ni Kuya dahil para bang malalambot ako sa paraan niya ng pag-ngiti. "So, let's eat na?" Pagaaya ni Tita Kreina at agad naman itong pinaunlakan nila Mommy. Nanatili akong nakakapit sa braso ni Kuya habang naglalakad kami papunta sa Dinning Area.
Pinaghila ako ng kuya ko ng upuan at agad naman akong nagpasalamat sa kanya. Agad na nagsilabasan sa Kitchen ang mga kasambahay nila Tita Kreina at nilapag ang mga putahe sa lamesa. Nilagyan ng pagkain ni Kuya ang plato ko habang si Kreimond naman ay nagsalin ng juice sa baso ko.
Laking gulat namin ni Kuya ng gawin namin yon pero sila Mommy at Tita ay tila natuwa pa sa ginawa niya. Nagpasalamat ako sakanya at nagsimulang kumain ng humudyat nasi Tito Czyden na pwede na kaming kumain.
Habang nagdidinner kami ay pinaguusapan nila ang tungkol sa negosyo kaya napasama sa usapan si kuya. Tahimik lang akong kumakain ng maramdaman kong may parang basa sa paanan ko. Agad akong yumukod dito at nakita ko ang isang cute na aso. Uminit ang pisngi ko dahil napacute talaga niya at ang sarap niyang yakapain.
Akmang kukunin ko siya ng bigla akong tapikin ni kuya. "Anong sinisilip mo diya?" Tanong niya. Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong. "May puppy sa ilalim ng table, Kuya" Sagot ko sakanya dahilan para yumukod din siya. Agad niya itong kinuha at nilapag sa lap niya. "Clark bakit may aso sa lap mo?" Tanong ni Mommy kaya nabaling samin ang pansin nila.
"We saw it under the table. Alaga niyo po ba siya Tita?" Tanong ni Kuya. "Yes, my son owns it" Sagot naman ni Tita at agad na pinalapit ang Butler nila para kunin ang aso. Agad na kumawag-kawag ito sa pagkakayakap ni kuya at lumipat sa lap ko.
Kinuskos ko ang likod ng tenga niya at sinandal naman nito at ulo niya sa kamay ko. "Omo,, Ang cute" Sambit ko at niyakap siya. "Mom, hayaan mo nasi kreivien. He's harmless" Sabad naman ni Kreimond.
Kreivien licks my cheek causing me to giggles. Pinag-patuloy lang namin ang paghahapunan namin hanggang sa dessert nalang ang kakainin namin. Nilaro-nalaro ko si Kreivien hanggang sa may sumipol. Tumalon pababa si kreivien sa lap ko at tumakbo papailalim. Nakita ko nalang siyang buhat-buhat ni Kreimond at para bang kinakausap niya ito.
After naming magdinner ay nagpaalam muna ang mga gulang namin na pupunta sa Library kaya kaming tatlo nalang nila Kuya ang naiwan sa sala kaso may tumawag siya at iniwan kami ni Kreimond. 'Awkward' Bulong ko sa sarili ko at binaling nalang ang pansin ko sa buong sala. Habang abala ako sa pagiikot ng paningin ko ay biglang nagsalita si Kreimond.
"How's your day?" He asked while caressing kreivien's fur. "I-it's good" Sagot ko sakanya. "How about yours, President?" Tanong ko naman sa kanya. "It was good also since maayos naman ang araw mo" Sagot niya dahilan para mapalingon ako sakanya.
'A-a-ano daw?!!!!'
YOU ARE READING
THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSION
Lãng mạnAng storyang ito ay laman lang ng kathang isip ko..