Landi #10

27 0 0
                                    

Pagtapos ng breakup kanina, dumiretso na ako sa school. Syempre ilalagay ko nanaman ang maskara sa mukha ko. Kailangan masaya ako. Kaya ko to ako pa. Trax ata to.

Papasok na ako sa room ng makita ko sila.

"Goodmorning guyssss!" Masayang bati ko sa kanila.

"pagoodmorning morning ka pa dyan! Okay ka na ba ah? " si Fhaye

"obviously yesss! Namiss ko kayoooo!" Sabi ko. Tatakbo na sana ako sa kanila kasu dumating na yung adviser namin.

Umupo na lang tuloy ako.

"Class. Announcement malapit na Student Fest! You have to prepare yourselves! Hindi tayo by Org ah? By section tayo! Kaya kayo. Paghandaan nyo na." Sabi ng Adviser namin.

Shets. Student fest yeheeey! Gusto ko yun active ako sa ganun eh. Tska 1week student fest walang klase saraaaap!

Umalis na yung adviser namin at pagusapan daw namin un. Next week na daw kasi eh.

Habang naguusap sila, nasira ang focus nila ng dumating SIYA. Si Mau.

Nagulat ako sa itsura nito. May sugat sa mukha. Napatingin sya saakin. At agad naman ako nagiwas ng tingin.

Hindi ako mapakali, kahit papaano may pinagsamahan kami. Ano kaya nangyari sa kanya?

"uyy yung Baby mo! May sugat! Anyare dyan?" Tanong ni Kath. Oo nga pala di nila alam. Asar. Ayoko pang sabihin eh.

Di ko alam ang isasagot ko. Nakakainis. Mauximo naman eh! -____-

Tumayo ako sa kainauupuan ko at lumapit kay Mau. Hinila ko ang kamay nya at hinatak sya patayo.

"tara..." Sabi ko at hinila na sya palabas.

Hawak ko lang kamay nya.. Hindi holding hands ah? Tahimik lang kaming naglalakad papuntang Clinic.

Nadatnan namin ang paalis na nurse duon.

"nurse...may gamot po ba kayo dyan?" Tanong ko.

"meron nandyan sa cabinet paki kuha na lang may meeting pa ksi kami eh. Bye!" Sabi nito at umalis na. -____- Badtrip.

Pinaupo ko sya sa hospital bed. Tahimik pa din sya nakatingin lang saakin.

Kinuha ko ung alcohol cotton at betadine.

Lumapit ako sa kanya at nilagyan sya ng alcohol banda sa putok na gilid ng labi nya.

"Aray." Daing nito. Lalo kong diniinan ang cotton sa sugat nya. "ano ba masakit?!" Sigaw nito saakin.

"Kulang pa yang sakit na yan sa binibigay mong sakit na nararamdaman ko ngayon!" Sigaw ko sa kanya.

Napatingin sya saakin. Nagulat ako sa sinabi ko. At ganun din sya.

"ikaw ang nakipagbreak,tapos ikaw masasaktan? Parang baliktad ata?" Ngising sabi nito.

Ang kapal ng mukha nya! So sya ang nasasaktan.

"saan mo ba nakuha tong sugat na to?" Iniba ko ang usapan.

"sa mahal mong ex." Sagot nito. Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako.

"nakipagaway ka kay Ralph?! Bat mo ginawa yun!!!" Inis na sabi ko sakanya.

"Siya ba dahilan kaya nakipagbreak ka saakin ah? Sabihin mo mahal mo pa sya nuh? At ngayon andyan na sya wala na ako sa buhay mo ganun ba?" May pagkainis sa tono nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MALANDING PAGIBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon