TRAX POV
1month ng nanliligaw saakin si Mau, at kating-kati na akong sagutin siya. E mamaya mapunta pa kasi sya sa iba e.
Kasu nagiisip ako ng magandang number para maging Anniversary namin! Oo anniversary agad! Ayaw ko ng monthsary! Hahahaha.
Well ayun nga, pero habang nag-iisip ako sa kwarto ko.
Nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ang screen, hindi nakaregister. Dali-dali ko itong sinagot at baka emergency.
"Hello.."
[........] wala akong naririnig na salita sa kabilang linya.
"Hmmm... Kung nantritrip ka pwede wag ako." sabi ko. Nakakairita lang kasi e.
[.....] still wala pa din.
In-end call ko na lang ito. Pinagtritrip-an ata ako eh.
"Aba nakaunlicall siguro yan at trip ako!"
Lalo akong nabored, kaya niyaya ko na lang ang babyhart ko maglamyerda! Hahahah.
Pero tawag ako ng tawag, di naman sinasagot. Baka busy? Hmm alam ko na! Pupuntahan ko na lang si Mau sa kanila. Tama great idea.
Dali-dali akong naligo at nagbihis! Hahaha wala ng ayos-ayos. Pants at shirt lang pati sneakers. Okaaay na yaaan!
Alam ko naman bahay nun e. Matagal-tagal na din pala ako di nakakabisita duon.
Mga 30 mins. Nakarating ako kala Mau.
Nagdoorbell na ako at pinapasok naman nila ako.
"Hi tita!" bati ko sa mama ni Mau.
"Ateeee Tracyyyyyy!" salubong saakin nung nakababatang kapatid ni Mau.
"Maximeee!" sabi ko sa cute na bata at sabay buhat dito. Namiss ko silaaaa.
"Buti napadalaw ka Tracy! Aba di mo na kami naaalala ah!" tampong sabi ni Tita.
"Tita talagaaa! Busy sa school e, tska di naman nagaaya si Mau, nga pala si Tito?" tanong ko.
"As usual nasa trabaho! Workaholic. Uy Maxi bumaba ka at baka nabibigatan si Tracy sayo!" sabi ni Tita.
"Ayos lang ta, toh naman, namiss ko si Maxi, may pasalubong ako sayo Maxi!" sabi ko sabay pakita sa bitbit ko.
"Yeheeeey! Whats that ate?" tuwangtuwa na sabi ni Maxi.
"Your favoriteeee!"
"Almooondssss." tuwang sabi nya ayan ang hilig nya e. Kinuha agad saakin ni Maxi ang almonds sabay tumakbo na palayo. Hahaha manang-mana sa kuya talaga!
"Lokong bata yun" sabi na lang ni Tita.
"Nga pala tita si mau?" tanong ko.
"Hah? Ayun umalis kanina sinundo ni Kaye." sabi ni Tita.
Nagpanting ang tenga. Sino daw? Tama ba pagkakadinig ko?
KAYE??!!
Kilala ni tita yun kasi legal sila nuon ni Mau.
"Sige Tita salamat po babalik na lang ulit ako." sabi ko at nagpaalam na din kay Maxi.
Lumabas na ako sa bahay, ibang lungkot ang nararamdaman ko. Ang daming pumapasok sa isip ko na bakit sila magkasama? Asan kaya sila ngayon? Anong ginagawa nila?
Pero ayokong pagisipan ng masama si Mau, I trust him. I really do. Bestfriend ko sya at mahal ko sya, mahal din niya ako. Kaya magtitiwala ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
MALANDING PAGIBIG
HumorPara sa mga malalanding tao! Eto bagay sa inyo. Hahahahaha XD LANDI PA. Harthart.