Happy reading momshie!
The home felt so empty after my husband left. The silence is killing me. I can't stand seeing my children this down tapos malungkot pa ako... paano na kami nito? So I decided to call Leslie, ang asawa ng kapatid kong si Lester.
"Bhe, baka gusto niyong mag over night dito sa bahay ni baby Tammy? Medyo malungkot kasi ang mga bata sa pag-alis uli ng daddy nila."
"Sure ate, ngayon na ba?" masigla niya namang sagot kaya nabuhayan ako ng loob
"Kung di kayo busy."
"Sige sige te, kausapin ko si Lester. See you in a while."
"Thanks Les."
"Hahaha feeling ko talaga kapatid mo tinatawag mo niyan." Hindi pa rin siya masanay na parehong Les ang tawag ko sa kanila.
After thirty minutes nga at maingay na ulit ang bahay dahil apat na silang bata. Gustong-gustong kalaro ni Kwen si baby Tammy na mas matanda ng isang taon kay Princess.
At tulad ng inaasahan sa mga bata, wala pang isang oras may umiiyak na, si Tammy.
"Tita, tinulak ako ni ate Kwen." Sumbong sa akin ni Tammy habang nagluluto kami ni Leslie ng meryenda sa kusina.
"Kwen! Halika nga rito?" tawag ko sa tunong pawarning na
"Anak bakit mo naman tinulak ang pinsan mo?" tanong ko sa tahimik na si Kwen
"Pinatid niya ako mommy, nadapa ako." Balik sumbong niya rin, nailing akong tumingin sa kanya.
"Diba ang sabi ko sa inyo nila kuya, very bad ang gumanti?" paalala ko sa lagi kong bilin sa kanila, tumango lang siya.
"Oh siya, magsorry ka roon kay Tammy." Utos ko sa kanya at sinundan siya sa sala para siguraduhing sinunod niya ang sinabi ko, niyakap niya naman si Tammy tulad ng madalas niyang way ng pagsorry at balik na naman sa ingay ang sala. Pero makalipas naman ang dalawang oras na laro nila...
"Mommy, kinagat ako ni Tammy." Umiiyak na sumbong ni Kwen sa akin, agad ko namang tiningnan ang nakagat at medyo malalim nga.
"Bakit ka raw kinagat?" malumanay kong tanong
"Gusto niya kunin ang stuff toy ko na bigay ni daddy sa akin, di ko binigay, kinagat niya ako." Umiiyak na paliwanag sa akin.
"Unawain na lang natin si Tammy anak ha? Mas bata naman kasi siya sa iyo, hindi dapat pinatapatulan. Pero bad ang mangagat, hindi niya dapat ginawa iyon sa iyo. Tahan na, lagyan na ni mommy ng gamot para di magpasa." Alo ko bago siya niyakap, tumahan at bumalik naman sila sa dati dahil nga bata, madali lang malimot ng away pero mali pala ako dahil pagka-uwi nila Tammy tahimik akong kina-usap ni Kwen.
"Mommy?" bigla niyang tawag
"Po?" medyo nanibago akong tahimik siya
"Ano iyon baby ko?" lambing ko sa kanya, niyakap ko pa sa mula sa likod
"Bakit kapag si Tammy umiiyak, pinapagalitan niyo ako? Bakit kapag ako ang umiiyak, di niyo pinapagalitan si Tammy?" Ilang segundo akong napatulala sa tanong niya, hindi nga naman ito nangyari na ngayong araw lang halos tuwing dadalaw sila rito lagi silang nag-iiyakan na magpinsan, lagi nga tuwing si Tammy ang umiiyak pinapasorry ko si Kwen but it never cross my mind na ganito na mag-isip ang Kwen ko.
Naku! Claire, ayusin mo iyan!
Napalunok pa ako ng laway bago sumagot, "Anak kasi, si Tammy, may mama siya, si mama niya dapat ang kakausap sa kanya tungkol sa behavior niya tulad ng ginagawa ko sa inyo kasi ako ang Mommy niyo, hindi ko na saklaw kasi hindi ko baby ang ibang bata, ang pwede ko lang mai-correct ay kayo na mga baby ko. Huwag ka na magtampo kay mama, love kita kaya kita napapagalitan, ayaw kong makasanayan mong gawin na manakit ng iba kasi nga bad iyon, diba nga kapag ikaw ang nasaktan masama rin sa loob mo? Kaya dapat hindi tayo nananakit. Hayaan mo't kakausapin ko si tita Leslie mo tungkol kay Tammy ha? Para siya ang kakausap kay Tammy kasi iyon ang tama. Naiintindihan mo ba si mommy?" paliwanag ko kahit nagdadalawang isip ako kung tama ba ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Wife Claims (Momshie Series #2)
Lãng mạn2 of 3 - Story of woman as wife and full time mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.