Happy reading momshie!
"Anong gusto niyo kids? Mauna tayong magshopping o maligo muna tayo sa beach bukas at sa sunod na araw na tayo magshopping?" usisa ni Jj sa mga anak habang nagdi-dinner kami.
"Beach!" sabay-sabay na sagot ng tatlo
"Gusto mo magswimming baby? Wala ka pang rush guard, si ate Kwen maliit na rin ang bathing suit mo diba? Magshopping muna tayo ng masuot niyo bukas then next day tayo mag beach." Suggest ko
"Pwede tayo magluto ng macaroni salad bukas ng gabi mom? Dalhin natin sa beach?" excited na tanong ni Kwen
"Sure ate Kwen, help mo ako ha? Ikaw baby ano gusto mong lutuin bukas ng gabi para madala natin sa beach?"
"Hotdog!" simple niyang sagot na ikinatawa namin.
"Hotdog then, lagyan ba ng marshmallow?" tanong ni daddy niya, agad siyang yumuko, nahihiya at di pa sanay kay daddy, ni ayaw pa nga magpakarga kay daddy niya kanina pagkagising mabuti na lang at magaling si Jj mangbola kaya madali niya lang mapaamo si bunso.
"Gusto mo ba ng marshmallow? Or hotdog lang talaga gusto mo?" ulit niya, tipid namang tumango si Princess.
"Hotdog lang?" paglilinaw ng ama niya
"May mashmallow daddy." Sagot niya na ikinangiti ni Jj parang feeling niya nagwagi siya ng sumagot ang anak niya, nangingiti akong manuod bago binalingan si Kwen
"Anak, please walang kalat. Malaki ka na dapat di ka na messy kumain." Nakasimangot kong puna sa anak kong paulit-ulit na lang di pa rin natuto, mas malinis pa kumain si Princess sa kanya, nakakaloka!
Para namang walang narinig na nagpatuloy lang sa pagsubo si Kwen.
"Ate Kwen, observe mo ang kalinisan ha? You should be a role model dito kay bunso not the other way around. Mas maganda sa babae ang neat and clean sa lahat. Do you hear me?" segunda naman ng daddy, napatigil naman si Kwen sa pagsubo at tumingin sa daddy niya bago sumagot.
"Yes dad."
"Tomorrow dapat wala ka ng kalat na pagkain sa gilid ng plato mo ha? Maasahan ko ba iyon ate?" dagdag pa ulit ni Jj
"Yes dad."
"Very good. Go on, kain ka na." pagtatapos niya sabay ngiti sa akin.
"Mom paabot ng monggo." Sabi ni Prince sa tabi ko dahil medyo malayo sa kanya ang mangkok na agad ko namang inabot.
"Ikaw kuya, may gusto kang lutuin natin bukas pagkauwi natin galing mall?" tanong ko sa panganay ko habang nilalagyan ng ulam ang plato niya
"Pwede po bang kumain ng chips sa beach mom?" tanong niya rin
"Sure, bili tayo ng malalaki bukas, iyon lang ba gusto mo? Di iyon mabigat sa tiyan, nakakagutom ang maligo sa dagat diba?" tanong ko pa
"Hmmm pwede pong graham cake mom? Kahit ako na lang magprepare habang nagluluto kayo ni Kwen ng macaroni."
"Sure. Sure, patulong ka na lang kay dad. Diba daddy?"
"Of course! Gaano karaming graham pack ba need mo bukas? Lagyan ba natin ng prutas? Like manga or saging?" Sang-ayon naman ng daddy niya na ikinatuwa naman ni Prince.
"Mas masarap ang manga dad."
"Okay, manga it is."
After naming mapatulog ang tatlo ay nag-usap kaming muli ni Jj tungkol sa mga plano namin sa buhay.
"Kailan natin simulan ang pagpapatayo ng apartment love?" tanong ko
"Sa sunod na lang na break ko love, maghingi ako ng one month sa sunod para makita ko ang simula, paki prepare mo love mga building permit ha? Ako na bahala magcontact sa contractor, may kilala ako na pwede ako maghingi ng discount."
![](https://img.wattpad.com/cover/185902808-288-k787632.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife Claims (Momshie Series #2)
Romantizm2 of 3 - Story of woman as wife and full time mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.