Kabanata 9

55 2 0
                                    


Happy monthsary & birthday mes!

***Slightly mature content below, happy reading momsh!***



Married life is like riding bicycle, both of your feet must make an effort to keep moving forward and your both hands to keep your balance. There were times that you can ride it without holding anymore but it doesn't mean you wouldn't dare the entire ride especially if you would turn to left or right or when you're in a rocky road. Hindi lahat marunong magdrive ng bike at hindi rin lahat marunong magdrive ng relasyon pero lahat pwedeng matuto, kung gusto.

Walang may gustong mag sulk ng matagal. Kung lalaki lang or kung babae lang mag e-effort di talaga uusad lalo na kung humpy-bumpy ang daang tinatahak. Kumbaga ito talaga ang mga moments na tatagaktak ang pawis mo sa effort maka-alis ka lang, maka-survive ka lang. Ibigay mo na lahat ng best mo.

We both realize that doubts can ruin relationship after that sincere talk and learned our mistakes in hard way.

"Hindi na ako nag-oonline ulit kasi iniisip kong nakatulog ka na rin kasabay ni baby. Though alam kong night person ka pero nakikita ko rin naman sa screen kung gaano ka kapagod sa maghapon. Wala kang day off diyan, araw-araw kailangan mong bumangon ng maaga kahit hindi ka morning person kasi alam mo namang ikaw lang ang gagawa niyan para sa mga anak natin and I am so proud of you. Hindi kaya ng konsensya kong agawin pa ang oras na para sa pahinga mo pero mali pala ako. I'm sorry love, mula ngayon aantayin kitang matapos, di ko na i-offline agad."

I decided to upgrade my mobile phone too so I could call him anywhere I want. Keypad phone na lang kasi gamit ko mula ng umalis siya dahil nagtitipid ako at ayaw kong bumili ulit ng Android, nasira lang kasi ng mga bata ang huli kong Android dahil sa game na mindcraft at paulit-ulit na panunuod ng ABC kids TV, Chuchu TV, Annie & Ben, Badanamu, Dave & Ava and more baby videos. May advantages din naman, hindi na puro screen time ang mga bata, mas nahilig na si Kwen sa craft and art.

"Mom, can I use deped commons? I want to try answering questions." Prince asked me after our dinner

"Sure, after ng call time niyo ni daddy pero bawal magpuyat ha? Remember my rule?"

"Yes mom, sleep at nine." Mabilis niyang sagot

"Alright!"

"Thanks mom!" ngumiti ako bilang tugon bago magligpit ng mga plato.

Minsan pinapatulong ko si Kwen sa mga gawain sa kusina while si Prince naman sa pag-aalaga kay Princess lalo na kung week-ends. Sabi kasi sa webinar na na-attend-an ko, kapag ang tao hindi marunong sa gawaing bahay ang nanay ang murahin mo kasi di niya tinuruan noong bata pa pero kapag ang tao isang magnanakaw o walang respeto, ang tatay ang murahin mo dahil di niya dinisiplina noong bata pa. Which is on my point of view, tama naman, mas matimbang nga naman ang tatay sa discipline department pero sa part ng tulad kong two in one, syempre dalawang department ang kailangan kong ituro, mahirap man pero walang di kakayanin sa magulang na gustong may marating ang anak.

Pero kapag after dinner, daddy time nila iyon everyday kaya ako lang ang sa kusina.

Napatulog ko na ang mga bata bago ako nag-online sa skype para sa love-time ko.

"Magandang gabi daddy!" bungad ko

"Mas maganda pa sa gabi ang asawa ko." Nakangiti niyang sagot

"Chus ka! Kumain ka na?" pinatong ko sa labatory ang phone nakaharap sa pader ang camera para makaligo ako.

"Kakain pa lang love, maliligo ka?"

Wife Claims (Momshie Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon