Happy reading momshie!
Everyday went by with the same scenario, babangon ako ng maaga para mag jog at sasabayan niya ako, pag uwi namin siya na magluto ng breakfast habang ako sa labas ng bahay magwalis at mag dilig ng mga bulaklak at gulay namin. Sa tanghali ako magluluto at sa dinner tinutulungan niya naman ako ulit sa kusina.
"Diba ngayon ang flight mo? Bat di ka pa kumikilos diyan?" tanong ko sa asawa kong busy gumawa ng cabinet gamit ang mga pinabalikbayan box niyang gamit para sa furniture shop na gusto niya.
"Hindi ako aalis." Tipid niyang sagot na ikinakunot noo ko
"Anong ibig mong sabihin na hindi ka aalis? Na cancel flight mo?" tanong ko pa na ikinatigil niya sa ginagawa saka ako hinarap
Nakatingin siya mga mata kong sumagot, "Hindi na ako aalis."
"At bakit hindi?" napatanga kong sabi
"Ayaw kong umalis. I told you I will fix this. I can't afford to lose my family in exchange of money abroad." Sagot niyang ikinabungtong hininga ko.
Bigla hindi ko na naman alam kung saan ang mas mabuti.
"I don't know what to say." Mahina kong sambit, hinila niya dalawa kong kamay bahagyang pinisil
"I am decided to stay for good. Palalaguin ko na lang kung anong meron tayo ngayon. What happened to us is a wake up call for me to realize what I missed in life. I don't want to waste another year without all of you in my side. Beside, I can't leave you like this, hindi rin naman ako mapapalagay roon knowing how you hate me so much, how your brain work in chaos thinking of me with another. I am sorry, love, hindi ko na isip iyon noon. Napakalaki ng pagkukulang ko sa iyo, sa inyo ng mga anak ko at alam kong hindi iyon kayang bayaran ng perang kikitain sa abroad. Let me take care you all of you again. Gusto kong bumawi."
Parang gusto ko ulit maiyak sa harap niya, hindi sa sakit kundi sa tuwa, akalain mong nagawa niya pang isipin na magulo ang isip ko ngayon, hindi lahat ng asawa ganito mag-isip matapos magloko.
"Paano ang contract mo?" nakakunot noo kong tanong
"Hindi ko pa naman napipirmahan, doon sana mamaya pero tumawag na ako nakaraan sa opisina, nakapagpaalam na ako. Hindi pa nga lang ako nakakakuha ng magandang timing na sabihin sa iyo." Paliwanag niya, ito siguro ang sinasabi niyang don't let me go?
"Mas okay ba sa iyo na bumalik pa ako?" tanong niya matapos ang mahaba kong pananahimik, nakatitig lang sa lupa
"Bakit ako ang tinatanong mo? Sabi mo decided ka na, may magagawa ba ako kung ayaw mo? Syempre ikaw naman maghihirap doon, hindi ko alam ang totoong kalagayan mo roon, ikaw naman talaga mag de-decide kung gusto mo pa o ayaw mo na, I am just here to support you kahit saan sa dalawa ang gusto mo. Don't worry, hindi masama loob ko sa desisyon mo kung iyon inaalala mo... that... actually give me peace of mind."
Amin ko, kasi totoo naman, hindi ko na kailangang isipin kung magkikita pa sila ulit ng babae niya, at least dito sa barrio alam ko kung sino-sino mga nakaka-usap niya. Isang mainit na yakap ang iginawad niya sa akin.
"Thank you love, this means so much me. Napakabuti mo sa akin... I know I don't deserve you pero gusto kong kapalan ang mukha ko, gusto kong akin ka lang. Alam kong nabasag kita pero gagawin ko lahat mabuo ka lang ulit. Huwag ka sanang magbabago dahil sa nagawa ko, hindi ko na mapapawad ang sarili ko kung mangyari iyon."
Umiiyak na naman niyang sabi sa habang yakap-yakap ako, at syempre dahil emotional din ako, sinasabayan ko naman siya. Parang parehas kaming nagluluksa.
God ayaw ko na ng ganito. Please touch our heart with your healing hands.
Humiwalay ako sa yakap niya saka ginagap ng palad ko ang mukha niya at marahang hinalikan sa labi. I wish I could kiss away our pain. I wish my love for him could heal our pain.
![](https://img.wattpad.com/cover/185902808-288-k787632.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife Claims (Momshie Series #2)
Storie d'amore2 of 3 - Story of woman as wife and full time mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.