Kabanata 20

88 2 2
                                    


Happy reading momshie!

Pansamantalang nawaglit sa isip ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin dahil sa gawaing bahay at mga anak ko. Ibig sabihin, success ang isa sa mga way ko to solve my problem kaysa isipin ko iyon ng husto tulad ng iba, I've rather self-love than self-destruct.

Ang kaso, gabi na di pa rin nakaka-uwi ang asawa ko. Naka limang missed calls na ako. Huminga ako ng malalim bago tinawagan ang number ni Ric na ninong ni Prince.

"Hello MC, good evening!" bungad niya

"Hi Ric, good evening too. Magkasama pa ba kayo ni Joel?" tanong ko agad

"Ha? saglit lang kami nag-usap kanina, wala pang tanghalian naghiwalay na kami. Di mo tinawagan?" sagot niyang mas nagpakabog sa dibdib ko

Babae o aksidente lang ang tumatakbo sa isip ko.

"Hindi ko kasi macontact ee, sige Ric, pasensya na sa disturbo ha? Salamat." Nanghihina kong paalam

Napahilamos ako ng palad sa mukha. God please keep my husband safe, keep him away from harm and danger please.

Napatingin akong muli sa phone ko. 8:10 PM na pero ni isang text wala.

"Sorry. Ang iyong load balance ay hindi sapat to make this call. Mag load na at subukan ulit." Sagot ng telecom sa akin ng subukan ko ulit tumawag.

Damn! "Bakit ngayon pa nag expire! Sarado na pa naman ang tindahan ni Cel."

Binuksan ko na lang ang freefacebook ko at nagsend ng message sa asawa ko.

"Where are you love?"

Bumalik ako sa baba dahil gising pa ang mga bata, nag-aantay sa daddy nila.

I have so many W and H questions trying to occupy my mind but I refuse to entertain. I maybe a tough woman and gentle mom but I feel hurt with this silent battle I am in and may breakdown too in due time, when I can't take it anymore.

"Mom are you okay?" nakatitig si Prince sa akin habang nakasara na ang aklat na kanina niya binabasa. Ngumiti ako ng pilit saka marahas na huminga.

"Can you give mommy a hug? I am not feeling well." I truthfully replied and he oblige to

"Get well soon mom, I can't stand seeing you that way. Are you sure you're not just feeling well, it seems to me that your having a troubled mind." He whisphered while hugging me so tight and I can't help my tears rolling on my cheeks.

In every wrong I did, what good I have done to deserve this bitter-sweet moments with my kid.

"Just pray for mommy's health, I will be good soon in God's grace." Sagot kong nakapikit habang magkayakap pa rin kami ng panganay ko nang maramdaman kong may dumagdag na yumakap sa amin.

"Sali rin ako." Si Princess

Mabilis kong pinahid ang pisngi ko. This can't be Claire. Hold yourself. Nobody's life is perfect, no matter how you do what you believe is right. You're doing just fine. Just keep swimming.

"Bakit ka riyan umiiyak mahal na reyna? Iyan k-drama pa more!" biglang saway ni Prince kay Kwen na agad kong nilingon sa sofa, umiiyak nga habang nakatitig sa cellphone.

"Nakaka-iyak itong pinapanuod kong the world of married couple, nakaka-inis mga character lalo na ang tatay, grabe! Huwag naman sanang mangyaring ipagpalit ni daddy si mommy, naku! Kapag nangyari iyon, kahit close ako sa kanya, itatakwil ko talaga siya." Tuloy-tuloy na bitaw ni Kwen ng saloobin habang nagpupunas ng pisngi. Para naman akong tinuklaw ng ahas sa narinig.

Wife Claims (Momshie Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon