Chapter 43

955 65 15
                                    

*NATH POV*

Naka halumbaba lang ako habang nakatingin sa prof namin na kanina pa daldal ng daldal eh wala namang nakikinig yung mga queen ayun may nag me-makeup may nag se-cellphone

Yung mga kumag namang mga leader, si jac na masungitnag mu-music at tulog yung isip bata namang si Reyven ayun kumakain na naman ng parang bulate tsk si James naman na ay ewan ayun tulog habang nakaupo nakatunghay pa ang ulo at bahagyang naka nganga bapailing nalang ako si AM naman na mainitin ang ulo nakatulala kung saan

Nagtataka fin ako dito kay AM eh yung bagong dating namin hinamon na niya agad ako ano naman kaya ang pumasok sa utak nito noon

💡

Napangisi ako ng may parang light bulb na sumindi sa isip ko pumilas ako ng papel sa notebook at hinati ito parehas kong ginusumot at makabilang pares at ginawa pabilog

Napatingin ako kay Am na alaluts at kay James na natutulog habang naka nganga at napatingin naman ako sa dalawang nilimukos na papel sa palad ko

First target

Spotted

James

At

Shoot!!!

Napaiwas ako ng tingin at nag kunwaring nag susulat ng bumalikwas ito ng bangon at luminga linga habang may naka samual na papel sa bibig at napapaubo pa pigil ang tawang nag tuloy ako sa pag kunwaring nag susulat

Nang napagod na ito sa pag hahanap ng bumato sa kanya tumuwid nalang ito ng upo bago tumingun ng masama sa prof namin na akala mo ito ang may kasalanan parang ito pa ata ang sinisisi nito haha lol

Second target

Spotted

AM #mainitin ang ulo

At

Shoot!!!

Pigil ulit ang tawa na napaiwas ako ng tingin ng mag palinga linga din to at ng hindi makita ang ay tumingin ito ng masama sa kanina pa kumakain na si Reyven ng mapansin naman ng isa ang masamang tingin nito tiningnan naman siya nito ng nagtatanong na tingin pero sinamaan lang siya ng tingin nito

Nanlaki ang mata ko ng sabay pa ang dalawa na pumunit ng papel at binilog ito at pinag babato ang mga nananahimik at ang kaninang tulog nasi jac ayun nag sungit na naman ng hindi tumigil ang pag babatuhan ng papel ay nakisali na nag lahat ng nabato

Stoopppp!!!

Napatingin ang lahat na biglang pag sigaw ni ser na iyon pero rong move imbis na makinig ay sinamaan siya ng tingin ng lahat bago pinag babato ng papel napatawa na talaga ako ng malakas ng nag tatakbo palabas si ser

HAHAHAHA Malakad na pag tawa ko pero unti unting nawala ang ngiti ko ng napatingin silang lahat sa akin napalunok naman

Nanlaki ang mata ko ng magtaasan ang mga kamay nila at handa na akong batuhin pero mabilis akong nag tago sa ilalim ng desk ko mga walangya digital na talaga ang karma kinuha ko ang bag ko at pumilas ng walong pirasong papel para sa kanila at sa isang tira sisiguraduhin kong mapupuruhan sila

Ng tumigil ang pag bato sa akin tumayo agad ako at pinuntirya ang una kong target ang unang natapunan ng tingin ko si Reyven na nag gugusumot pa ng papel at halatang tuwang tuwa pa sa nag yayari

At dahil siya ang una kong nakita siya ang pinuntirya ko parang baseball na binato ko ito sa kanya na tumama sa pisngi niya at nagpatabingi ng ulo niya at ayun bigla siyang tumumba sa hindi ko alam na dahilan

Hindi na ako nag aksaya ng panahon ang sunod ko namang nakita ay si Shanly (HGQ) na nag rereatach na ng makeup niya napangisi ako at hinagisan din siya at tumama ito sa kanyang noo

Napabaling ang tingin ko kay Jac na nag bibilog pa din ng papel binato ko namn siya ng at tumama ito sa ilong niya at pinag susunod kona sila napatingin naman silang lahat sa akin napangisi ako ng malawak bago nag peace sign

Nang ambang babatuhin na naman nila ako ng papel ay nagtago ulit ako ng matapos na ang batuhan unti unti akong tumayo pero rong move dahil sinalubong ko lahat ng binato nila napataklob ako sa aking muka at tumawa nalang ng tumawa sa kanila man bakas ang saya sa mga muka nila sa ginagawa namin ng matapos ang batuhan ay nag tawanan kami lalo na ang mga babaeng nagkalat ang makeup sa muka

Napatingin naman ako kay Reyven na hanggang ngayun nakahiga pa din nilapitan ko ito at niyug yog

Hoy Reyven pag gising ko sa kanya pero hindi ito gumalaw

Hoy!!

Uhmm ungol nito niyug yog ko siya lalo at napaupo naman siya

Anong nangyari sayu? Bakit nakahiga ka diyan? Nag tatakanag tanong ko

Kanina diga may tumama sa akin e diba pag tinamaan ka dapat patay kana kaya humiga ako pero ang tagal matapos kaya nakatulog ako Mahabang paliwanag nito na naka nguso pa nakatampal nalang ako ng noo at napailing lumapit naman si jac dito at binatukan ito

Napailing nalang ako bago tumayo at bumalik sa upuan ko napatingin ako sa bintana at napatigil ako sa pag upo ng makita ang nakatanaw sa amin

Bakatayo ito sa kabilang building at naka pamulsa at deretsong nakatingin sa akin bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko

Siya na naman, nung usang araw matapos makipag titigan sa akin basta nalang siyang tumayo at nakapamulsang unalis at ngayun nakatingin na naman siya sa akin

Ano bang problema ng lalaking to sa akin at sino ba siya

Uy Nath peram pen Narinig kong sabi ni Reyven pero hindi ko siya sinagot at nakatingin lang sa lalaking nakatanaw din sa akin

Uy! Pero hindi ko parin siya tiningnan

Kilala moba siya? Mahinang tanong ko

Sino? Naguguluhang tanong din niya nilingon ko muna siya saglit bago tinuro yung lalaki pero pag tingin ko hindi ko na siya makita

Huh nasan? Nag tatakang tanong niya Hala wag mong sabihin na nakakakita ka ng hindi ko nakikita!

Huhuhu mama!!!

Sinamaan ko siya ng tingin bago kinuha ang pen ko at pabalang na binigay sa kanya

Tsk napaka misteryoso talag ng lalaking yon

Pero...

Ano nga kaya kung multo yung nakikita ko hala!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Eto na po salamat sa pag hihintay
At salamat di kay @yeliahenn na kahit alam kong pangit yung story ko paulit ulit mo pading binabasa at nag cocomment ka salamat sa pag babasa at para sayu ang chapter nato sana mag enjoy ka 🤗❤️

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
•©️•

Plss

Vote

Comment

And

Fallow

Bloody Hell University (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon