Chapter 32

1.3K 92 22
                                    

*NATH POV*

Palihim kong pinag mamasdan ang lalaking nakikipag tawanan sa kabilang table

Nag tatago ako dahil gusto kong malaman ang katauhan ni Marcus Santiago kaya naisipan ko ngayung launch na dito nalang sa canteen ng mga ordinary kung yun ba ang tawag sa kanilang walang gang

Ngunit dahil sa naiiba ang aking uniform sa nakakarami, meron din namang nandidito na ibang gang ngunit dahil ako lang ang nag iisang naka kulay itim na uniform ay kapansin pansin ako marami ding nag titinginan at nag bubulungan batid kong nag tataka kung bakit ako nandodoon

Hinigop ko ang kape ko at panaka nakang tiningnan ang gropo nilang nag tatawanan bali lima sila sa lamesa dalawang babae at tatlong lalaki

Nagulat ako nang biglang may umopo sa upuan sa harap ko dahilan para masamid ako

"Ohh dahan dahan kasi" natatawang sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin tsk naalala ko dito din palatong si Vian

"Tsk ano bang ginaga mo dito" bahagyang akong umorong dahil natatakluban niya ang tinitingnan ko

"Ikaw bakit ka andidito" tsk ibalik ba naman sa akin ang tanong

"Kumakain" walang ganang sabi ko sabay subo ng sandwich ko

"Oh di kakain din ako" hindi ko nalang pinansin ang kakulitan niya at sumulyap ulit sa kabilang table

"Sino bang tinitingnan mo jan" tumalikod siya ng bahagya para makita ang tinitingnan ako bigla siyang humarap sakin na nang-lalaki ang mga mata

"Diba yan yung lalaking ininis mo nong nakaraang bloody moon diba?" tumango naman ako yan yung pinoproblema ko paano ako makikipag kaybigan diyan eh binadtrip ko yan nong nakaraan kung nalaman kolang ng mas maaga sana dikona inasar pa yang Marcus na yan

"Wag mong sabihin na may gusto ka sa kanya" hindi makapaniwalang sabi nito bigla namang may pumasok na ediya sa isip ko dahil sa sobrang tuwa ay lumapit ako sa kanya at bigla kong pinisil ang pisngi niya

"Alam mo may pakinabang kadin pala paminsan minsan" maslalo kong pinang-gigilan ang napaka lusog na pisngi niya

"Ano bo mashakit" hindi na matuwid ang pag sasalita niya dahil sa pag pisil ko nakikita kobg sobra na siyang masasaktan kaya binitawan kona at bahagyang natawa sa itsura niya dahil namumula ang pisngi niya haha parang siopao

"Ahhh huhuhu ano bang ginawa ko sayu" nag dadramang sabi niya "Ang sakit huhuhu"

Tinawanan kolang siya dahil maluha luha na siyang nakahawak sa kanyang pisngi

Hala bakit magkasama sila

Huhuhu marami na ngang nakapalibot na gwapo sa kanya pati ba naman si Eren my loves

Hala baka sila na tingnan mo oh parang close na close sila

Baka nga sila na may nakakita daw sa dalawang yan na laging magkasama

Chu chu chu- pag bubulungan ng mga ito akalain mo nga naman sikat pala ang mokong nato dito uhm pano nga namang hindi magiging sikat eh gwapo nga naman to

"Oh hindi mo sinabi sikat ka pala" naka ngising sabi ko tiningnan naman niya ako ng masama at siniringan sabay busangot abah ang arte kalamo babae

"Bakit nag tanong kaba?" Pag susungit noto at siniringan ulit ako napailing nalang ako sa ugali niya para siyang babae kung umasta dikaya bakla to?

"Alam mo sayang ka" naiiling na sabi ko nag tataka naman siyang tumingin sakin

"Anong sayang pinag sasabi mo dyan?" Nakataas ang kilay na sabi niya kaya napangiwi ako

"Alam mo mahirap talaga yan pero subukan mo din malay mo matanggap ka ng kaybigan mo" naguguluhang niya akong tiningnan tiningnan tsk nag mamaang maangan pa

"Kung ako sayu mag lalantad na ako" nag seryoso ako kunwaring sabi ko

"Ano bang pinag sasabi mo" nag tatakang tanong niya

"Mag lantad kana bisto na kita tsk tsk" naiiling na sabi ko

"Anong maglantad" naguguluhang tanong niya

"Ilantad mona ang totoong pag katao mo" nakangisi kong sabi ang kaninang nakakunot noong ay napalitan ng seryosong muka

"Anong pag-katao" nangyari dito bigla naman atang naging seryoso to

"Tsk alam kong bakla ka wag monang ideny" naiiling kong sabi sa kanya bigla siyang napahinga ng malalim na akala mo ay nabunutan ng tinik

Napatingin ako sa kabilang table kung nasan si Marcus nakita kong tumayo siya at nag paalam sa mga kasamahan niya hinintay ko siyang makalapit dahil bago makalabas ay madadaanan muna niya ang table namin

Nang malapit na siya ay dali dali akong tumayo at sinadya kong bunguin siya dahil sa lakas ng pag kakabunggo ko ay napahiga siya maski ako ay napasama sa pag tumba niya

Sinadya kong mangyari yun pero nagulat ako ng pag tumba namin ay nakapatong ako sa kanya pareho kaming nagulat sa nangyari sobrang lapit namin sa isat isa nagkatitigan kami saglit pero nang makita kong bumaba ang paningin niya sa maga abi ko ay dali dali na din akong tumayo

"S-sorry" sinadya kong kunwari ay nauutal ako iniabot ko din ang kamay ko at tinulungan siya tumayo

Halos pinag titinginana na kami ng mga taong nakakita sa amin

"A-Ahh s-sorry din" batid ko ang pagkailang sa boses niya hindi din siya makatingin sa akin ng maayos dahil siguro sa hindi niya inaasahang nangyari

"Ahh c-cge a-alis na a-ako" nauutal na sabi niya at nag umpisa nang umalis palihim naman akong napangisi at pinagmasdan siyang makalayo

Sa pag tatanong at pag oobserba ko may nalalaman na rin ako tungkol sa kanya

Marcus Santiago anak nang basepresident na si Marcella Santiago popular din siya sa eskwelahang ito lalo na sa maga babae na hindi maikakaila dahil sa angkin nitong kakisigan ay kagwapuhan dagdag pa dito na sinasabi ng mga kaklase niya na napakatalino daw nito palakaibigan din at magalang

Napapansin ko lahat ng nalaman ko mga positibo lang wala apa akong nalalaman na negatibo tungkol sa kanya puro papuri ang mga naririnig ko

Pero malalaman ko din ang lahat, aalamin ko lahat ng tungkol sayu lahat lahat Marcus Santiago at sana, sana ikaw na nga ang daan para makaalis kami sa lugar na to dahil pag nalaman kong nag aksaya ako ng oras sayu at wala naman akong napala bubulagta ka nalang diyan bigla

Umpisa palang to, get to know each other palang tayo

Kung anong binabalak ko?

Malalaman ninyu din yan

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

20 🌟 for the next chapter vote na guys!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

•©️•

Plss

Vote

Comment

And

fallow

Bloody Hell University (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon