*Someone's POV*
Dalawang araw na ng mangyari yung araw na yun at sa dalawang araw na nag daan hindi ko siya nakita maski saan
Nakatayo ako ngayun sa puntod ng kapatid kong pinatay niya ng walang pag dadalawang isip kaya tama lang siguro na maningil ako diba, hindi lang isa kundi lahat ng malapit at mahalaga sa kanya iisa isahin ko buhay ang kinuha niya buhay ang kapalit. Buhay sa buhay
Kahit may pag kakahawig pa siya sa babaeng pinaka mamahal ko hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya
Kinuha na nila sa akin ang babaeng mahal ko pati ba naman ang kapatid ko!
Napaluhod nalang ako ng hindi ko kinaya ang sobrang pag luluksa sa aking puso kasabay ng pag bagsak ko sa lupa ang pagbagsak naman ng malakas na buhos ng ulan
Sa dalawang puntod na nasa harapan ko ngayun at ang unti unting pag kabuhay ng sobrang galit sa aking puso napakuyukom ang aking kamao na nakalapat sa lupa at napasigaw ako sa labis na pag hihinagpis
Sinusumpa ko makalalabas din kami sa impyernong lugar na to at sisiguradhin ko mapaparusahan ang sino man ang nagpasok sa amin dito
Tumayo ako sa pag kakaluhod at napatingala sa langit, mapait akong napangiti
Inilagay ko ang kamay ko sa magkabilang bulsa ng aking pantalon at nag simula ng mag lakad ng walang patutunguhan
Napatigil ako sa pag lalakad ng may matanaw akong babaeng tumatakbo hindi kalayuan sa akin mula pakanan patungo sa kaliwa na kalamo sa pag takbong iyon matatakasan niya ang malakas na pag buhos ng ulan
Napatitig ako dito ng tumigil ito sa pag takbo at nag papadyak na kalamo sobrang naiinis marahil siguro naisip nito kahit tumakbo pa siya basa na din naman siya nang kibit balikat nalang ako at maglalakad na sana ng mapaharap ito sa akin
Napalunok ako at siguradong nawala ang kulay ng aking muka ng makita ang kabouan ng muka nito, natigilan din ito at bakas ang pag kagulat ng makita ako pero agad na nawala iyon at napalitan ng galit ang makikita sa muka nito
Napatiim bagang ito bago nag mamadaling lumapit sa akin bago ako kwelyohan pero kahit anong gawin niya hindi na maalis ang tingin ko sa muka niya na bakas parin ang galit
'Alice'
*NATH POV*
Gumising ako ng maaga para makapasok at para makapag masid na din sa paligid
Ng makapag ayus ng sarili ay tumingin ako sa salamin sinuklay ko ang mahaba kong buhok at handa na sanang itali na lagi kong ginagawa at hairstyle pero naisipan ko sayang naman ang haba ng buhok ko kung laging naka bun kaya naisipan kong ilugay ito ngayun
Bumaba na ako ng matapos na ang pag papatuyo ng buhok ko at nag tungo sa breakfast table na alam kong nandoon dila para sa agahan
Ng makapasok ako ay napatingin silang lahat sa akin napakunot namn ang noo ko makita ang gulat sa mga muka nila at hindi nakatakas sa paningin at pandinig ko ang pag bagsakan ng kubyertos na gamit nila at gulat na gulat na napatingin sa akin
Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o ano ng makita ang muka ni Reyven na halos lumuwa na ang mata sa sobrang gulat at naka form pa ng 'O' ang binig tsk OA talaga
"Okey bakit ganyan kayu makatingin sa akin" nag tataka kong tanong sa kanila napatingin ako kila kuya at kagaya ko nag tataka din sila sa ikinilos ng mga ito
Napatingin ako kay AM ng bigla itong tumayo at nag lakad paalis napatingin naman ako kay Angelica ng malakas itong tumikhim na naging dahilqn para matauhan ang mga ito
"Kumain na kayu" sabi naman ni shanly nag si balik naman ang mga ito sa pag kain na kalamo walang nag yari
'Weird' mahinang bulong ko bago naupo para kumain at napapansin ko sa bawat subo ko at galaw ko napapatingin sila sa akin kaya hindi ako makakain ng maayos
Napahawak naman aking buhok dahil kaya sa buhok ko? Maganda naman buhok ko at mahaba tsk siguradong hindi dahil sa buhok ko sadyang weird o lang sila
~•~
Launch na kaya naman nag si kain na sila at dahil na wewerduhan ako sa mga tao sa paligid ko hindi nalang ako kumain at nag libot libot nalang sa paligid at nag babakasakaling makahanap ng daan palabas
Napaigil ako sa pag lalakad ng may pumatak na tubig sa pisngi ko napahawak ako dun at ng makitang basa iyun napatingala ako at saktong buhos ng napakalakas na ulan
Napatakbo ako at nag hanap ng masisilungan at dahil malayo pa ako sa school at kung saan man pweding may masilungan ng mapagod sa pag takbo at naramdamang basang basa na ako napatigil ako at nag papadyak sa sobrang inis
Napabaling ako sa gilid ko at may nakita akong lalaking nakatayu sa at kagaya ko basang basa din ito
Nang makita ko ng malinaw ang muka nito ay bahagya akong angulat pero ang pagkagulat ko ay napalitan ng inis, yamot at galit
At kagaya din ng nangyari kanina mukang gulat din siya pero hindi ko ito pinansin at nag simulang lumapit sa kanya ng makalapit ay gad ko siyang kinuwelyuhan
"Ano ba talang kaylangan mo sa akin!" Tiim bagang ko tanong dito nag papasensiya ero imbud na mag salita nakatitiglang ito sa akin na parang wala sa sarli
Ng masagad agad ang pasensiya ko ay binigyan ko ito ng isang malakas na sapak sa muka na siyang nag pa tumba dito at siya ding nag pagising ng diwa nito
Nanlilisik itong tumingin sa akin at tumayo
"Sino kaba ha!" Galit na sigaw ko dito
"Ang papatay sayu" Malamig na sabi nito bago ako nilagpasan at bungguin ang balikat ko
Inis ko itong hinila pabalik at paharap sa akin pero umilag ito at siya naman ang humila ng kamay ko hinawi ko ito at hinila ang isa niyang kamay bago ito pilipitin patalikod aa kanya napamura ito sa sakit at mabilis na kumilos para maalis ang kamay niya sa pagkapilipit ko at itinalikod ako bago ilagay ang mga braso niya sa leeg ko na parang sinasakal ako pero hindi ko maramdaman ang pag higpit don bagkos mas pinaluag niya pa ito na akala mo nakayakap lang
Hindi ako gumalaw at ganon din siya naguguluhan akong nag angat ng tingin sa kanya dahil talagang napakatangkad niya kung matangkad ako mas matangkad siya ag angat ko ng tingin saktong pag tingin ko sa kanya ay ang pag baba din niya ng tingin sa akin kaya ganon nalang ang gulat ko ng mag kabanggaan ang ilong namin
"Sino kaba?" Mahinang tanong ko ng biglang mag wala ang puso ko sa bilis ng tibok nito
"Hindi mona kaylangan malaman" mahina ding sabi nito pinag kunutan kobito ng noo at tumingn sa kanya ng naguguluhan
"Bitawan mo ako" seryoso kong sabi dito at dahil sa sinabi ko ay para naman siyang natauhan at agad na bumitaw sa pag kakahawak oh pedi na nating sabihing pag kakayakap
Napamaang ako ng basta nalang ito nag lakad paalis at walang likod tinging naglakad baliw ata yun eh oh trip lang ata ako pag tripan tsk
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayan na po enjoy reading
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•©️•
Plss
Vote
Comment
And
Fallow
BINABASA MO ANG
Bloody Hell University (Book One)
Mystery / ThrillerPano kung mawalan ka ng mga kaibigan Pano kung mawalan ka ng mahal sa buhay Tapos sa hindi inaasahang pag kakataon makita mo ulit sila at mag kasama sama ulit kayu Tapos........malalaman mo na...... Na....... Book one Complete☺️