CHAPTER 3

16 8 0
                                    

ZIEAH'S POV

Pagkatapos ng apat na klase ay napag desisyunan ko nang umuwi agad. Kahit nagyayaya ng inuman 'tong si Sham ay tinanggihan ko.
Broken daw kase sya kaya kailangan nyang uminom. Gaga talaga.

Kaya ang ginawa ko ay pinatambay ko na lang muna sa bahay dahil ayaw nya daw makita sya ng mommy nya na umiiyak.

"Kakaines bessy, huhuhuhu"

"Umayos ka nga jan. Para kang bata.
Ayaw mo kase ako pakinggan kaya ayan, karma yan sayo bruha ka" pag sermon ko dito

Nasa kwarto kame ngayon at ayan naglalasing mag isa si gaga.

"Eh kashe naman, binegay kow naman lahawt ey" pagsasalita nya na halatang lasing na.

"Sus. Bigay ka lang kase ng bigay! Oh ano ngayon napala mo?"
"Umayos ka riyan, baka makita tayo ni Mama." paguuga ko sa knya.
Nakahandusay na kase sa lapag.

Napatingin nman ako ng magbukas ang pinto ng kwarto ko. At niluwal ang napaka gwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko-Charot. Boyfriend ko lang iyon.

"Jake? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito

Hindi ko nman kase inaasahan ang pagdating nya dito. Wala ren naman sya sinabe na pupunta sya dito.

"Wow. Parang ayaw mo babe? Hahahaha" pagbibiro nyang tanong

"Baliw, hindi ko ayaw. Diko lang kase in-expect na pupunta ka dito. Edi sana hindi ko na pina-tambay 'tong si Sham"

Nakita nya nman si sham na nakahandusay sa sahig na may hawak pang baso na may onting alak.

"Ano nangyari riyan?" tanong nya habang pinagmamasdan si Sham na ikinatawa ko.

"Ayan naglasing, iniwan nanaman daw ng kalandian nya" sagot ko

Sakto naman na tumayo si Sham at muntik pang matumba buti na lang naalalayan agad ni Jake.

"Dun ka nga sa Cr bilis, maghilamos ka dun bruha ka" saad ko dito saka tinulak tulak papuntang Cr.

Natatawa nman pinagmasdan kame ng boyfriend ko.

"Kaibigan mo tlaga, 'di na nadala sa lalaki. Hahahah"

"Bruha eh, maharot masyado, ayan tuloy napapala nya."

" 'Di mo pa ako kini-kiss babe at niyayakap" pagsasalita ni Jake ng naka pouty lips pa

Ugh! Ang cute nya talaga kapag ginagawa nya yan! Kaines!

Agad naman ako lumapit sa kanya para halikan sya sa pisnge at yakapin.

"Oh ayan na, ano nga pala 'tong dala mo?" tanong ko habang tini-tignan ang mga dala nya

"Kape yan babe, binili ko sa 7/11 diyan sa tapat ng village nyo. Favorite coffee mo yan" saad nya ng naka ngiti

Acck! That's smile!

Sakto nman lumabas si Sham galing sa banyo.

"Ano ok kana ba?" tanong sa kanya ni Jake na natatawa

"Buang! 'Di naman kase ako lasing duh!" sagot nman ni Sham

A Lasing Once Said:
'Hindi naman ako lasing'

"Oh" pag abot ko sa knya nung kape na binili ni Jake

"Aanhin ko yan?" tangang tanong nya nanaman

"Tititigan te? Hanggang sa mainom mo?" pabalang sagot ko naman dito

Natawa naman si Jake dun.

"Shuta ka ha! Kanina kapa sa school,pinagbibigyan lang kita" may bahid na banta saad nya sakin

12:51 (On Going)Where stories live. Discover now