ZIEAH'S POV
"What the hell? Really?" di makapaniwalang tanong ni Sham
Nasa Mini Stop kami ngayon malapit sa village nila Sham, sinabi ko kasi na pupunta ako sa knila para ichika ang kaganapan sa bahay ni Tita Lucy.
At syempre sobrang saya ng gaga. Buti daw naisipan ko na ako na mag kwento. Hindi ko daw kasi sya binabalitaan kahapon kung ano nangyari.
Minu-minuto daw sya nag c-cr para lang matawagan ako at maki chismis pero hindi ko naman daw sinasagot.
Oh diba? Dakilang chismosa lang amp.
"Yeah. Buti na nga lang napigilan ko agad sarili ko at hindi ko nasuntok yung lalaking yun" saad ko sa kanya
"Eh ano naman sabi ni Jake?" tanong nya
"Baliw kaba? Syempre hindi ko sinabi. Mamaya mapa sugod pa ng wala sa oras yun dun."
"Eh kahit na, syempre boyfriend mo yun, mag uusisa yun kung anong nangyari sa pagbisita mo dun. Dapat kasi talaga hindi na ako sumama sa dinner namin kagabi eh."
"Shuta ka talaga. Wala akong balak sabihin kay Jake ang nangyari, saka isa pa, nagka sagutan lang kami ng lalaki nun. Wala naman nang ibang ginawa sa akin. Nakarebat naman ako sa mga pinagsasabi nya no."
Muntik pa nga syang ma speechless eh.
Ha!Ha!Ha!Ha!"Eh, what about Tita Lucy? Sa tingin mo mapapa payag nya ung Vince?" tanong uli ni Sham
"I don't know? Pero sa tingin ko kasi dun sa lalaki, kapag nag please sa kanya ang Mommy nya, papayag sya? I don't know. That's just my thoughts. Pero sana wag na pumayag. Ayaw ko naman kasi talaga."
"Parehas lang namin na ayaw. Kaya mas okay na hindi na lang sya pumayag, okay lang rin naman saken yun""Owkeey. I will help you to find a new job bessy hahahaha" asar nyang sagot sa akin
Buang talaga.
————
VINCE JAQUES TREVINO POV
"Mom, how many times do I have to tell you? Na hindi mo na kailangan gawin yun. I'm fine look. I don't need the help of others, 'cause I can stand on my own now. May saklay nga lang." pagpapaliwanag ko dito kay Mommy
Ang kulit naman kase. Nagpupumilit na pumayag ako dun sa deal nila nung babaeng yun.
Alam kong hindi kame magkakasundo ng babaeng yun kapag nakasama nya ako. I know my attitude and my moody attitude. Madami nang sumusuko sa ugali ko. But my Mom and ate na lang is always there for me.
Kaya ano pang silbi ng babae na yun? Kung sa ilang linggo or araw nya lang na pag stay dito ay aalis din sya.
"Anak, please listen to Mommy. Zieah is a nice girl. Like what I said before, hindi sya gaya ng mga past girls na hina-hire ko para mag alaga sa'yo. I know na malaki ang matutulong sayo ni Zieah." paliwanag ni Mommy
Gusto nya talaga yung babaeng yun. Bat hindi nya na lang gawing secretary nya? Like what she said, sa Blissed University nag aaral ung Zieah na yun, it means may kaya sila. Bakit kailangan nya pang mag trabaho? Ano yun trip lang? Tss.
Saka pwede naman sa mga restaurant sya pumasok or kahit saang pabrika man 'yan. Hindi yung dito pa.
"Okay fine. She's an educated girl. But, her attitude Mom. I don't like her attitude. The way na sumagot sagot sya sa akin. She's so rude." saad ko
Natawa naman si Mommy sa sinabi ko.
Sa buong buhay ko na naka kulong sa bahay na 'to, sya lang ang nagmatapang na babae sa akin bukod kay Ate.
YOU ARE READING
12:51 (On Going)
Fiksi RemajaLove is a Feeling? Or a Choice? Isusuko nga ba ni Zieah ang 3 years nyang relasyon dahil lang sa kanya? Mag give way kaya si Jake para sa nararamdaman ni Zieah?