CHAPTER 15

13 4 2
                                    


STILL ZIEAH'S POV

"Ano? Arat na. Stop muna sa pag inarte." saad ko sa kanya

Sinamaan nya lang naman ako ng tingin saka dahan dahan umupo. Aalalayan ko pa sana siya kaso tinabig lang ang kamay ko.

Apaka maldito. Tsk.

"Sabi dito sa brochure, we need to straight up our legs. Since na may diperensya ang other leg mo, yung isa na lang ang straight up mo. Saan ba ang may diperensya jan?" paliwanag ko

"This one" tinuro nya naman ang right leg nya

"Okay. So, gayahin mo na lang ang gagawin ko. For example may damage rin ang right leg ko para madali mong magegets ang gagawin ko"

Vince just nodded.

"First, bend mo ang left leg mo, like this. Bend it for 30 seconds"

"What? Ang tagal naman?" reklamo nya

"30 seconds lang 'yun, ano ka ba?"

"Tss."

Ang reklamador bwisit.

Buti na lang may alam ako dito kahit onti, hindi naman kase ito ang tinetake kong course tss.

"30 seconds start now."

Kapayapaan ang namagitan sa aming dalawa. Char. Walang sigawan, tanging 'tik-tak' lang ng relo ang rinig sa buong kwarto.

Makalipas ang 15 seconds nakita ko na unti unti nang umaangat ang kaliwa nyang paa sa pagkaka bend.

"Huy! Huy! Huy! Ano 'yan? Bakit umaangat na oh?" paninita ko sa kanya

"Nakakangawit kaya? Matagal pa ba?" irita nyang reklamo

"15 seconds pa lang po ang nakakalipas, oh ayan, para makita mo yung oras. Sa susunod na magkamali ka pa iseset ko uli ng 30 seconds yang relo."

"Damnit." mura nya

Jusmiyo. Mas maiksi pa pala pasensya nito kaysa sa akin.

"Bend it." saad ko saka inayos nya uli sa pagkaka straight ang paa nya

Pagkatunog ng relo ay agad nyang itinupi ang binti nya sa pagkaka unat.

"Are we still doing exercise? Ngalay lang ang inaabot ko dito eh" reklamo nya nanaman

"I told you kanina na basahin mo ang brochure para malaman mo kung ano result ng gagawin natin. But you didn't read it." sagot ko sa kanya

"You're my therapist here. So, it means you should explain to me kung anong kakalabasan nito. Tsk" sagot nya naman

"For muscular strength po ng legs natin, para sa susunod kapag tatayo ka or maglalakad kaya mo nang buhatin ang katawan mo without holding anything." paliwanag ko

Irap naman uli ang ginanti nya sa akin.

"3 times natin yan gagawin, but for now, ide-demonstrate ko muna sayo isa isa ang gagawin nating exercises every weekend."

Nanatili syang seryoso.

"Okay next, stretch out. Since left foot mo lang ang nakakagalaw of course yan lang rin ang i-stretch mo. Gets?"

Inirapan nya uli ako.
Arte hmp.

"Time?" tanong nya

"15 seconds backward and forward" sagot ko

Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga move na kelangan nyang gawin.

Pero kada salita ko parang hangi lang ang kausap ko. Kung hindi tatango, irap ang isasagot. Allergy mag salita ampocha.

12:51 (On Going)Where stories live. Discover now