Thank you for the good comments!😘❤
Enjoy reading!!❤ZIEAH'S POV
Nakakapagod na araw hays..
I'm already here in our house coz tapos na ako doon sa mokong na 'yun. Grabe daig pa baby ang inalagaan ko nyemas.
"Oh anak, andito kana pala." saad ni Mama nang makita nya akong nakahiga ang kalahating katawan sa sofa
"Yes Ma," sagot ko
"Ano? Kamusta naman?" tanong nya saka tumabi sa akin
"Hmmm.. nakakapagod." sagot ko
"Ano ba ginawa nyo, at mukang pagod na pagod ka nga?"
"Mahabang kwento Ma, bukas ko na lang ikwento papahinga na ho ako" sagot ko dito
"Ok, btw may bisita ka" saad ni mama na parang kinikilig pa
"Sino? Si Sham ba?" tanong ko
'Di nman nagsabi ang gaga na pupunta dito saka isa pa hindi naman bisita turing ko dun, bwisita kamo.
"No, sige na dumeretso kana sa kwarto mo" saad ni Mama
"Eh? Sabi mo may bisita ako? Bakit pinapapunta mo na ako sa kwarto Ma?"
Labo. May bisita daw ako pero pinapadiretso ako sa kwarto?
"S-Syempre magpalit ka muna no, nakakahiya naman kung ganyan ang suot mo tas halatang haggard ka, diba?"
"Eh, s-sige. Sino ba kasi 'yun?" tanong ko uli
"Mag ayos ka nga muna, sige na, dali" saad nya habang tinutulak ako paakyat ng hagdan
Arte naman nun. Sino ba kasi yun? 'Di naman ganun si Mama pag may bisita kami. Saka isa pa, nasaan yung bisita? Nasa kusina kaya?.
Bago ako tuluyan maka akyat, sumilip ako sa baba para tignan kung sinong bisita ba tinutukoy ni Mama.
Pero wala naman. Ano trip ni mama?
Hinayaan ko na lang at dumiretso na ako sa kwarto.
Pagkabukas ko ng pinto ay kinapa ko ang switch sa dingding para buksan ung ilaw.
T-teka, ba't andito si Jake? Shocks totoo ba thiz?!?
Nakita ko si Jake na nakaupo sa kama ko nakaharap sa pinto, may hawak syang boquet ay may nakapaskil na balloon letters sa dingding ng kwarto ko.
S O R R Y N A B A B E
I L U V E Y O U"A-ano meron?" tanging nabanggit ko
"Hmmm.. Wala lang? Hahahaha" sagot nya naman
"B-bakit may pa ganto ka?" naguguluhan kong tanong
"Eh kasi, gusto ko lang" sagot nya naman na matamis na nakangiti
Uggh! Yung ngiti nya nanaman!
"Bakit ba gulat na gulat ka?" natatawa nyang sagot sa akin
"Eh, ano, kasi, ah" utal utal kong saad sa kanya
Gosh! Eh hindi ko naman kasi in-expect!?!
Like, never pa 'to nangyari. Masyado akong shock.Kalma Zieah. Boyfi mo lang yan. Anukaba.
"Eh, ano? 'Di mo ba nagustuhan?" tanong nya saka tumayo
"No, hindi, I mean, nagustuhan ko, sobra. I j-just didn't expect this and you" sagot ko
"Halika nga dito" saad nya saka hinila ako papunta sa kanya at hinalikan ang noo ko
Shit. This feeling.
YOU ARE READING
12:51 (On Going)
Teen FictionLove is a Feeling? Or a Choice? Isusuko nga ba ni Zieah ang 3 years nyang relasyon dahil lang sa kanya? Mag give way kaya si Jake para sa nararamdaman ni Zieah?