CHAPTER 4

34 9 7
                                    


ZIEAH'S POV

"Seriously? Bat naman nagawa ni Tita yun?" tanong ni Sham habang abala ako sa pag tingin ng History Book dito sa library, naiwan ko kase sa bahay 'yung libro ko kaya ayan tiis tiis sa paghahanap.

"Oo nga, ewan ko nga kung ano pumasok sa utak ni Mama at ako pa ang sinud-gest dun sa kumare nya na yun" tugon ko

Nakwento ko kase sa kanya 'yung usapan namin ni Mama kagabi, hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung bakit ginawa 'yun ni Mama. 

"Eh, ano naman sabi mo? Um-oo ka?" tanong nya

"Syempre hindi no, ang sabi ko pag-iisipan ko. Saka hindi ko nga kilala kung sinong kumare nya na 'yun eh. Ang sabi nya lang eh 'yung may-ari daw ng Mall diyan sa tabi ng Purps Coffee Restau." paliwanang ko saka umupo

"Eh, mayaman naman pala bessy eh! Kung ako 'yun oo agad!" saad nya na kinumpara pa sarili nya

"Bessy, hindi lang naman pera habol ko 'no, saka isa pa, lalaki 'yung pagtratrabahuan ko.. alam mong ilag ako pagdating sa mga lalaki. Saka may boyfriend ako. Seloso pa"

"Kung si Jake lang rin ang iisipin mo eh wala kang maaanong trabaho. May trabaho bang pang babae lang aber?" tanong nya na parang inis pa saken

"Wala." sagot ko

"Oh diba wala? Kahit anong trabaho pa 'yan bessy, sa ayaw mo man o hindi may makaka-salamuha ka talagang lalaki. Duh?!" 

"I know Sham. Ang akin lang, eh sa mismong lalaki ako magtratrabaho. Like? Ano na lang iisipin nun ni Jake na magtratrabaho na lang ako, sa lalaki pa."

"Eh bakit ba kase puro Jake ka diyan ha? Bakit puro mararamdaman ni Jake? Eh kung naka base lang nman pala kay Jake 'yang desisyon mo, edi wag kana mag-trabaho." 

Natahimik naman ako sa sinabi na 'yun ni Sham. May point sya dun. Parang puro kapakanan lang ni Jake ang naiisip ko. Hayss! Ewan. Ang gulo gulo.

"Think about it bessy." bulong sakin ni Sham saka nagpatuloy magsulat sa notebook nya.

'Di ko na lang sya pinansin at saka nagpatuloy magbasa.

Kaso kahit anong concentrate ko pumapasok paden sa isip ko tungkol sa trabaho na 'yun. 

Do I need to work pa ba? tinig sa isipan ko. Hays. Mama naman kasi eh. Pwede nman iba na lang 'yung i-offer nyang trabaho eh. 'Yung mas magiging komportable ako, 'yung hindi ko na rin kailangan mag adjust. Pati attitude ko kailangan mag adjust sa trabaho na 'yun. 'Diba napa ka complicated nun? O ako lang ang nagpapa complicated? Aiiishh!

Pano naman kaya ang mararamdaman ni Jake Fins? Ang gwapo kong boyfriend. Hays.

-----

"That's all kuya, thanks" I said to the waiter as I give the menu and give him a smile

We are here at the Purps Coffee Restau. This is a Coffee shop, half Fast food Restaurant, but we're in coffee shop right now. Mas ginusto ko na dito na lang tumambay para naman mahimasmasan ang utak ko. As usual kasama ko pa rin ang aking best friend.

Katatapos lang ng class namin kaya inaya ko 'tong si Sham na mag coffee. Gulat pa nga sya dahil ngayon na lang daw ako nag aya. 

Napansin ko nga na mas tutok ako ngayon sa studies ko, not that na hindi ako tutok dati. Noong 1st year college ako hanggang 2nd year college ay sobrang pabaya ko tlaga sa pag aaral, kung saan saan ako napapadpad na bar para uminom,  kahit na walang okasyon ay gabi gabi akong nasa bar. Tho, na me-maintain ko ang grades ko pero 'yung pagdating sa homeworks, quizzes, wala ako nyan.

12:51 (On Going)Where stories live. Discover now