CHAPTER 12

6 5 0
                                    

A/N: Happy Saturday!😊 Here's an another update for ya'll! Enjoy reading and please don't forget to vote!!❤ For dedications/shoutouts comment down below😉👇

ZIEAH'S POV

"So weekend na bukas! Are you ready and excited?" sigaw sa tenga ko ni Sham na inirapan ko lang naman

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kami nakakapagusap ni Jake for a week, even calls, texts or chats wala man lang. Grabe talaga ako tiisin ng mokong na 'yun.

"Aww, bad mood ang bessy ko" asar nya na kunware awang awa sa akin

Irap lang uli ang sinukli ko sa kanya at saka inayos ang gamit sa bag ko.

Sarap tignan ng mga istudyanteng pauwi na sa mga bahay nila, habang ako eto pupunta pa sa office ng Prof. ko at mag te-take ng special quiz, tinulugan ko kse subject nyang boring kanina.

"What's your problem ba huh? Pati ako nadadamay sa kasungitan mo tss" saad nya saka pumwesto sa harapan ko

"Gusto ko na umuwi" ang tanging sagot ko

"If you just did not sleep kanina, edi sana magkasabay tayong uuwi" taglish nyang tugon

English english pa kasi pwede naman tagalog na lang lahat.

"So hindi mo ako mahihintay?" tanong ko

Kala ko pa naman hihintayin nya pa rin ako para sabay kami.

"Mom just texted me, family dinner again and again, may important announcement daw"

Napa buntong hininga naman ako, kung okay lang sana kami ni Jake ngayon edi sana may magsusundo sa akin. Bwisit naman.

"Sige sige, mauna kana, kaya ko naman na"
pagpapa una ko sa kanya

"Hey, are you really fine? Nag away ba kayo ni Jake?"

Napakagat labi naman ako saka tumingin sa kanya.

"Maliit na away lang hindi naman ganon ka seryoso"

"No, if that is just a small problem you wouldn't act like that. Look, your face is so serious and I never seen even a little smile on your face until now. So tell me, what' s the problem?"

Napabuntong hininga naman ako.
Ayan, seryoso na rin ang bessy ko. Bwisit kasi kahit ngiti hindi ko mapeke.

"Fine, nagtalo kami last sunday."

"What? Last sunday pa?"

"Yeah, until now hindi pa rin kami naguusap."

"Kaya pala, ganyan lagi ang mood mo? I thought you're just in period kaya bad mood ka. So until now hindi ka pa rin kinakausap ni Jake?"

"Oo"

"About what?"

"About Vince, I mean my job doon sa lalaking 'yun. I thought na ok na sya dun pero hindi pa pala, he questioned me kung gusto ko ba daw ba talaga, kung hindi 'wag ko na daw pilitin. Ano gusto nya? Mag back out ako dahil lang dun na hindi kami magkasundo nung Vince? Saka isa pa, nakakahiya kay Tita Lucy, hindi naman ganun kadali 'yung gusto nyang gawin ko."

Tahimik lang na nakikinig si Sham sa akin.

"You are the one who witness that Jake agreed without hesitation right? And after that I almost asked him kung ok lang ba talaga, but he keep saying yes? And then he's acting like he don't want and he is dissapointed dahil mukang ayaw ko daw talaga na mag back out."

Pigil ang pagtulo ng luha ko.

"I don't understand him, kasi sa una pa lang kung ayaw nya talaga edi sana humindi sya. Hindi yung kung kailan okay na lahat, saka sya magsasabi"

12:51 (On Going)Where stories live. Discover now