Chapter 5

16 1 0
                                    

Regine POV

"Palibhasa hindi mo naalagaan si mommy kaya madali mo lang sya makalimutan" sigaw pa nya habang dinuduro ang bunso naming kapatid

"Tama na" sigaw ni Nash na ikinagulat namin.

For the first time lumabas ang buong boses nya.

"Palibhasa bato yang puso mo. Manhid ka masyado" sigaw pa ni France

"Wala kayong alam" sigaw ni Nash

"Wag mo kaming taasan ng boses" sigaw ko naman dahil napakabastos na nya

"Why? Palibhasa hindi kayo marunong mag tanong" sigaw nya ewan ko kung bakit ganto kami

"Wag mo ko masagot sagot ng ganyan. Kami ni ate wag mo kami sisigaw sigawan na parang ikaw ang mas matanda. College ang kausap mo at ikaw highschool palang." Sigaw ni France hinawakan ko naman na si France senyales na tumigil na pero hindi sya nagpatinag.

"At wag na wag kang maggaganyan saakin ahh wag mo ko kinaya kaya." Sigaw nya at agad nyang sinampal si Nash

Halos matumba si Nash sa lakas ng pagsampal nya

Dahan dahan syang tumingin saamin.

"France don't do that again" sabi ko at pupunta sana ako kay Nash ng magsalita iyon

"Tapos na po kayo?" Sabi nya na parang walang nagyari

Tinignan nya kami na parang sinasabi na wala syang nararamdaman

"No, hangga't hindi mo inaayos yang ugali mo hindi ka aalis dto?" Sabi ni France

"France? Umakyat Kana sa taas" utos ko kay Nash pero hindi nya ako sinunod

"Wag nyo ipamukha saakin na hindi ko naalagaan si mommy! Wag nyo ipamukha saakin na wala akong nararamdaman. Marahil na kapatid nyo ako kilala nyo ko, kilala nyo yung ugali ko kilala nyo ako, ang buong pagkatao ko. Pero ni minsan hindi nyo nakilala ang nararamdaman ko." Sabi nya saamin na nagmamakaawa na sana ay maintindihan namin sya

Pilit ko syang iniintindi pero hindi ko maintindihan ang ipinapaintindi nya.

Habang binibigkas nya ang sinasabi nya ay tumutulo ang kanyang luha.

"Hindi nyo alam ang pakiramdam ko. Dahil hindi naman kayo marunong makiramdam panay lang ang putak nyo. Oo hindi ko naalagaan si mommy, oo hindi ko sya nakasama sa mga oras na kasama nyo sya. Oo hindi ko sya nakasama sa mga oras na gusto ko sya masakama, iniisip ko nga" ambigat ng nararamdaman ko sa mga sinasabi nya.

"Sumpa ba ko?" Umiiyak na sabi nya at humihikbi  habang ako ay pilit na hindi umiyak

"Sumpa ba kong anak? Alam nyo kaya ako ganto!" Ngumiti sya ng bahagya

"Naiinggit ako sainyo" at doon na sya humagulgol at napaupo saka ipinahid nya ang dalawa nyang kamay sa kanyang muka

"Sobra akong naiingit sainyo. Kasi kayo naalagaan nyo si mommy, nahalikan nyo, nakausap nyo, nakasama nyo matulog, mayakap nyo, napasaya nyo. Eh ako" sabi nya habang nakatingin saamin habang umiiyak

Hindi ko namalayan na umiiyak na din pala ako

Ngayon alam ko na ang pakiramdam nya

"Ni hindi ko nakausap sa huling sandali. Hindi ko sya nakasama. Akala nyo wala lang saakin yun? Akala nyo ok lang mawala si mommy? Putang inang akala yan. Nakakamatay yang akala na yan!" Sigaw nya saamin

Hindi namin nagawang sumagot ni France dahil nabigla kami sa mga sinasabi nya

"Napakasuwerte nyo! Habang ako wala hanggang imagine lang! Ikaw ate" tumingin sya saakin.

"Nakasama mo sya sa stage elementary at highschool." Sabi nya napayuko ako dahil hindi ko kaya salubungin ang kanyang malungkot na mata

"Ikaw ate France!" Tumingin naman sya kay France.

"Nakaakyat sya ng stage nung elementary ka!" Sabi nya

"Eh ako?" Sabi nya at ngumiti ng mapait

"Daycare lang! Daycare ko lang sya makasamang umakyat ng stage! 9 years ko lang nakasama si mommy. Yung 9 years na yun. Hindi pa sulit dahil ang akala ko makikita at makakaakyat pa sya ng stage hanggang sa maging pilot ako. Putang inang akala yan nakakamatay" sabi nya at huminga ng malalim pero bago pa sya maka buga ay humagulgol na sya.

Hindi namin magawang lapitan si Nash dahil baka kung ano ang gagawin nya

"Lahat ng sinabi ko! Wala pa yan sa kalingkingan ng nararamdaman ko sa bawat araw na dumadaan. Mas lalo pa yatang lumalala yung nararamdaman ko ih." Sabi pa nya at pinunasan ang luha nya gamit ang kanyang kamay

"Ngayon alam nyo na ang dahilan ko! Pero yang dahilan ko ay masyado pang mababaw. Ganyang lungkot ang naramdaman ko sa bawat araw na lumilipas" sabi nya at napayuko.

"Nash, I'm so sorry. Hindi namin alam" sabi ni Nash lalapit na sana ni France si Nash pero

"Hindi nyo alam kasi sarili nyo lang ang iniintindi nyo! Ayaw ko pa sana ilabas toh kaso hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang maging manhid sa harapan nyo. Hindi ko na kayang magpanggap na wala lang toh saakin. Yung mga sampal nyo, yan yung nagpaalala saakin sa huling sinabi ni mommy. Na ako ang dahilan ng pagkamatay nya." Sabi nya na   namin

"Yung huling linya ni mommy na hindi mawala sa isip ko. Gabi gabi ay umiiyak ako. Gabi gabi ay para kong tanga na kinakausap ang sarili. Hanggang ngayon!" Sigaw nya saamin

"Hanggang sa ay nag seselos ako. Naiingit ako. Dahil hindi ko naranasan ang mga naranasan nyong pagaalaga kay mommy" sabi nya pa habang pinagmamasdan ko sya ay gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa.

"Araw araw tinatanong ko yung sarili ko, ba-bakit hindi ko naranasan ang mga naranasan nila ate? Bakit hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos? Ba-bakit hindi ko nagawang ipagmalaki na mommy ko yun. Bakit???" Sigaw nya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya pero pagkayakap ko sa kanya ay kumalas sya at tumakbo sa taas.

Hahabulin ko sana ng pigilan ako ni France

"Hayaan muna natin sya ate" sabi ni France napayakap na lang ako sa kanya at umiyak ng umiyak pati sya ay naririnig ko ang paghagulgol nya.

"Hindi ko na kaya" sabi ko sa kanya

"Kayanin mo ate kinaya nating wala si mommy sa tabi natin kaya kaya din nating buuin ulit ang bunso nating kapatid" sabi nya at pinunasan ang luha nya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ko.

"Pahiram ako ng sasakyan mo papasok ako" sabi ko at umakyat na sa taas

Kinuha ko ang bag ko at patakbong bumaba.

End POV

SORRY, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon