Chapter 7

24 1 0
                                    

Regine POV

"Uy, uy, uy dahan dahan aba! Baka mabangga tayo!" Takot na takot na sabi nya  habang ako walang pake sa kanya.

Punta ka Palawan don mo hanapin pake ko.

"Regine ano ba! Magdahan dahan ka nga!" Utos nya saakin agad ko naman inihinto ang sasakyan sa tabi at tinignan sya.

Hinahabol nya yung hininga nya. Yari dto.

"Muntik na yun ahh!" Sabi nya.

"Sasama ka pa?" Tanong ko ulit sa kanya

"Oo naman. Saan ba tayo pupunta?" Desididong sagot nya.

Abay matatag

"Hindi ka ba talaga aalis?"

"Paano ako aalis eh nandto ka?"

"Eh kotse ko toh"

"Eh edi wow"

"Umalis Kana!"

"Saan ba punta mo? Sasama ako sayo!" Sabi nya at tinignan ako habang nakangiti.

"Hindi ko alam. Uuwi na ko! Bumaba ka dyan" ito ko pero parang wala syang nakinig

"Ayaw mo bumaba? Edi ako bababa bahala ka dyan." Inis na sabi ko at akmang lalabas ako ng hawakan nya ang braso ko.

Buti na lang ay Naka hoodie jacket ako.

"Bitawan mo ko" sabi ko at humarap sa kanya. Laking gulat ko sa pagharap ko ay muntik na kami mag kiss.

Sa sobrang lapit ng muka namin ay naistatwa ako.

Doon ko lang napansin ang kabuuan ng kanyang muka.

Brown eyes, makapal na kilay, magandang labi, matangos na ilong at higit sa lahat ang kanyang pisnging mala siopao sa taba.

"Baka matunaw ako!" Sabi nya at doon lang ako natauhan

"Aalis ka ba o aalis ka?" Inis na tanong ko

"Sasamahan kita." Sabi nya at tumingin ulit sa daan

"Sino ka ba? At ang kapal ng muka mong sumakay at sumama at makipag-usap saakin ng ganyan ah. Close ba tayo?" Mataray kong sabi sa kanya

"At please lang wag ka na dumagdag sa problema ko pakiusap hindi ko na kaya." Dag daga ko pa.

Nakakainis akala nya kung sino sya.

"Malay mo naman ako lang pala ang solusyon sa problema mo." Seryoso nyang sabi at tumingin saakin.

Yan nanaman

"Umalis Kana" sigaw ko sa kanya.

"Ano ba problema mo?" Tanong nya saakin

Sasabihin ko ba sa kanya? Mommy bigyan mo ko ng sign. Please

Nagpalinga linga ako at napahinto ako sa isang buildboard

'ONE'S IN A LIFE TIME YOU MEET SOMEONE WHO CHANGE EVERYTHING'

Agad naman akong napatingin kay Ogie na naghihintay ng tanong.

Sya ba ang tinutukoy nitong nasa buildboard

Shit bakit nag iba yung feeling ko.

Naging komportable ako sa kanya.

Nagbuntong hininga muna ako at pumikit.

"Nag-away kami ng mga kapatid ko. Nasampal ko yung bunso kong kapatid dahil sa sarili kong katangahan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tapos medyo natroma ako kagabi. Dumagdag kapa atska si Alfred. Si daddy naman nakita namin sa mall gustuhin ko mang yakapin sya pero galit ako sa kanya. Hindi ko alam gagawin ko. Sasabog na ko anytime." Sabi ko at umiyak idinukmo ko ang ulo ko sa manibela.

"Kaya please lang wag ka munang sumabay." Sabi ko wala na kong pakealam sa kanya.

"Hayaan mo akong damayan ka"

"Bakit?" Sigaw ko sa kanya

"Ewan ko. Basta ang alam ko...." Hindi ko narinig ang huli nyang sinabi dahil napakahina non.

Hindi ko na lang sya pinansin at bumaba ng  sasakyan.

Pumunta ako sa pinto na kung saan ay nandon sya.

Binuksan nya iyon at tumingin saakin.

"Diba sabi mo alam mo kung saan ako pwede pumunta?" Tanong ko sa kanya at tumango sya.

"So ipunta mo ko I want to rest" sabi ko agad naman syang lumipat sa driver seat

Ako naman ay bumuntong hininga muna bago sumakay.

Pikit mata kong isinara ang pinto ng kotse.

Hindi man ako sigurado sa kanya pero ibinigay agad yung sign na hinihingi ko.

Habang bumabiyahe kami ay nakatanaw lang ako sa bintana. Hindi ko alam kung saan kami tutungo, pero naninibago ako sa sarili ko. Ewan ko kung bakit pero parang tingin ko sa sarili ko eh napakababa ko ngayon.

Ano na kaya nagyayari sa bahay? Sana ok lang sila! Paano nga pala sila magiging ok eh nagaway kami. Hays.

Naaawa ako ngayon kay Nash, hindi ko akalain na ganon ka bigat ang pinagdadaanan nya. Naiingit sya saamin dahil nasamahan namin si mommy sa huling sandali habang sya, Hays

Huminga ako ng malalim sa naisip ko at May tumulong luha nanaman sa aking mga mata.

Dumagdag pa tong si Alfred wahhh

I hope he doesn't come into my life.

Why he came back?

For what reason?

Oh for hearting me again!

For what reason?

Pasigaw na tanong sa aking isip.

Halos ayaw ko ng bumuntong hininga dahil natatakot ako nakita nya akong umiyak kaya naman ipinikit ko ang aking mata at isinandal Ang ulo sa bintana.

Bakit ba binibigay sa akin tong problemang toh? Hindi naman ako si Darna na may Ding mas lalong hindi ako si Superman dahil wala naman akong man para maging superhero ko. Ang corny ko.

Bakit kailangan ko toh pag daanan? Bakit naaapektuhan parin ako? Bakit nasasaktan parin ako? Bakit patuloy parin akong nadudurog?

Ayaw ko man mag isip ng kung ano ano pero, doon lumilipad ang isip ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako sa pagtanaw ng sikat ng araw sa aking mukha. Agad naman akong napatingin kay Ogie pero wala na sya.

Agad kong inilibot ang aking paningin at nakita ko syang nakatanaw sa isang bangin?

Agad akong lumabas at nilapitan sya.

"Gising Kana pala!" Bungad saakin ni Ogie pero nakatanaw parin sya na malaparaisong tanawin.

Hindi ko na sya sinagot at tumingin na lang ako sa tanawin na toh.

Bangin sya pero napakaganda ewan ko kung nasaan kami pero highway tong hinintuan namin. Mala probinsya style.

Yung sasakn na gamit naman ay nasa ilalim ng puno at itong kinatatayuan namin ay bangin.

Pagtingin mo dto ay dagat sya at May napakalaking bato sa gilid punong puno iyon ng puno.

Nakajatangal at nakakalimot toh ng problema at emosyon dahil sa napakagandang taglay nito.

Maya maya pa ay umupo sya sa lapag at nag sign naman sya na umupo na rin ako sa tabi ng. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi nya.

End POV

SORRY, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon