Chapter 13

12 1 0
                                    

Nash POV

"May relasyon ba kayo ni ate?" Tanong ko sa kanya ng makalapit sya saamin. Hinawakan ko ang kwelyo nya at ramdam ko ang takot nya dahil kita ko sa mga mata nya.

"Nash" tawag saakin nila ate pero hindi ko sila nilingon dahil wala akong panahon sa kanila. Alam kong O.A ako pero ayaw ko na masaktan si ate

"Wala kaming relasyon" nakahinga ako ng maluwag ng sabihin saakin ni ate yun. Pero hindi pa ko nakuntento.  Hindi ko naman kasi sya tinatanong sabat ng sabat.

"Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mo mag wheelchair" banta ko sa kanya

"Me...."

"Ako ang karelasyon ng ate nyo" hindi ko inalis ang mga mata ko kay  Alfred. Sabat ng sabat hindi naman kausap.

"Nash" tawag ni ate mack saakin

Kaya tumingin ako sa lalaki na karelasyon daw ni ate.

"Pag hindi kinakausap wag sumabat pakealamero" pambabastos ko sa kanya. Halatang gulat sya sa sinabi ko.

"Eto ba boyfriend mo?" Tanong ni France. Antanga naman nito narinig na nga tatanong pa.

Lumapit sya sa lalaking nagpakilalang boyfriend ni mack.

Nilingon ko si ate na hindi alam ang gagawin

"Oo boyfriend nya ko." Sabi ng lalaki.

Lumapit sya kay ate at inakbayan.

"France Nash" tawag nya saamin.

Tinignan ko sya ng masama.

Lumapit ako sa lalaki

"Wag mong hahawak hawakan si mack kung ayaw mo malumpo o maghingalo" banta ko sa kanya pero hindi sya natinag. Agad namang umalis si mack sa pagkakaakbay sa lalaki.

"Hindi ko sya boyfriend ok! Sya yung May ari ng A.O company" sabi ni mack saamin ewan ko ba kung matutuwa ako o ano. Piling si lalaki. Taena hahahaha

O.A company mas type ko yung o.a company kasi o.a tong lalaki.

Sarap ihagis sa mars.

Nakita ko naman si lalaki na napakamot sa ulo dahil kaharap ko sya

"Feeling" bulong ko sa kanya at humarap kay mack

"Nash nandyan na si dad" agad naman akong napalingon sa itinuro ni France na dereksyon saakin

Si dad nga

Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata.

"Mack si dad" takot na sabi ni France kay ate mack

Pinuntahan kami ni dad para kunin ako kaya kami napasugod dto

"Natalie Shawn" nakakatakot si dad dahil tinawag nya ang buong pangalan ko napaka babae masyado kairita

"Kinukuha ni dad si Nash kaya kami napasugod dto" sumbong ni France kay ate agad naman akong itinago si likod ni ate

"Anong kailangan mo?" Matapang na tanong ni ate. Sa totoo lang takot na takot na ko.

Ayaw ko lang ipahalata.

"Kukunin ko na sayo si Natalie" sabi ni dad at akmang pupuntahan ako ng bantaan ni ate si dad.

"Para saan?" Nakakalukong tanong ni ate kay dad. Ayaw ko ng May nagkakagulo pero ngayon gusto ko ng gulo.

"Titira na kami sa U.S kasama ng asawa't anak ko. Isasama ko sya dahil sya lang ang..." Hindi ko na pinatapos si dad dahil naiinis ako sa boses nya. Nademonyo ako

"I said I don't want..." Hindi ko natapos dahil nagsalita si ate

"Tanga ka ba? Isasama mo kapatid ko? Matapos mo kami iwan babalik ka para kunin yung kapatid mo. Umalis Kana at wag ka na mag pakita. Tanda tanda mo na hindi ka parin nakakapag isip ng matino" sabi ni ate sa kanya napatingin ako sa mga kasama namin ang talim ng tingin nila kay dad.

Mananaksak lang?

"Hoy tanda umalis Kana" sabi namin ni France kay dad. Pero lumapit sya kay ate at hinila ako. Agad akong hinawakan ni ate at hinila.

"Aray" sigaw ko dahil masakit na.

Ang higpit ng hawak nila saakin

Agad namang sinuntok ni Alfred si dad na ikinagulat naming lahat kahit si ate ay nagulat sa ginawa ni Alfred.

"Dad" sigaw ko dahil nakahiga na sya sa lapag dahil sa lakas ng suntok na ibinigay ni Alfred kay dad.

Lumapit ako kay Alfred at sinipa sya ng malakas dahilan ng pagtumaba nya

"Dad umalis Kana please leave now" utos ko pero hinila nya ako kaya naman agad akong hinila ni ate at France

"Ate wag nyo kong bibitawan" pakiusap ko sa kanila

Agad namang tumakbo si ate Jona saamin para tulungan kami habang yung lalaki ay pinuntahan nya si dad at pilit na ibinibitaw Ang kamay ko kay dad.

"Bitawan mo sya tanda" utos ni France kay dad

Sa paghila ng malakas nila ate saakin ay nabitawan ako ni dad agad namang inilagay ni lalaki ang kamay ni dad sa likod para hindi na makagalaw si dad.

"Sa nakikiusap ako sayo umalis Kana" sabi naman ni France

"Matapos ko kayo buhayin ayan igagantinyo. Mga walang utang na loob" sigaw ni dad. Sa sigaw nyang yun eh natakot ako

"Wala kaming utang na loob sayo. Ikaw pa nga dapat magpasalamat dahil binuhay ka ni mom at ng dahil sayo nawala si mom. Kaya tanda Umalis ka na" sigaw naman ni ate. Bakit ganto yung feeling ko? Apektado ako sa dalawang panig.

Gustohin ko man sumama kay dad kaso gusto ko rin kasama sila Ate. Saan ba ko lulugar?

Habang nagsisigawan sila ay tumakbo ako palayo sa kanila. Ayaw kong marinig ang mga masasakit na salita nila. Kung pwede ako na lang ang sasalo sa lahat ng salita nila para walang masaktan.

Habang tumatakbo ako kung saan. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga Paa ko. Wala akong pakialam.

"Nash" rinig kong tawag nila pero hindi ko sila nilingon gusto ko ng katahimikan.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Napahinto na lang ako dahil sa lugar na tahimik. Buti na lang ay hindi nila ako sinundan.

Nandto ako sa May park na malapit sa company.

Pumunta ako sa walang makakakita o makakarinig saakin.

Nagtago ako sa puno at nasampal ko nalang ang noo ko.

Mommy

"Arghhhh" sigaw ko dahil sa inis.

"Bakit kailangan ako masaktan ng ganto? Bakit umalis ka ng napakaaga? Mommy hindi pa ko mulat sa mundong ito iniwan mo na ko Andaya daya mo." Sigaw ko at nagpipinadyag.

"Pilit kong maging manhid pero bakit ang hina ko parin? Bakit iyakin parin ako sa simpleng masakit na salita? Mommy pakiusap sunduin mo na ko ayaw ko na sa kanila! Pinahihirapan nila ko" bulong ko habang humihikbi. Ayaw ko man masaktan at pilit na itinatago ang sakit pero pag ako na lang ang mag isa ay nasasaktan ako ng sobra.

End POV

SORRY, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon