28

52 3 1
                                    

Paghalik

Regine POV

Ewan ko kung ano ang uunahin kong ikukuwento sa iyo. Paano ba naman kasi andaming nangyari ngayong araw. Kung iisipin ko lahat yun eh nakakaistres.

Maaga puputi yung buhok ko panigurado toh.

Halos wala akong tulog kagabi. Dahil sa katangahan ni Piolo.

Mag damag ako nag bantay. Buti na lang at bumalik sila Ogie at Kian para May makasama kami.

4 am na nakarating si Tita kaya pinagpahinga muna namin sya. Sinundo sya ni France bago sya pumuntang airport. Pupunta kasi sya kasama mga kaibigan nya sa Italy. Two or four weeks sya don. Ewan ko ba don May isip na yun. Alam nya na kung paano umuwi.

Si Nash na ang sumundo kay Tita kasama si Kian. Naipaliwanag na rin ni Kian saakin ang fake relationship nila.

Paano ba naman kasi sinasabihan itong si Kian ng kuya nya na bakla. At pag wala daw syang napakilalang babae eh ipapatapon daw sya sa NORTH KOREA PARA MAGING SUNDALO. ANDWEEEE.

Kinausap nila ako bago dumating si Ogie.

Hindi ako sanay na wala si France sa bahay. Antahimik.

"Ang ganda naman ng bahay nyo."

"Tsk" sabay naming singhal ni Nash.

"Kayo lang nakatira dto?" Takang tanong ni Ogie.

"Hmm" tipid kong sagot.

"Nga pala nasabi mo na ba kuya na kukunin mong ninang si ate reg?" Ninang? What the heck..

"Ahh oo nga pala, hindi ko kasi nasabi sayo. Masyado kang masungit kahapon." Saad nya saakin.

Bakit naghihina ako?

Bakit naiinis ako?

Magkakaanak si Ogie at Maris!

Soooooo...

Hay nako Regine ano nanaman ba yung nararamdaman mo.

"Ok lang ba?" Tanong ni Kian saakin

"Oo naman." Pilit ang ngiti ko ng sagutin ko ang tanong na yun.

Nawalan ako ng mood.

"Sge akyat na ko." Sabi ko at nagbuntong hininga na tumalikod sa kanila.

Pagtalikod ko ay ang pag patak ng luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Mental na ba ko?

Pasimple kong kinamot ang kilay mb ko para hindi nila mapansin ang pag punas ng luha ko.

Pag ka sara ko ng pinto ay biglang tumulo ang luha ko.

Ano ba toh regine? Bakit ka nagkaganyan? Aba aba. Tumigil ka ahh. Wag tanga.

Huminga ako ng malalim at bigla na lang tumulo ng tumulo ang aking luha.

"Reg" bigla akong napatingin sa pinto.

Sasagot ba ko?

Bahala na.

"Hmm" malakas na tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Kain na tayo sa baba." Huminga ako ng malalim bago sumagot. Mahirap na baka pumiyok.

"Sge mauna na kayo kumain. Susunod a---" fvck pumiyok ako. Takte talaga.

"Umiiyak ka ba?" Takang tanong ni Ogie.

Pag bukas ko ng pinto, nagtaka pa ako kung asaan si Ogie. Pagtingin ko sa gilid ay andon, nakasandal ang loko.

"Bumaba ka na! Mag bibihis lang ako."

"Hintayin na kita."

"Ikaw bahala." Walang gana kong sagot. Pumasok ako sa kuwarto at sumunod naman sya. Pinaupo ko ang mukong sa single sofa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SORRY, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon