CHAPTER 1

10 1 0
                                    



My friends abroad kept communicating with me, and it's been a month since I got here in the Philippines. Saint and Santon are always visiting me, whenever they have time, like right now. Nasa veranda kami na tapat lang ng pool kung saan si Santon ay nag s-swimming at kami naman ni Saint ay nakahiga sa kanya kanya naming sun lounger.

"Paano nga pala ang mga papeles mo sa States? School information... something like that." ani Saint. Ibinaba ko ang orange juice sa mesa sa tabi ko.

"'Di pa tapos ang school year sa States, I'm just lucky they allowed me to do everything in advance kaya nakauwi ako, yun din ang dahilan kung bakit wala pa ang mga papeles, si Tita Julie na daw ang bahala." sagot ko. Tumango siya.

"Bakit ba nag mamadali ka, ha?"

"Nah, it's not that. I'm just excited to go to the same school as you, this will be the first time." sagot niya.

"Tsaka dapat talagang magkasama tayo ng school! Bumawi ka naman sa amin ni Santon, kami palagi ang bumibisita sayo sa States tuwing bakasyon na rito." dagdag niya. I chuckled.

It's true, they always visit me in the States because they think I feel sad that my parents send me there, when the truth is, I'm not. I was seven when Papa decided to send me there to live with my Tita Julie, who was then an intern in one of the biggest hospital in the States. I have friends there, a lot of friends. I am indeed very sociable and cool.

Umahon si Santon sa pool at pumwesto sa medyo malayo at bumwelo para tumakbo at tumalon sa pool. Saint laughed and walked towards the pool to join his twin. Napangiti nalang ako habang pinapanood ang dalawa na kung maka asta ay parang mga bata pero ang totoo ay college na.

Gabi na at tapos na mag dinner nang maka alis ang magkapatid, sinundo ni Tito na siyang galing sa trabaho sa kumpanya.

"Looks like the three of you are having fun, huh." sabi ni Uncle John.

"Dad, simula na ng enrollment sa next week, right? Samahan namin si Phoebe!" Saint suggested excitedly. Umiling si Uncle.

"Eh hindi pa makakapag enroll si Phoebe, Saint, her document are still overseas. Mabuti pa ay mag libot na lang muna kayo roon at i-tour si Phoebe." Uncle John said that made Saint's smile frown.

"Okay then, we'll go there next week." sabi ni Saint. I nodded.

"Okay, Ingat kayo pauwi." sabi ko at pumasok na sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto para makipagusap sa mga kaibigan ko na nasa ibang bansa, madami silang tanong tulad ng kung ano ang panahon dito at bakit hindi pa ako pumapasok. I spend my whole night explaining everything to them. Alas diyes na nang mag paalam ako sa kanila at ibababa na sana ang phone pero may humabol pang message. Galing kay Santon.

'Pinapasabi ni Saint na mag handa ka raw bukas, mag m-mall tayo.'

Napa-irap nalang ako at nag isip ng ititipa.

'Come on, I'm tired today... Let's just go hang out next week. '

Pagod talaga ako ngayong araw... o baka nasasananay na ang katawan ko na walang ginagawa dahil isang buwan na rin akong hindi nakakagala simula ng makauwi ako galing ibang bansa. I groaned when my phone rang. It's Saint. I answered it.

"What?" panimula ko.

"Don't what what me, what are you? Queen of quarantine?! Lalabas tayo bukas!"

"Napaka bossy mo! Ayoko nga... pagod ako."

"Pagod ka kasi isang buwan ka na na nagpapahinga. Pag bigyan mo na ako... tsaka, mag sama ka..." he trailed. Mag sama ako?

Between Us and Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon