CHAPTER 5

5 2 0
                                    



Sinabi ni Saint na kaya nandoon sila dahil dinadalaw nila ako, he was worried that I won't have a friend kaya sasamahan niya dapat ako. Well, I am friendly and there's no need for him to worry about me. Habang kumakain kami kanina ay hindi na muli kami nag usap ni Joaquin. Nagkahiyaan dahil sa tinuran ni Saint.

Ang epal naman kasi ng pinsan ko.

Nang makaalis sila Joaquin ay bumalik na rin kami ni Maureen sa classroom. Unti lang ang taong nandoon nang maupo kami sa dating inuupan.

"Hoy, crush mo ba si Joaquin?!" sigaw na pabulong ni Maureen.

Inirapan ko siya, "Hindi kaya."

"Psh, nag d-deny ka pa eh halata naman kanina!" sabi niya.

"Huh? Ganon ba kahalata?" pag aalala ko. Tumawa siya.

"So crush mo nga siya? Eto naman mahihiya pa... ikaw nga alam mo na crush ko si Saint, eh."

Sumandal ako sa upuan at huminga ng malalim. Hindi ko alam. Pero oo, crush ko nga siya.

"Crush lang naman... wala namang masama doon." sabi ko at kinuha ang bag ko. Inilabas ang salamin at lipgloss.

"Kaya nga! Ba't mo pa tinatago sa akin? Gusto mo tulungan kita?" napahinto ako sa tinuran niya. Gusto ko, pero... tinitigan ko ang bag.

"Hmm... bawal ako, eh." malungkot kong sabi. Ang bag na ito ang kapalit ng pangakong binitawan ko kay Lola.

"Wala namang makakaalam! Eto kung maka-asta parang hindi sa ibang bansa lumaki!" sabi niya at kinuha ang salamin para icheck ang mukha niya.

Well, sa ibang bansa ako lumaki pero my Tita Julie is very conservative. Puro pakikipag kaibigan lang ang pwede ako at kapag may nanliligaw sa akin ay agad kong pinalalayo. I'm always afraid that the people around me will be disappointed in my actions.

Dumaan ang buong araw at agad naman akong nagkaroon pa ng iba ring kaibigan bukod kay Maureen. There's Bell, Hunt and Bryson. Lahat sila nakilala ko dahil nasa iisang row lang kami ng upuan. Si Bell ay mahilig rin mag pinta tulad ko kaya nag click rin kami kaagad. Si Hunt naman ay matalino at napag alaman kong miyembro ng Drum and Lyre ng school. Si Bryson naman ay mahilig rin sa Basketball, pero hindi katulad nila Joaquin at Santon na lumalaban sa ibang school.

"Idol ko talaga si Joaquin pag dating sa basketball. Tangkad, eh!" sabi ni Bryson.

"Oo nga, eh! Kapag nasa field kami tas nagppractice, pag dumaan yan sila talagang tumitigil yung mga lyrist para panoorin sila." kwento ni Hunt.

Katabi ko lang ang dalawa kaya rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila. May pagka tsismoso si Bryson kaya marami siyang alam tungkol sa kung kani-kaninong tao.

"Pero 'diba may nobya si Joaquin? Yung Rossi ba yun?" singit ni Bell.

Nagkatinginan kami ni Maureen, "Nako, may jowa." bulong niya sa akin.

"Huh? Wala na sila! Si Amora na ata ang nobya niya ngayon." si Hunt.

Kanina nagugustuhan ko pa ang pinag uusapan nila dahil puro pamumuri. Ngayon hindi na. Sino ba yang mga babaeng yan at ipapa expel ko!

"Tanga. Wala na sila. Ghinost daw ni Joaquin." sabi naman ni Bryson.

Nagkatinginan kami uli ni Maureen, "Nako, ghoster!" bulong niya sa akin.

"Bakit naman daw?" hindi ko na napigilan ang sarili at nag tanong na.

"Ayaw ni Joaquin sa hindi matalino." napangiti ako sa sinabi ni Bryson. Well, well, well...

Between Us and Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon