Mag isa akong umalis ng bahay para mag mall, I'm so tired of just walking around the house all day kaya heto ako at namimili ng mga bagay na hindi ko naman kailangan. Pumasok ako sa isang sports shop, there's a lot of hoodie to buy here. Dumampot ako ng reverse weave hoodie. Itim iyon, naiisip kong suotin pang tulog. I then picked a reverse weave shorts and a reverse weave cropped top. I was paying nang may kumalabit sa akin sa balikat, nilingon ko ito at nakita ang isang babae.
She's cute. Maikli ang buhok niya, hanggang balikat lamang, ang mga mata ay medyo singkit at matangos ang ilong. Kumunot ang noo ko.
"Uhm, do I know you?"
"Hi, I'm Maurine Sy, you're Phoebe, right?" sabi niya at inilahad ang kamay para makipag kamay. I accepted it.
"You might not know me but I know you, nakita kita sa university na kasama sila Saint, you're their cousin... or girlfriend?" dagdag niya. Umiling ako.
"No, no... they're my cousin." I'm so done hearing people think that I'm in a relationship with one of them, it's gross. She smiled.
"Glad to hear that, then."
Glad... to hear that, then?
"Oh, I mean... I like Saint Diaz, you know, he's very cheeky, and witty and... ugh i'm so in love with him." Now, that's more gross.
Tinalikuran ko siya at idinagdag ang mga pinamili sa braso, there are already a lot of them. Dadaan pa 'ko ng bookstore para bumili ng school supplies, magsisimula na ang pasukan next week.
Palabas na ako ng makitang tumakbo iyong Maurine papunta sa akin at inangkla ang kamay sa braso ko. I looked at her. What? Does she plan on accompanying me?
"Aalis ka na? Can you accompany me to a coffee shop? My treat!" sabi niya at hinila ako papunta sa kung saan.
Oh, it's the other way around.
Hinayaan ko na lang si Maurine na gawin ang gusto niya, pwede naman na mamaya na ako bumili ng school supplies sa bookstore. Umupo kami malapit sa bintana, ibinaba ko ang mga pinamili ko dahil nananakit na rin ang braso ko sa bigat nito.
"What do you want?" tanong niya habang nakangiti. She looks excited.
"Java chip frappuccino..." sabi ko.
Actually, it's not bad to be with her. I just didn't like the way she approached me. Kung ibang tao siguro iyon ay kinagalitan siya. Nang makabalik siya ay dala dala niya na ang mga orders, ibinaba niya ito sa lamesa. Kinunan ng litrato kasama ako at sinabihan na ipo-post daw niya ito sa social media, I agreed cause why not?
"Uhm... grade eleven ka?" tanong niya.
"Yeah, college na dapat sa ibang bansa but then... it's a long story." sabi ko at sumipsip sa inumin. Ngumuso siya.
"I have time but if you don't wanna talk about it, okay lang." aniya.
Tumango ako, "Sabi mo kanina nakita mo ako kasama sila Saint, does that mean you study in Diaz Univ, too?" tanong ko.
"Oo, simula elementary pa... anong section mo? Baka mag kaklase tayo!" sabi niya. Ngumuso ako.
"Uhm... section 5-A." sabi ko, not sure though but that's what I heard from Saint. Lumungkot ang mukha niya.
"Why? Ikaw ba?"
"5-C..."
"Oh, I'm afraid we're not-"
"Mau, akala ko ba may sisilipin ka lang." naputol ako at napalingon sa nagsalita. It's a guy, his face resembles Maurine.
"Kuya Mateo," tawag ni Maurine at tumayo, tumayo rin ako.
BINABASA MO ANG
Between Us and Our Past
RomanceSabrina Phoebe Dawson Diaz is the princess of a strong and wealthy family. She was known as the heir to the Diaz Empire so her parents sent her abroad to study but her Grandfather seemed to have lost his trust in her so he decided to change his deci...