"Ayos nga lang." sabi niya.
"But I insist."
"Please?"
Bumuntong hininga siya at tinanggal ang helmet niya. He looked at me in the eye. Para bang hinahalukay ang tiyan ko dahil sa pag titinginan namin. Talo ako. Hindi ko kaya. I looked away.
"Nakakahiya naman kasi. You go all the way here to bring me home yet I didn't even treat you to dinner." paliwanag ko. Ngumiti siya kaya napatingin ako sa kanya. Ang gwapo talaga.
"Okay, then."
Pumasok kami sa loob ng bahay at ibinaba niya ang eco bag na naglalaman ng mga pinamili ko sa sofa sa sala. I led him to the dining room. Naroon si Manang Espiranza.
"Nako mabuti at nakauwi ka! Nag taxi ka ba?-" natigil si manang nang makita na nakasunod sa akin si Joaquin.
"A-ah may bisita ka pala..." si manang.
"Manang, pahanda po ng dinner. 'Di pa po kami nag hapunan." sabi ko.
Agad naman nag pa asikaso si manang ng paghahanda ng mesa. I can see that Joaquin is a bit uncomfortable.
"Joaquin, upo kana. Saglit lang naman ito." sabi ko. Tumango siya at umupo na.
Damn, kahit ako ay kinakabahan. That was fast! Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa akin at inaya ko siya. Pero... ayos lang naman iyon diba? I'm just hospitable...
"Oh siya, kumain na kayo... hijo, hinatid mo ba si Phoebe?" si manang Espiranza.
Tumango si Joaquin, "Opo, mali nga po iyong masasakyan niyang jeep, eh."
Humawak sa dibdib si manang Espiranza at hinawakan ako sa magkabilang braso dahilan para mabitawan ko ang mga kubyertos.
"Nako! Patay ako kay Don William pag may nangyari sa'yo! Huwag ka na aalis ng bahay mag isa!" pag hihisterikal niya. Tumingin ako kay Joaquin at sakto naman na nakatingin siya sa akin. Umiling ako.
"Manang naman... wala lang iyon."
"Anong wala lang iyon?! Nako... anong pangalan mo, hijo?"
"Joaquin ho." sagot niya.
"Joaquin... salamat ha?" sabi ni manang kay Joaquin.
"Wala pong anuman."
"Oh siya kumain na kayo at may aasikasuhin lang ako." paalam nito.
"Teka, may nobya ka na ba?" pahabol na tanong nito bago lumabas ng kusina.
Gulat akong napabaling sa tanong niya kay Joaquin. Linunok ko ang nginunguya at bumaling uli kay Joaquin.
"Manang ano ba naman ang tanong na yan... haha, Joaquin pag pasensyahan-"
"Wala po." putol ni Joaquin sa akin at tumingin uli sa akin.
Awkward.
Tumawa si manang at nagpatuloy na na umalis at iwan kami sa kusina na kumakain.
"Uhm... you don't have a girlfriend?" tanong ko.
"Yeah, wala."
"Kung ganoon... sino yung kasama mo noong unang kita ko sa'yo sa mall?" tanong ko.
"Hmm... si Delaney? Kaibigan ko lang yon." sagot niya. Ah, kaibigan. Tumango ako.
"Ah, ganoon ba? Haha."
Tahimik ang paligid namin. Awkward kumbaga. Ba't ko nga ba siya inimbitahan uli?
BINABASA MO ANG
Between Us and Our Past
RomanceSabrina Phoebe Dawson Diaz is the princess of a strong and wealthy family. She was known as the heir to the Diaz Empire so her parents sent her abroad to study but her Grandfather seemed to have lost his trust in her so he decided to change his deci...