CHAPTER 6

7 1 0
                                    



Matapos kumain ay lumabas na kami ng pinag kainan namin at nag ikot ikot na muna. Si Saint. Santon at Mau ay nauuna na mag lakad. Well, si Joaquin din dapat but I'm tying him down with me, kaya heto ako at nakakapit sa braso niya.

"Pwede bang tanggalin mo yang hawak mo sa'kin?" tanong niya. He looked annoyed but I didn't care, mas lalo siyang gwapo sa paningin ko 'pag nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang perfectly defined niyang kilay.

Umiling ako, "Ayaw." sabi ko.

Bumuntong hininga siya at pinabayaan ako. Kani-kanina lang ay napag desisyonan ko na ang balak kong gawin, he's perfect as my fictional character kaya naiisip ko na itulad ko ang sarili ko sa nobelang nababasa ko sa mga pocket books. Where the girl would run around the boy she likes and wait until it appreciates her and like her back... or love, maybe.

I'll confess that I like him, show him my good traits and everything that I can boast about. He's aloof and it looks like he's not really interested, making him the perfect one for me.

Let's say... I'm down for the chase.

"Joaquin... halata naman 'di ba?" tanong ko.

"Halata ang alin?"

"Na gusto kita."

At the second thought, akala ko nakita kong umangat ang gilid ng labi niya but then I boldly stared at him. Naging seryoso ang mukha niya, ang mata niya, dumilim.

"Pasensya na. Hindi ako nagkakagusto sa bata-"

"Scam!" pag putol ko. Kunot ang noo niya nang lingunin ako.

"Excuse me? What?" naguguluhan niyang tanong.

"Akala mo 'di ko alam na may naging girlfriend kang kasing grade ko?" singhal ko.

Ngumiti siya na para bang hindi makapaniwala. Hinarap niya ako at inilagay ang mga kamay sa bewang.

"Kanino mo nalaman 'yan?" tanong niya.

Huminto ako at nag isip. I can't say I heard it from my friends. I can't say that my friends gossip a lot. Ngumuso ako.

"Hmm... secret." tinuran ko at ngumiti.

"Saan nga?" pag pilit niya.

"Ang sabi ko, secret. Tsaka, alam naman iyon ng maraming tao sa school at hindi imposibleng hindi ko malaman. Nakita ko na kayo once." paliwanag ko. I lied about saying that I saw them.

He chuckled.

"Yes. She's my ex."

"Edi inamin mo rin, ba't mo sinabing hindi ka pumapatol sa bata?" tumaas ang kilay ko.

"That's why we broke up. She said she's 18 kaya pumayag ako." sagot niya.

"Ah... akala ko sinabi mo yon kasi ayaw mo sa akin." I voiced out my thoughts.

That's true. Iniisip ko kung bakit niya sinabi iyon when in fact pumatol siya sa kasing edad ko, I was kinda offended because it felt like, 'okay lang lang basta hindi ako.'

Hindi niya ako sinagot.

"So pag 18 na, pwede na maging candidate as your girlfriend?"

Umirap siya, "Ano bang tingin mo sa akin, Phoebe? Playboy?" tanong niya.

"Oo."

"Well, Phoebe, hindi ako ganon. I'm a busy guy and I have no time to play around." sabi niya at nag madali na maki catch up kina Saint.

Between Us and Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon